Janella Salvador and Markus Paterson to bashers of their baby: “Your humor must be really f*c*ed up.”

by Bernie V. Franco
Apr 7, 2021
Markus Paterson and partner Janella Salvador slam bashers who made fun of their baby's looks. Markus warns them, “But come for my son and I will come for you."
PHOTO/S: YouTube (M & J & J)

Hindi nakapagpigil ang young showbiz couple na sina Janella Salvador at Markus Paterson na balikan ang mga nanlait sa kanilang five-month-old baby na si Jude Trevor.

Si Janella, 23, hindi na naiwasang makapagmura sa kanyang post, habang si Markus, 23, nagbabalang babalikan ang mga basher na nang-alipusta sa kanilang sanggol.

Magkasunod ang post sa social media nina Janella at Markus at binanatan ang bashers ng kanilang anak.

Lumalabas na ang pinag-ugatan nito ay ang pamba-bash ng isang netizen kay Jude Trevor matapos i-post ni Erich ang picture kasama ang bata.

Noong March 30, ipinost sa Facebook ni Erich ang mga picture kasama ang sanggol nang bisitahin niya sina Janella.

May mga netizen na kinutya ang itsura ng walang muwang na bata.

Unang nag-post si Markus sa Twitter ngayong umaga ng Miyerkules, April 7.

Ipinost niya ang screenshots ng ginawang panlalait at pinagtawanan ng netizens ang itsura ng kanyang anak.

Nagkomento ang netizens sa post ni Erich na karga-karga ang anak nina Janella at Markus.

Continue reading below ↓

Komento ng isang basher (published as is): “jusko po panginoong mahabagin bat ganyan ang mukha ng batang yan.”

Nagsunuran na ang mga sagot ng kakilala ng basher. Base sa mga sagot nila, natawa sila sa panlalait ng basher.

Ang ilan, kinatigan pa ang komento ng basher tungkol sa itsura ng bata.

May mga sumunod pang comment ang basher na pinasaringan pang "makasalanan" ang showbiz couple.

Sa unang tweet ni Markus, sinabi nitong hindi niya tatantanan ang mga nang-alipusta sa kanyang anak na wala pang kamalay-malay.

Pahayag ni Markus: “Let’s be honest. I’m no stranger to bashing.

“But come for my son and I will come for you.

“People like this make me sick, wala pang isang taon anak ko and ya’ll making fun of a NEWBORN.

“Not gonna erase the names, proud nyo eh.”

Twitter: Markus Paterson posts bashers of baby jude

Continue reading below ↓

Hindi pa rin tumigil ang basher at nirepost pa ang previous post ni Markus karga-karga ang nakahubad na anak.

Sa komento ng basher, tinawag niyang “tanga” si Markus at tinawag na “damulag” ang kanyang anak.

Ni-repost din ito ni Markus.

Instagram: Basher called baby jude damulag

Sumunod na tweet ng aktor (published as is): “for the people in this post, I have no words other than I hope you someday find the happiness you need to fulfill that hole in your hearts.

Continue reading below ↓

“Maybe one day I can check on you all, Since I have your names.”

Twitter: Markus Paterson reply to bashers of baby jude

JANELLA IS FURIOUS

Bakas din ang galit ni Janella sa kanyang tweet.

Babala niya, huwag na huwag kakantiin ang kanyang anak at siguradong makakarinig sila mula sa kanya.

Ni-repost ni Janella ang profile pic ng basher.

Continue reading below ↓

Tweet ni Janella: “Your humor must be really f*c*ed up to make fun of a baby.

“I can take all the bashing in the world directed at me with grace, but direct it at my innocent son and you’ll definitely hear from me.”

Hirit niya sa basher, “PS you sure about making fun of Jude’s face? You sure, bud? Sure na? Yikes. Ayt [smirking face moji]”

Kalakip nito ang itsura ng basher.

Twitter: Janella Salvador calls out and posts photo of baby jude basher

Continue reading below ↓

Ni-repost naman ni Markus ang screenshots ng bashers at ng kanyang mga mensahe sa kanyang Instagram account.

HOT STORIES

Use these Zalora vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Markus Paterson and partner Janella Salvador slam bashers who made fun of their baby's looks. Markus warns them, “But come for my son and I will come for you."
PHOTO/S: YouTube (M & J & J)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results