Markus Paterson shocked by netizens bashing his five-month-old baby: “Tigilan nyo na anak ko.”

by Bernie V. Franco
Apr 7, 2021
Markus Paterson warns bashers of his five-month-old baby with Janella Salvador: "You think I’ll have mercy? For what you’re all saying about my son?"
PHOTO/S: YouTube (Star Magic) / @markus on Instagram

Hindi na nagpaawat si Markus Paterson, 23, na sunud-sunod ang post sa kanyang social media accounts para banatan ang bashers ng baby nila ni Janella Salvador.

Ang anak nina Janella at Markus ay ang five-month-old na si Jude Trevor.

Umaga ng Miyerkules, April 7, nag-react sina Janella at Markus dahil sa pamba-bash ng isang netizen sa itsura ng kanilang sanggol.

Isa sa ipinost na panlalait ng basher (published as is): “jusko po panginoong mahabagin bat ganyan ang mukha ng batang yan.”

Sa post ng basher, nagkomento ang iba pang netizens na nilait din ang bata o kaya naman ay natawa sa ginawang panlalait sa anak nina Janella at Markus.

Hindi ito pinalampas nina Markus at Janella na bumuwelta sa pang-aalipusta sa kanilang walang kamalay-malay na anak.

Ngayong hapon, ni-repost ni Markus ang screenshot ng bagong post ng basher.

Humihingi ito ng paumanhin sa young showbiz couple.

Nag-sorry ito kina Janella at Markus sa ginawa nitong pambu-bully sa kanilang inosenteng anak.

Continue reading below ↓

“I’ve learned from this mistake and I will be a better person and be more mindful of what I say,” bahagi ng pahayag ng basher.

Markus Paterson posts apology letter of basher

NETIZENS MAKE FUN OF JANELLA AND MARKUS'S BABY

Pero hindi rito nagtatapos ang panlalait kay Baby Jude.

Ipinost din ni Markus ang screenshots ng mga netizens na patuloy na pinagtawanan ang itsura ng kanyang anak.

Continue reading below ↓

Wala sa lugar ang mga komento ng bashers sa baby nina Janella at Markus.

Panlalait ng isang basher: “suminghot ng maraming hangin paloob galing ilong.”

Ang iba, tinawag na “baby na bato” at “pangit na baby” ang sanggol.

Ang ibang netizens, mukhang natawa pa sa bashing na ginawa sa baby.

Ang iba naman, nag-post pa ng mga movie characters na inihahambing sa bata, gaya ng Smurf at isang tuod na binihisan ng baby clothes.

Nag-status si Markus tungkol sa pagkakabisto sa isang basher at sa iba pang walang patawad na pinagtawanan ang kanyang baby.

Sabi ng aktor, magsisisi raw ba yung mga netizens kung hindi sila nabisto?

“The sad thing is, these people will cry about it claiming they’re sorry. If you weren’t caught would you have been sorry?

“Hindi lang yun. 5 months old na bata. 5 MONTHS OLD,” tweet ni Markus.

Sa kanyang Instagram Story, may karugtong ang pahayag na ito ni Markus.

Continue reading below ↓

Pagpapatuloy niya, “Seriously what is wrong with you people? You think I’ll have mercy? For what you’re all saying about my son?

“Tigilan nyo na anak ko.”

Markus Paterson calls out bashers of baby jude

Aniya pa sa isang tweet: “this is what we meant by, ‘Keeping him safe from the cruel world we live in.’’

Siyempre bilang ama, ipagtatanggol ni Markus ang kanyang anak.

Continue reading below ↓

Akala raw niya ay nakita na niya ang pinakamasamang bashing, pero nagkamali siya nang idawit pati ang kanyang anak na isang sanggol.

Katuwiran ni Markus: “I’m not usually this vocal, especially about bashing.

“But my son is a different story, my baby boy is my flesh and blood and I would take a bullet for him.

“I thought I’d seen it all, but hating on a newborn baby has truly shocked me.

“Imagine if it was your child?”

Markus Paterson speaks about bashing of baby Jude

Continue reading below ↓

Malinaw na iginigiit ni Markus ang talamak na bashing ngayon na pati ang isang walang malay na sanggol ay idinadamay.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Markus Paterson warns bashers of his five-month-old baby with Janella Salvador: "You think I’ll have mercy? For what you’re all saying about my son?"
PHOTO/S: YouTube (Star Magic) / @markus on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results