Enzo Pineda gets cheesy about relationship with Michelle Vito: “Thank you for being my happiness.”

by Arniel C. Serato
Apr 8, 2021
Enzo Pineda feels grateful to have Michelle Vito as his girlfriend. The actor admitted his relationship with the Kapamilya star in August 2020.
PHOTO/S: Courtesy: @michellevito on Instagram

Level up na sa ka-sweet-an ang relasyon nina Enzo Pineda, 30, at Michelle Vito, 23.

Kamakailan lamang ay magkasama ang dalawa sa isang beach adventure sa Boracay.

Sa kanyang Instagram kahapon, April 7, nagbahagi si Michelle ng mga larawan nila ng boyfriend sa isang magandang spot na sakop ng isang hotel doon.

May anim silang mga larawan ni Enzo na tila nag-enjoy nang husto sa kanilang bakasyon sa isa sa pinakamagandang tourists spots sa mundo.

Caption ng Kapamilya star, “What happiness looks like.. thank u for bringing so much joy to my life [cloud emoji]”

Naka-tag sa kanyang post si Enzo.

Pero ayon kay Enzo, siya dapat ang magpasalamat sa nobya dahil sa kaligayang naibigay nito sa kanya.

Komento niya sa post ng girlfriend, “Awww ako dapat mag pasalamat sayo mahal ko. Thank you for being my happiness [hugging face emoji] @michellevito

IG comment: Enzo Pineda thanks Michelle Vito for being his happiness

Continue reading below ↓

Noong August 2020 lamang inamin ni Enzo ang relasyon niya kay Michelle sa pamamagitan ng Instagram.

August 28, nagbahagi ng isang makahulugang mensahe ang aktor para sa kanyang followers patungkol kay Michelle.

Sinamahan niya ito ng tatlong larawan nila ni Michelle na magkaakbay.

Sabi ni Enzo sa caption, “In this vast infinite universe that we are in, I’m blessed that I ended up in this interesting planet called earth & met you.

“Thank you for sunnier days and thank you for inspiring me to be a better man.”

Pinapahalagahan daw ng binata ang bawat sandaling magkakasama sila.

Umaasa rin daw si Enzo sa mga masasayang adventures na pagsasaluhan nila.

Dagdag pa ng aktor, “I treasure every moment with you and I’m excited for the adventures life has in store for us.”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app on Google Play or App Store and enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Enzo Pineda feels grateful to have Michelle Vito as his girlfriend. The actor admitted his relationship with the Kapamilya star in August 2020.
PHOTO/S: Courtesy: @michellevito on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results