Janella Salvador warns her baby’s bashers: “Be ready for your consequences.”

by Bernie V. Franco
Apr 8, 2021
Janella Salvador warns bashers who made discriminating and below-the-belt comments about her five-month-old baby: “Some of you really need to learn your lesson so be ready for your consequences."
PHOTO/S: @superjanella on Instagram

Hindi na nakapagtimpi si Janella Salvador sa mga bashers ng kanyang five-month-old baby.

Kahapon ng umaga, pinuna ni Janella ang netizens na nilait at pinagtawanan ang itsura ng anak nila ni Markus Paterson.

Binuweltahan din ni Markus ang bashers ni Jude.

Sa sobrang galit pa nga ni Janella ay napamura pa siya dahil sa aniya’y baluktot na kaisipan ng bashers.

Hindi dito nagtatapos ang pagpuna ni Janella sa bashers ng kanyang sanggol.

Pagsapit ng hapon kahapon, itinuloy ni Janella ang pagpo-post ng mga screenshot ng bashers ng kanyang baby na si Jude Trevor.

Kabilang na rito ang netizen na nagkomentong sana raw ay magka-COVID-19 ang anak nina Janella at Markus.

“I have no words,” tanging tweet ni Janella ukol sa masamang komento ng netizen.

Janella Salvador posts below the belt comment of bashers to baby Jude

Continue reading below ↓

Ipinost din ni Janella ang apology post ng naunang netizen na inalipusta ang itsura ng anak ni Janella.

Reaksiyon naman ni Janella, ang pagsisisi ng isang netizen matapos mag-post ay “proof that people really don’t know how to self-evaluate.”

Janella Salvador posts basher's public apology

JANELLA WARNS HER BABY'S BASHERS

Gaya rin ni Markus, ipinost ni Janella ang screenshots ng mga panlalait ng netizens sa kanilang baby.

Continue reading below ↓

Kabilang ang pagpo-post ng larawan ng cartoon character, at pagtawag na “bata na bato” at “pangit na bata.”

Mensahe ni Janella, ayaw na raw niya ng ka-negahan sa kanyang page pero nagugulat daw siya sa kasamaan ng ibang tao.

May babala rin si Janella sa bashers na hindi lang siya uupo at hahayaan lang ang pambu-bully sa kanyang baby.

“I don’t want any more negativity on my page but I am in disbelief at how cruel people can really be. These were sent to us today as well.

“I just want you to know that I am prepared to do what is right by me and my son.”

Janella Salvador warns baby Jude bashers

Continue reading below ↓

Giit niya, ang pagkakaroon ng freedom na makapag-post sa social media ay hindi nangangahulugang puwede nang maging bastos at mam-bully.

Binalaan ng aktres ang mga netizens sa susunod niyang hakbang.

Ito na raw ang huling reaksiyon niya hinggil sa isyu.

“Social media, freedom of speech and having your own opinion DO NOT give you the right to be rude and to cyber-bully.

“Some of you really need to learn your lesson so be ready for your consequences.

“This is going to be my final tweet about the issue.”

Janella Salvador on cyberbullying

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Janella Salvador warns bashers who made discriminating and below-the-belt comments about her five-month-old baby: “Some of you really need to learn your lesson so be ready for your consequences."
PHOTO/S: @superjanella on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results