Social-media stars Sassa Gurl, Jae Miranda, Anthony Ayuban speak up vs 'malibog na managers'

by Nikko Tuazon
Apr 8, 2021
Sassa Gurl, Anthony Ayuban, Jae Miranda
TikTok influencers Sassa Gurl, Jae Miranda, Anthony Ayuban are among the social-media personalities and content creators who have expressed support to #canceltoxicmanagement and #notomalibognamanager.
PHOTO/S: @itssassagur / @jae.miranda / @luv_anthony08 on Instagram

Usap-usapan ngayon sa social media ang mga hashtags na #NoToMalibogNaManager at #CANCELTOXICMANAGEMENT.

Ito ay matapos mag-post sa Tiktok ng kilalang content creator na si Felix Petate, o mas kilala bilang Sassa Gurl, tungkol dito.

Si Sassa Gurl ay may 295,000 likes sa Facebook, mahigit 203,000 followers sa Twitter, 24,900 followers sa Instagram, at mahigit 1.7 million followers sa TikTok.

Nitong Linggo, April 4, 2021, hinikayat ni Sassa Gurl ang mga kapwa influencers at aspiring social-media stars na ibahagi ang kanilang kuwento tungkol sa mga magpagsalamantalang "managers."

Napanood niya kasi ang TikTok videos ng ilang influencers tungkol sa mga di magandang karanasan nila sa kanilang mga manager.

Ang post na ito ni Sassa Gurl ay nagkaroon na ng mahigit 345,000 likes sa video-sharing social networking service.

Saad ni Sassa Girl, "Hi, so gusto ko pag-usapan ngayon yung manager-artist issue.

"So, if ever meron kayong kuwento about sa manager niyo na hinarass kayo, may sexual assault na nangyari, hiningian kayo ng nudes, minor pa kayo 'tapos hindi niyo naman gusto, or kahit hindi kayo minor, legal age na kayo, huwag kayong mahiyang ikuwento yung kuwento ninyo.

Continue reading below ↓

"Kung may nangyari man sa inyo, alam ko mahirap na ikuwento yung mga ganyang klase ng bagay na nangyari sa inyo.

"Pero if ever na hindi niyo kaya, sabihin niyo sa akin, ako ang magsasabi. Kung hindi niyo gusto mapangalanan, okay lang na lumapit kayo sa akin.

"Kasi marami nang small TikTokers na naglalabas ng mga kuwento nila pero ang nangyayari, hindi sila masyadong pinapansin kasi mga bata yung mga audience nila or mga walang paki yung mga audience nila.

"Ngayon ginagamit ko yung platform ko...para mas mabigyan ng mas malakas na boses yung nangyayari ngayon.

"I'm so sorry sa mga big creators na alam naman yung nangyayari pero walang sinasabi, mga wala kayong bay*g."

@itssassagurl

This is a call for the victims to share your story let's hold him accountable.

? original sound - Sassa Gurl

RED FLAGS

Isa ang influencer na si Jae Miranda sa nagbahagi ng kanyang experience sa isang "manager" na humingi umano ng kanyang "naked" photos. Si Jae ay mayroong mahigit 783,000 followers sa TikTok at 45,000 followers naman sa Instagram.

Continue reading below ↓

Sa kanyang TikTok post nitong Lunes, April 5, 2021, ibinahagi ni Jae ang screenshot ng conversation nila ng isang hindi pinangalanang manager na nangakong bibigyan siya ng mga projects ngunit hiningan siya ng nude photos.

Sabi ni Jae, "Okay ako naman, I had this manager noong 2019 na nag-promise sa akin ng mga projects, ganyan, and medyo may mga red flags siya.

"For context, ang pinag-uusapan namin dito is about my physique as a model. [Sabi niya], 'Show me your photos.'

"Kaso sabi niya bigla, ito yung red flag ko, 'Full body please, naka-underwear pero maganda kung naked.' Ito [naked] kasi yung sinearch ko na word kasi naalala ko talaga, 2019 pa ito. 'Kung may tiwala ka sa akin.'

"'Tapos ginamitan niya pa ako ng mga, 'When my models send me photos naked talaga even si J***.' So nag-mention siya ng name na kilala ko.

"So ayun, because of those red flags, umalis ako agad sa kanya. And gusto ko ito i-share, although matagal na itong issue, is because yun nga, ang dami ditong mga minors pa na baka mapagsamantalahan.

Continue reading below ↓

"So just be very, very extra careful sa mga kinakausap natin."

@jae.miranda

##stitch with @Sassa Gurl Don’t allow these inappropriate behaviors.

? original sound - Jae Miranda on IG

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertaintainment Portal) kay Jae sa pamamagitan ng direct message sa Instagram nitong Huwebes, April 8, 2021, hindi na nito binanggit kung sino ang manager na kanyang tinutukoy.

Nais lang nitong ibinahagi ang kanyang istorya upang balaan ang mga baguhang content creators, lalo na ang mga menor de edad.

Sabi ni Jae, "The issue has been circulating on Tiktok for the past days, and as I watched some videos of people speaking up, I remember having a similar encounter.

"My experience is something I can openly talk about since I did not entertain his request, so why not speak up about it?

"TikTok is a platform where a lot of minors can quickly grow their following, and eventually look for a management that can help them get bigger as a creator and provide income.

"I can see how this desire to be managed and earn can be taken advantage of by people who may have some other intentions aside from providing their services as a talent manager."

Continue reading below ↓

Payo naman nito, mag-ingat sa mga taong nakikilala sa social media.

"Creators, minor or not, should be very vigilant whenever they talk to people that promises money and fame.

"If it’s too good to be true, it probably is. Always treasure your dignity and peace of mind. You don’t need to be violated to persue your dreams.

"Work hard, smart, and with good intentions and you will succeed.

"If you encounter people that demand sensitive photos, don’t hesitate to speak up.

"By you giving light to what is happening, you can stop what they’re doing and you can lessen the chances of more people getting victimized."

PREDATORY BEHAVIOR

Isa pa ang TikTok influencer na si Anthony Ayuban, 21, na nagkuwento ng kanyang istorya sa dati nitong manager.

Si Anthony ay may mahigit 78,900 followers sa Instagram, 2,100 followers sa Twitter, at 1.6 million followers naman sa TikTok

@luv_anthony08

##stitch with @Jarvy Callora I hope you will be awared ????

? original sound - Anthony Ayuban

Sa panayam ng PEP.ph kay Anthony nitong Martes, April 6, 2021, ang mensahe ni Sassa Gurl sa TikTok ang nagbigay sa kanya ng lakas na loob na ipahayag din ang kanyang kuwento.

Continue reading below ↓

Aniya, “Ang nagtulak po sa akin para magkuwento or ilabas yung isyu na ito dahil sa kay Sassa Gurl po.

“Kasi nagbigay po siya ng parang sa TikTok niya, ‘tapos dun, parang may lakas na rin po kami ng loob para ipakita yung mga gusto naming ilabas kasi natakot po kami dati.”

Hindi pinangalanan ni Anthony yung manager na tinutukoy niya, pero hindi raw niya malilimutan ang ilang pag-uusap nila nang personal at sa chat. "Pinilit" diumano siyang gawin ang isang bagay pero hindi siya pumayag.

Kuwento niya, “Mahigit one year po ako sa ‘fam’ niya so naging kilala ko po siya so para na kaming kaibigan ‘tapos may nasasabi siya sa amin na mga kaharutan niya. Pinapakita din niya yun sa amin."

Bukod dito, idinulog din ni Anthony ang naging problema niya at ng ilan pang influencer sa karampatang talent fee nila na hindi naibigay matapos ang show nila sa isang probinsya.

Continue reading below ↓

Sabi ni Anthony, “Yung TF namin dun mga 1K lang po, 2K lang po. Hindi lang po sa amin, pati sa ibang mga artist niya po.

“E, nagugulat po kami kasi ubus-ubos po yung ticket na bumibili po, at saka may sponsor din po sila.”

Ang isa pang alegasyon ni Anthony ay nag-abot raw ang ilan pang mga influencer ng pera sa nasabing manager bilang investment para sa isang school tour.

Ngunit ang proyektong ito ay hindi natuloy dahil sa pandemya kaya naman nais tulungan ni Anthony ang mga kasama na maibalik sa kanila ang pera.

Sabi ni Anthony, “May naano po sila, na-invest na pera ‘tapos wala po silang ganap…Kaya gusto ko din pong tumulong, hindi po kasi sila masyadong kilala po kaya ako po, nagtulong din sa ano… para mabigyan din po ng ano, kahit ibalik lang po yung pera nila.”

Patuloy pa nito, "Sabi niya po kasi may school tour yung mga artist… ‘tapos nagbigay sila ng pera at saka yung nakuha din na artist, nagsend din po ng nudes, ganun.

Continue reading below ↓

"Yung pera po, gusto daw nila mabawi. Hindi po natuloy yun [school tour] dahil sa pandemic pero hindi po nabalik yung mga pera nila, e.”

Payo naman ni Anthony sa aspiring influencers, "Dapat sa tama po sila kasi marami pong naloloko, e… Huwag po babuyin yung sarili dahil sa manager.

"Dun po sa dapat kakilala nila, ‘tapos dun po sila sa tama. Dahil po sa ex-manager ko, parang nato-trauma na rin po ako magpirma sa ibang manager kaya ngayon po freelance na lang ako.

"Huwag po basta-basta magpapaniwala."

NETIZENS REACT

Sumang-ayon ang ilang netizens sa adhikain ni Sassa. Ang ilan sa mga ito ay nagpadala pa ng video na sinasabi ang mga hashtags na #NoToMalibogNaManager at #CancelToxicManagement.

Continue reading below ↓

Tweet naman ni @DavidDoble11, "I love how mima @Itssassagurl use her platform to call out those manager na malilibog kawawa yung mga artist sa inyo!!! Pwe! #NOTOMALIBOGNAMANAGER"

Ipinahayag naman ng influencer na si Lantis Espiritu ang kanyang suporta sa mga social-media personalities na nagbahagi ng kanilang mga kuwento tungkol sa kanilang mga manager.

Continue reading below ↓

Tweet nito, "those artist gone through a lot and took the courage to speak up and TO BE HEARD maybe for the first time. i stand with you guys in this fight no matter what [emoji] #NoToMalibogNaManager #CANCELTOXICMANAGEMENT"

Sinubukan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na hingan ng pahayag sa pamamagitan ng e-mail at direct message sa Instagram at TikTok ang isa sa mga managers na binanggit ng mga netizens.

Continue reading below ↓

Ngunit hanggang sa ngayon ay wala pa itong sagot.

Bukas ang PEP.ph sa bawat panig ng mga sangkot sa isyu.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
TikTok influencers Sassa Gurl, Jae Miranda, Anthony Ayuban are among the social-media personalities and content creators who have expressed support to #canceltoxicmanagement and #notomalibognamanager.
PHOTO/S: @itssassagur / @jae.miranda / @luv_anthony08 on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results