Gabby Eigenmann reprimanded by Elizabeth Oropesa when he was a newbie: "Tumiklop ako."

by Rachelle Siazon
Apr 9, 2021
Gabby Eigenmann on lesson learned from Elizabeth Oropesa: "I took it sa puso ko na, 'Ah, okay, malaking factor pala na kapag na late ka. Record shows simula nung nangyari yung experience na ito, never na ako na late sa taping."

Baguhang aktor pa lang si Gabby Eigenmann, 43, nang mapagalitan siya ng beteranang aktres na si Elizabeth Oropesa, 66.

Nagkatrabaho raw sila sa isang TV show sa GMA Network noong late '90s, at may isang araw kung saan late na dumating ng set si Gabby.

Nagmarka kay Gabby ang insideng iyon dahil iyon ang nagturo sa kanya na maging disiplinado pagdating sa oras ng trabaho.

"I don't know if it's GMA True Stories or Spotlight. I was starting pa lang," bungad ni Gabby.

Patuloy niya: "Galing ako sa rehearsal, tapos I had a photo shoot. Natapos ako ng mga 1 a.m.

"May taping the next day. Call time ko was 7:30 a.m. I came to the set mga 8:15 a.m.

"Siyempre ang mga nakaabang, mga artista. Technically, hinihintay pala ako. Hindi daw sila makakuha ng eksena."

Prinangka raw ni Elizabeth si Gabby na hindi tamang pinaghintay nito ang mga katrabaho.

Continue reading below ↓

"Si Ms. Elizabeth Oropesa, sabi niya sa akin, 'Hijo, bakit ka late?'

"I was honest enough to say na, 'Sorry po, napuyat po ako from another work.'

"So pinagsabihan niya ako: 'Kapag ganyan, Hijo, hindi ka puwede ma-late kasi ang daming naghihintay. Hindi sila makapag-adjust para sa iyo. Hindi sila makapag-start mag-taping pag wala ka kasi ikaw ang unang-unang eksena."

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Gabby sa virtual presscon ng "I Can See You: #Future," ang drama anthology ng GMA Network.

"TUMIKLOP AKO"

Aminado naman si Gabby na hindi excuse na napuyat siya dahil sa nauna niyang trabaho.

"Of course, I could explain msyelf. Alam naman natin na kapag late ka, ang daming puwedeng sabihin na 1.) traffic, 2.) di ka nagising.

"So anyway, sumobra tulog ko. Hindi ko naman puwede sabihin yun kasi siyempre responsibilidad ko bilang artista to come on the set on time."

Pag-amin pa ni Gabby, nahiya rin siya dahil kilalang anak siya nina Mark Gil at Irene Celebre na parehong taga-showbiz.

Continue reading below ↓

"Hindi ako nasindak, pero tumiklop ako kasi I was starting pa lang.

"I don't wanna use the card na kasi kilala naman niya daddy ko, kilala naman niya family ko.

"Hindi ko puwede sabihin kasi nakakahiya. I was representing the Eigenmann family.

"Ayoko na sa akin pa masisira. So, I was very apologetic."

Mula raw noon ay nagtanda si Gabby na kailanman ay hindi siya dadating ng late sa anumang taping o shooting.

"I took it sa puso ko na, 'Ah, okay, malaking factor pala na kapag na late ka.

"Record shows simula nung nangyari yung experience na ito, never na ako na late sa taping.

"Actually, I hate being late."

REPRIMANDED BY AN ASSISTANT DIRECTOR

Tandang-tanda rin ni Gabby na pagkatapos mapagalitan ni Elizabeth ay may isang assistant director na nanindak sa kanya.

"And it's the same show na nasindak ako ng isang direktor din. I wouldn't mention na the name of the director.

Continue reading below ↓

"Basta ang character ko dun, hindi kami average type of family, nasa poor side kami.

"Pero since maputi ako, mestizo ako, sinabihan ako ng director—actually at the time he was the AD—sinabihan ako na ayusin ko raw pag-arte ko since mukha daw ako mestizo.

"Kailangan galingan ko raw umarte ng mahirap. 'So importante sa eksena na ito mukha kang nakakaawa. Kailangan mo umiyak.'"

Hindi raw nagustuhan ni Gabby na hindi pa man siya umaarte ay tila napangunahan nang sasablay siya sa eksena.

Sa isip-isip daw niya noon, "Medyo nainsulto ako. You're giving me too much pressure. Aside from pagdating ko pa lang napagalitan na ako ni La Oropesa, pati ba naman ikaw? Na-ano talaga ako..."

Pero napatunayan naman daw ni Gabby na handa siya sa kanyang role.

"Pero of course, I did my best. And then he put me aside, kinausap niya ako, 'I'm sorry for coming on too strong. I take it back. Thanks for being prepared.'"

Continue reading below ↓

Ang insidenteng na nainsulto siya sa assistant director ang nagturo naman kay Gabby na mahalagang pagbutihan ang kanyang trabaho.

"So from then on, I don't wanna be pushed around. Ask me what you want me to do, I'll do it. And I'll surprise you kapag may naisip pa ako na idadagdag ko."

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gabby Eigenmann on lesson learned from Elizabeth Oropesa: "I took it sa puso ko na, 'Ah, okay, malaking factor pala na kapag na late ka. Record shows simula nung nangyari yung experience na ito, never na ako na late sa taping."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results