Angelica Panganiban slams basher calling her "laos, hindi na mababangon ang career"

by Rachelle Siazon
Apr 12, 2021
Angelica Panganiban on troll who called her "laos" after the actress tweeted about her concern over increasing COVID-19 cases in the country: "Style mo baguhin mo. Paulit ulit kayo.. Ikaw na lang yata naniniwala sa nagbabayad sayo."
PHOTO/S: @iamangelicap Instagram

Hindi nangilag si Angelica Panganiban na buweltahan ang basher na tinawag siyang "laos" sa Twitter.

Noong April 2, natanggap ni Angelica ang tirada ng basher na hindi nagustuhan ang paglabas ng aktres ng saloobin tungkol sa kakulangan umano ng gobyerno sa paglaban sa pandemya.

Sabi ng basher (published as is): "Hey, laos. Shut up na! Di mo na mababangon ang career mo kahit mag iinGy ka pa jan. If you.want tumulong k. Puro ka reklamo!"

Diretsahang sinagot ito ni Angelica.

Base sa tinuran ni Angelica, tila tinutukoy ng aktres na "black troll" ang basher na nagsabi sa kanya ng "laos."

Hindi kaila ang sistema ng troll farms kunsaan binabayaran ang "black trolls" para puntiryahin ang isang personalidad na tingin nila ay kontra sa ikinakampanya ng kliyenteng nagbabayad sa kanila.

Sabi ng Kapamilya actress (published as is): "Hello [name of basher]. Style mo baguhin mo. Paulit ulit kayo.

"Baka next question dito Ano ambag ko? [Face with tears of joy] baka d ka bayaran sa performance mo.

Continue reading below ↓

"Bakit d mo tweet gobyerno na tumulong para matuwa bansa sayo.

"Ikaw na lang yata naniniwala sa nagbabayad sayo [Grimacing face]."

Angelica Panganiban clap back to laos comment

CONCERN OVER INCREASING COVID-19 CASES

Malinaw na pinanindigan ni Angelica ang nauna niyang pahayag hinggil sa record-breaking 15,000 cases na naitala noong April 2.

Kalakip ng tweet ni Angelica ay ang datos na kulang pa ang mass testing sa bansa kaya posibleng mas madami pa ang tinamaan ng COVID-19.

Continue reading below ↓

Aniya, "15k?! To think ang mga nag papa check lang ay mga May symptoms at may kaya mag pa swab test.. eh pano ang wala? Hay nakakaloka! Nakakaloka potah!"

Angelica Panganiban on COVID-19 case surge

Naalarma ang aktres para sa taumbayan na walang kakayahang magpaospital sa oras na dapuan ang mga ito ng virus.

"Hinang hina ka na... maglalabas ka pa sa bulsa mo ng pera, para ma swab. At malalaman mo, pasitib ka sa covid mami!

Continue reading below ↓

"Pano na pa ospital? Gamot? Mental care?!

"Yung vaccine ba aasahan pa namin sa inyo? D naman diba? KKB! Nakakaiyak. Ito ang emotional."

Dinagdagan niya ito ng hashtag na "#freemasstesting."

Angelica Panganiban on increasing COVID-19 cases

COVID-19 UPDATE

Sa latest bulletin ng Department of Health, nakasaad na 146,519 ang bilang ng active cases sa bansa.

May 11,681 cases nationwide ang naitalang nagpositibo sa COVID-19 noong Linggo, April 11.

Continue reading below ↓

Para sa parehong petsa ay may 55,204 cases ang naitalang mga gumaling na. Ang total recoveries sa bansa ay 703, 404 cases.

Ang total record ng mga pumanaw ay may bilang na 14,945.

HOT STORIES

Use these Adidas PH promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app on Google Play or App Store and enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Angelica Panganiban on troll who called her "laos" after the actress tweeted about her concern over increasing COVID-19 cases in the country: "Style mo baguhin mo. Paulit ulit kayo.. Ikaw na lang yata naniniwala sa nagbabayad sayo."
PHOTO/S: @iamangelicap Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results