Carlo Aquino, partner Trina Candaza deeply disturbed by "death threat" to their seven-month-old baby

by Arniel C. Serato
Apr 12, 2021
Carlo Aquino, Trina Candaza slam basher of their seven-month-old baby. The actor laments, "Ano na ang nangyari sa mundong ito. Papano kayo pinalaki ng mga magulang ninyo?"
PHOTO/S: Courtesy: @niceprintphoto on Instagram

Ikinagalit ng magpartner na sina Carlo Aquino at Trina Candaza ang pagbabantang natanggap ng kanilang seven-month old baby na si Enola Mithi.

Sa pamamagitan ng Intagram Stories nitong Linggo, April 11, ibinahagi ng dalawa ang kanilang pagkadismaya sa isang netizen na binantaan ang buhay ng kanilang supling.

Screenshot ito ng mensaheng-sagot ng netizen sa Instagram Story na ibinahagi nila sa kani-kanilang accounts.

Nakababahalang mensahe ng basher tungkol sa anak nina Carlo at Trina:

“Ansarap mo namang patayin bata ka

“Mukha kang tutang ina

“Anak ka ng artista pero mukha mo parang tutang ina

“Gawin kaya kitang punching bag para mawala na yang mukha mo”

Inalmahan ito nang husto ni Carlo.

Sabi ng aktor sa kanyang caption: “full grown adults who makes fake accounts to do this.

“Ano na ang nangyari sa mundong ito.

“Papano kayo pinalaki ng mga magulang ninyo?

“Magkano sinasahod niyo para gawin ito?

“Worth it ba?”

IG Stories: Carlo Aquino reply to death threat against baby Enola

Continue reading below ↓

“MGA SALOT KAYO”

Ni-repost naman ni Trina ang post ni Carlo sa kanyang account.

Sabi niya sa caption, “Nakakagalit. mga ganitong klase ng basher mga salot kayo.

“Puro kayo fake account, pero takot na takot ipakita mga pag mumukha niyo.”

IG Stories: Trina Candaza condones death threat against daughter

Hindi na bago sa showbiz couples ang mabiktima ang kanilang mga supling ng mga bashers.

Continue reading below ↓

Recently, umalma rin sina Markus Patterson at Janella Salvador dahil sa pamba-bash sa anak nilang si Jude Trevor.

Nabiktima rin ng bashing ang mag-asawang Pauleen Luna at Vic Sotto at ang baby nilang si Tali.

Inalmahan ng mga nasabing mga personalidad ang nakababahalang bashers ng kani-kanilang mga anak.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Carlo Aquino, Trina Candaza slam basher of their seven-month-old baby. The actor laments, "Ano na ang nangyari sa mundong ito. Papano kayo pinalaki ng mga magulang ninyo?"
PHOTO/S: Courtesy: @niceprintphoto on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results