Alex Gonzaga quips about nightly ritual with husband Mikee Morada: "Every night may swab test."

by Rachelle Siazon
Apr 12, 2021
Alex Gonzaga says she has no qualms about waking up with morning breath next to her husband Mikee Morada: "Pero pag talagang natagpuan mo yung lalaking para sa 'yo, talagang wala. Hindi mo maiisip yung mga kaartehan mo, na conscious-conscious, wala."
PHOTO/S: @cathygonzaga / @mymetrophoto Instagram

"Sobrang sarap makasal kasi every night may swab test."

Ito ang kuwelang hirit ni Alex Gonzaga, 33, tungkol sa intimate moments nila ng asawa niyang si Lipa City Councilor Mikee Morada, 33.

Base ito sa kuwentuhan nina Alex at Dra. Vicki Belo sa YouTube vlog ng celebrity beauty doctor noong April 8.

Natatawang reaksiyon ni Vicki, "Hoy! Sa ilong ang swab. Iba atang swab ang nasa isip mo. Hahaha!"

Kuwelang hirit uli ni Alex, "Ibang swab yung ginagawa namin. Pero talagang positive or negative, talagang the best siya! Hahaha!"

Sabay nag-thumbs up pa si Alex ukol sa intimate moments nila ng asawa.

"WALANG KAARTEHAN" WHEN YOU FIND THE ONE

Tinanong ni Vicki kung masaya ba si Alex na makitang paggising niya sa umaga ay katabi niya ang asawang si Mikee.

Inusisa pa ng doktora kung paano ginagawa ni Alex kung ito ay bad breath pagkagising sa umaga.

Direktang sagot ni Alex, "Ay, yes, siyempre wala akong pakialam!"

Continue reading below ↓

Kuwelang bumulong pa si Alex ng "I love you" para imuwestra na hindi siya nahihiyang kausapin si Mikee pagkagising niya sa umaga.

"Siyempre it's a tie naman kami! Charing!" natatawang saad ni Alex.

Sabay sumeryoso si Alex upang ipaliwanag na wala siyang "kaartehan" pagdating kay Mikee dahil asawa niya ito.

Ani Alex: "Doc, alam mo 'yan. Dati masyado kang conscious sa ibang lalaki.

"Pero pag talagang natagpuan mo yung lalaking para sa 'yo, talagang wala.

"Hindi mo maiisip yung mga kaartehan mo, na conscious-conscious, wala.

"Si Mikee talaga, parang I'm home."

NO KISS or hug MONTHS BEFORE the WEDDING

Napag-usapan din nina Vicki at Alex ang pagiging istrikto ng ina ni Alex na si Mommy Pinty.

Ayon kay Alex, noong hindi pa siya kasal ay pinapayagan naman daw silang mag-date ni Mikee nang walang chaperone.

Pero nitong kasagsagan ng pandemya ay bantay-sarado raw talaga si Alex kapag binibisita siya ni Mikee sa bahay ng mga Gonzaga sa Taytay, Rizal.

Continue reading below ↓

"But, the thing is, nung nag-pandemic siyempre bawal lumabas, bawal mag-date.

"Siyempre ang tagal kong di nakita si Mikee. Siguro three months kaming di nagkita bago siya nakapunta sa bahay namin.

"Siyempre gusto mo siya yakapin, pero nakatingin ang mommy.

"Kahit daplis lang, wala. Kasi nakatingin siya."

Ayaw rin daw siya noong payagang mag-sleepover sa bahay ni Mikee.

Lahad ni Alex: "Actually, not about physical, pero gusto mo na talaga makasama si Mikee kasi tuwing aalis siya, hindi mo na alam kailan susunod magkikita. Kasi siyempre taga-Lipa pa siya.

"'Tapos pag papasok na ako sa kuwarto ko, ang lungkot ko na.

"Kaya sabi ko, 'Mommy, payagan niyo na ako please mag-overnight?'"

Pero mahigpit na tumutol daw si Mommy Pinty.

Hanggang sa minabuti ng couple na magdaos ng simpleng kasal noong November 2020.

Ito ay dahil ang plano nilang engrandeng January 2021 wedding ay hindi pa posible dahil sa pandemya.

Apat na taong magkasintahan sina Alex at Mikee bago sila nagpakasal.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Use these Lazada vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Alex Gonzaga says she has no qualms about waking up with morning breath next to her husband Mikee Morada: "Pero pag talagang natagpuan mo yung lalaking para sa 'yo, talagang wala. Hindi mo maiisip yung mga kaartehan mo, na conscious-conscious, wala."
PHOTO/S: @cathygonzaga / @mymetrophoto Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results