JK Labajo posts photo with "bro" Baron Geisler; talks about people being too quick to judge

by Arniel C. Serato
Apr 12, 2021
JK Labajo on Baron Geisler: "People shouldn't be too quick to judge especially by just basing it off of whatever they see on the internet. Katulad nga ng napaka lumang kasabihan na ‘Alamin muna ang buong storya bago mag sampa.’”
PHOTO/S: Courtesy: @jklabajo_official on Instagram

Pinapurihan ng netizens ang testimonya ni JK Labajo, 20, ukol sa kabaitan umano ng aktor na si Baron Geisler, 38.

Sa kanyang Instagram kahapon, April 11, ibinahagi ni JK ang kanyang pagkakakilala kay Baron.

Tubong-Cebu si JK, samantalang nakabase na roon si Baron matapos makapag-asawa ng non-showbiz girl mula sa Queen City of the South.

Makikita sa post ng singer ang larawan nilang dalawa ni Baron.

Sabi ni JK sa caption, “People are too quick to judge other people without knowing anything about them. JK is actually a really nice guy.

“Pero seryoso ang bait ni bro Baron Geisler.”

Ayon pa singer, mabilis lamang manghusga ang ibang mga tao. Pero dapat daw ay alamin muna ang buong istroya tungkol sa mga naririnig bago sumawsaw sa isyu.

Hindi malinaw kung ano ang tinutukoy rito ni JK, ngunit posibleng may kinalaman ito sa mga kontrobersiyang kinasangkutan noon ni Baron.

Sabi ni JK, “People shouldn't be too quick to judge especially by just basing it off of whatever they see on the internet. Katulad nga ng napaka lumang kasabihan na ‘Alamin muna ang buong storya bago mag sampa.’”

Payo pa niya sa netizens: “You get what you give.

Continue reading below ↓

“Be Kind and you'll get kindness.

“Give Respect and you'll earn respect.

“Give Love and get love in return.

“Stay safe everyone. ~ @karloslabajo

Ilang beses nasangkot si Baron sa kontrobersiya sa showbiz kung saan nabansagan pa siya noong “bad boy.”

Pero malaki na ang ipinagbago ng aktor mula nang mag-asawa na ito at magkaanak.

Samantala, may punto rin sa kanyang karera si JK na nasangkot sa kontrobersiya.

Kabilang na rito ang pakikipagsagutan niya sa Twitter sa co-finalist niya sa The Voice Kids na si Darren Espanto.

HOT STORIES

Use these Lazada vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
JK Labajo on Baron Geisler: "People shouldn't be too quick to judge especially by just basing it off of whatever they see on the internet. Katulad nga ng napaka lumang kasabihan na ‘Alamin muna ang buong storya bago mag sampa.’”
PHOTO/S: Courtesy: @jklabajo_official on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results