Mayor Vico Sotto thanks Angel Locsin, Anne Curtis for donating P1M to Pasig City: "Walang fanfare, walang media."

by Rachelle Siazon
Apr 13, 2021
Mayor Vico Sotto on Angel Locsin (center) and Anne Curtis (right) choosing Pasig City as one of the beneficiaries of their fundraising drive: "Ni hindi nga kami nagkita. Iniwan lang nila yung tseke. Pinaresibuhan na lang natin. So thank you."
PHOTO/S: @vicosotto Twitter / @therealangellocsin / @annecurtissmith Instagram

Nagpasalamat si Pasig City Mayor Vico Sotto kina Angel Locsin at Anne Curtis dahil sa donasyon nitong nagkakahalaga ng PHP1M.

Ayon kay Mayor Vico, ang isang milyong piso na iyon ay nalikom nina Angel at Anne mula sa Shop and Share fundraising drive na inorganisa ng mga ito.

Nakalaan ang cash donation nina Angel at Anne para sa vaccination program ng Pasig City, base sa pahayag ni Mayor Vico sa Facebook Live nito noong Lunes, Abril 12.

"Shoutout at ang aking pasasalamat sa Shop and Share. Nag-donate po sila ng isang milyong piso para sa ating vaccination program.

"I-earmark lang po natin kasi sa ngayon wala pa namang available na bagong manufacturer na pwede nating pag-order-an.

"Eto po sina Ate Angel Locsin at Ms. Anne Curtis, nag-donate po sila ng PHP1M."

NO MEDIA COVERAGE

Bilib si Vico dahil ni wala raw media coverage nang ipaabot nina Angel at Anne ang kanilang cash donation sa pamunuan ng Pasig City.

Continue reading below ↓

Paliwanag ng 31-year-old mayor: "Ito pong PHP1M na dinonate ng Shop and Share nina Ate Angel, nina Ms. Anne, thank you, thank you.

"Ito, walang fanfare, walang media. Ni hindi nga kami nagkita.

"Iniwan lang nila yung tseke. Pinaresibuhan na lang natin. So, thank you."

Ongoing ang vaccination program ng Pasig City para sa senior citizens at may comorbidities.

Ang karampatang application form para rito ay mahahanap daw sa Public Information office website ng Pasig City.

"Idadagdag po natin iyan sa vaccination fund natin. Nag-order na tayo ng 400,000 doses ng AstraZeneca.

"Wala pa yung order natin. Ganun din naman sa ibang LGU, wala pang order nila.

"Pero hopefully dumating na by 3rd or 4th quarter. Tingnan natin. I'm sure they would do the best that they can."

ANGEL AND ANNE'S PHP6M fund from

Noong March 25, inanunsiyo nina Angel at Anne sa kani-kanilang Instagram account na PHP6M ang natirang pondo mula sa kanilang Shop and Share fundraising drive.

Continue reading below ↓

Layunin ng Shop and Share na magbenta ng pre-loved items mula sa mga artista para makapag-donate sila ng COVID-19 testing kits noong 2020.

Pero nagdesisyon daw silang ibigay ang natitirang PHP6M na kanilang pondo para sa vaccination program ng napili nilang LGUs.

Kabilang dito ang Baguio City, Taguig City, Quezon City, Manila City, Pasig City, at ang Philippine Red Cross.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Use these foodpanda vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mayor Vico Sotto on Angel Locsin (center) and Anne Curtis (right) choosing Pasig City as one of the beneficiaries of their fundraising drive: "Ni hindi nga kami nagkita. Iniwan lang nila yung tseke. Pinaresibuhan na lang natin. So thank you."
PHOTO/S: @vicosotto Twitter / @therealangellocsin / @annecurtissmith Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results