Remember when Jennica Garcia and Alwyn Uytingco talked about their secret wedding?
Apr 14, 2021

Back in 2014, nag-guest appearance ang newlyweds noon na sina Jennica Garcia at Alwyn Uytingco sa online show ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na PEP Talk.

Sa pagsalang nilang ito sa PEP.ph show, kasama sa napagkuwentuhan ang tungkol sa ginawa nilang secret wedding nung February ng taong iyon.

Naibida pa ni Jennica ang isinuot niyang wedding gown na nabili niya lang ng P150.00 sa isang booth sa isang bazaar.

"Lahat ng ibabayad mo dun sa shop na yun, mapupunta lahat sa victims ng Yolanda," kuwento pa ni Jennica.

Ang Yolanda ang 2013 super typhoon na sumalanta sa ilang bahagi ng Pilipinas. Nag-iwan ito ng mahigit P2 bilyong danyos at mahigit 6,000 patay.

Pagpapatuloy na kuwento naman ni Alwyn, simple at intimate daw ang kasal nila na ginanap sa Victory Church sa Greenhills, San Juan City.

Less than 50 people lang daw ang naroon, wala silang sponsors, ni wala rin daw silang budget para sa kanilang honeymoon dahil secret nga ang wedding nila.

Pagkatapos nilang pagkuwentuhan ang kanilang secret wedding sa host na si Arniel Serato, naglaro naman ng PEP Talk Challenge ang bagong kasal.

Isang "How-Well-Do-You-Know-Each-Other-Matching Game" na tipong challenge ang pinatulan ng mag-asawa.

Naging masaya ang PEP Talk Challenge nila kunsaan very adorable na nagtatalo sina Jennica at Alwyn sa kanilang mga sagot.

Panoorin ang video at balikan ang masayang moment na ito ng mag-asawa na sa ngayon ay napapabalitang may pinagdadaanan.

Dasal ng PEP.ph na sana'y maresolba nila kung anuman ito.

HOT STORIES

#JennicaGarcia #AlwynUytingco #RememberWhen

Host: Arniel Serato
Producer: Rommel R. Llanes

#AlwynUytingco #JennicaGarcia

Know the latest in showbiz on http://www.pep.ph!

Subscribe to our YouTube channel! https://www.youtube.com/PEPMediabox

Follow us!
Instagram: https://www.instagram.com/pepalerts/
Facebook: https://www.facebook.com/PEPalerts
Twitter: https://twitter.com/pepalerts

Visit our DailyMotion channel! https://www.dailymotion.com/PEPalerts

Join us on Viber: https://bit.ly/PEPonViber

Watch us on Kumu: pep.ph

We are now on Quento! Download the app on Google Play or App Store and enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Recommended Videos

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results