Ellen Adarna reacts to being tagged as Derek Ramsay's "tagapagbayad ng utang"

by Rachelle Siazon
Apr 14, 2021
Derek Ramsay posted this quote to prove compatibility with fiancee Ellen Adarna: "The problem is you're looking for someone to grow old together, while the secret is finding someone to remain kids with. Your inner child is the real part of you that is connected to the source of your true identity. Find someone who makes you feel comfortable in that frequency."
PHOTO/S: @maria.elena.adarna Instagram

Natawa na lang si Ellen Adarna, 32, sa kumakalat na fake news kung saan napag-alaman umano niyang hinuhuthutan lang daw siya ng fiancé na si Derek Ramsay, 44.

Ipinakita ni Ellen ang screenshot ng isang Facebook post na may litrato nila ni Derek na kuha sa bathroom ng bahay ng aktor.

Sabi sa caption: "JUST IN ELLEN ADARNA KINUWENTO NA GINAWA LANG PALA SIYA TAGAPAGBAYAD NG UTANG NI DEREK..."

Idiniin naman ni Ellen na hindi siya ang tipo ng babaeng papayag maging "sugar mommy."

Saad sa kalakip na caption ni Ellen (published as is), "alam naman nating lahat di ako pangit para maging sugar mommy lol. If ganyan... i just left gwapa ko ang peg lol bye felicia."

Ipinost din ni Derek ang screenshot kunsaan sinabing "tagapagbayad niya ng utang" si Ellen.

Sa halip na mainis ay sinakyan na lang ng Kapuso actor ang walang basehang impormasyon ng netizen na may gawa ng fake news.

Continue reading below ↓

Biro ni Derek, "LOVE SALAMAT SA PALUWAL. ALAM MO NAMAN WALA PANG AYUDA! LOVE YOU @MARIA.ELENA.ADARNA."

SPITTING PRANK

Wala namang pagsidlan ang saya nina Ellen at Derek na madalas magkasama sa bahay ng aktor.

Base sa Instagram posts nila, makikitang nagkakasundo ang dalawa sa likas nilang kakulitan at pagiging masiyahin.

Continue reading below ↓

Kahapon, Abril 13, ibinahagi ni Derek ang prank video niya kay Ellen kunsaan ginoyo niya ang aktres na may bago siyang "breathing exercise" na ituturo rito.

Makikitang dahan-dahang inilusot ni Ellen ang kamay niya sa butas ng triangle-shaped hand gesture na ginawa ni Derek.

Sa huli ay duduruan lang pala ni Derek ang kamay ni Ellen.

Nagulat si Ellen, pero bago tumulo ang dura ni Derek sa kamay ng aktres ay umiwas na ito at saka pinalo at hinabol ang aktor.

Tawa naman nang tawa si Derek sa video.

Sabi pa ni Derek sa caption, "Ibang levels na to @maria.elena.adarna Pls forgive me!!"

Continue reading below ↓

Nagkomento rito si Ellen at sinabing "immature" si Derek para sa edad nitong 44.

Pero aminadong natawa naman si Ellen sa prank ng fiancé, base sa sumunod na Instagram Story ng aktres.

Continue reading below ↓

Nakabawi rin ang aktres dahil may hiwalay na pagkakataong tinawag niya si Derek na seryosong nakatingin sa mobile phone nito.

Pagkatapos ay wala naman talagang sinabi si Ellen kundi tinusok lang si Derek sa mukha nang lumingon ang aktor.

Tawa rin nang tawa si Ellen na kinunan ng video ang pangungulit niya sa fiancé.

Continue reading below ↓

KIDS AT HEART

May isang netizen ang nagkomento na hindi magandang biro ang pagdura ni Derek sa kamay ni Ellen.

Pero mahihinuha sa sagot ni Derek na malinaw sa kanila ni Ellen na biruan lang iyon.

Sa hiwalay na Instagram Story ni Derek, nagbahagi siya ng isang quote card na nagpapahiwatig kung bakit magkasundo sila ni Ellen.

Continue reading below ↓

Sabi sa quote, "The problem is you're looking for someone to grow old together, while the secret is finding someone to remain kids with.

"Your inner child is the real part of you that is connected to the source of your true identity.

"Find someone who makes you feel comfortable in that frequency."

Continue reading below ↓

Sina Derek at Ellen ay personal na nagkakilala nang magkasama sa dinner party sa bahay ng aktor noong January 11, 2021.

Nagswak agad ang ugali at interes ng dalawa at madalas na nagkita dahil dalawang block lang ang layo ng bahay nila sa iisang exclusive village.

Hanggang sa nagkaroon sila ng romantic feelings sa isa't isa at naging magkasintahan noong February 4, 2021.

Na-engage sila noong March 30, 2021.

RELATED STORIES

Use these Nike promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Derek Ramsay posted this quote to prove compatibility with fiancee Ellen Adarna: "The problem is you're looking for someone to grow old together, while the secret is finding someone to remain kids with. Your inner child is the real part of you that is connected to the source of your true identity. Find someone who makes you feel comfortable in that frequency."
PHOTO/S: @maria.elena.adarna Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results