Carlo Aquino, Janella Salvador repost Star Magic statement against bashing of celebrity kids on social media

by Arniel C. Serato
Apr 14, 2021
Star Magic artists' children bashers
Star Magic issues statement condemning bashers of its artists’ (Carlo Aquino with partner Trina Candaza, and Janella Salvador with partner Markus Paterson) children on social media.
PHOTO/S: Courtesy: @niceprintphoto / @superjanella on Instagram

Umani ng suporta mula kina Carlo Aquino at Janella Salvador ang inilabas na pahayag ng Star Magic laban sa bashers ng mga sanggol pang anak ng kanilang talents.

Si Carlo ay may pitong buwang anak na babae, si Enola Mithi, sa partner nitong si Trina Candaza.

Si Janella naman ay may five-month-old baby boy, si Jude Trevor, sa partner niyang si Markus Paterson.

Ikinabahala ng Star Magic ang banta sa buhay ng anak nina Carlo at Trina at Janella at Markus mula sa ilang bashers nitong nakaraang mga araw.

Ayon sa pahayag na inilabas ng talent management arm ng ABS-CBN ngayong araw, April 14, gagawa sila ng hakbang upang mabigyan ng leksiyon ang mga taong walang magawa kundi ang manakot ng kapwa.

Narito ang buong pahayag ng Star Magic sa wikang Pilipino:

“Ang Star Magic ay lubos na nababahala sa pamba-bash at pagbabanta sa mga anak ng aming mga artista sa social media.

Continue reading below ↓

“Ang ganitong uri ng mga post ay iresponsable, walang puso, at nakakapanakit lamang sa kapwa.

“Kasama kami sa aming artista sa pagtawag ng pansin sa mga posibleng paglabag sa mga batas laban sa child abuse (Republic Act 7610) at sa libel ng mga indibidwal na ito.

“Hindi kami mag-aatubiling magsagawa ng legal na aksyon upang mabigyan sila ng leksyon para sa sakit at trauma na kanilang naidulot.”

Star Magic statement against bashing of artist children on social media

Continue reading below ↓

CARLO, JANELLA REACT VIA INSTAGRAM STORIES

Kaagad namang ni-repost ni Carlo sa kanyang Instagram Stories ang pahayag ng Star Magic sa wikang English.

Nakiusap din siya sa mga netizen na huwag i-bash ang mga batang walang kalaban-laban, kahit hindi mga anak ng artista.

Sabi ni Carlo, “Bakit pati sanggol o batang walang kalaban laban?

“Wala ba kayong mga anak? Pamangkin?

“Huwag naman sana ganun kawalang puso.

“Ingatan natin ang mundong kakalakihan ng mga batang ito.

“Huwag nating hayaang maging marahas.

“Hindi lang para sa anak ng artista, pero para sa lahat.”

IG Story: Carlo Aquino reposts Star Magic statement

Continue reading below ↓

May maiksing post naman si Janella sa kanyang Instagram Stories din.

Kalakip nito ang statement ng Star Magic.

Sabi niya: “For you sickos out there.”

IG Story: Janella Salvador Star Magic statement

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Star Magic issues statement condemning bashers of its artists’ (Carlo Aquino with partner Trina Candaza, and Janella Salvador with partner Markus Paterson) children on social media.
PHOTO/S: Courtesy: @niceprintphoto / @superjanella on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results