Katrina Halili and Marian Rivera have talked things over privately

by Ruel J. Mendoza
Dec 16, 2007
Katrina Halili has straightened out her differences with Marian Rivera but refuses to divulge details about their heart-to-heart talk.


Nasalubong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Katrina Halili sa Christmas party ng GMA-7 na ginanap sa Amoranto Stadium sa Roces Avenue, Quezon City, last December 14. Hindi sila nagpang-abot ni Marian Rivera dahil maagang umalis ang lead star ng Marimar sa naturang Christmas party.

Nagmamadali nga ring umalis si Katrina dahil kasama siya sa birthday show ni Allan K noong gabing iyon sa Zirkoh. Pero nakorner pa rin namin si Katrina para ipaabot ang Christmas wish ni Dingdong para sa kanila
ni Marian.

Natuwa naman si Katrina sa sinabing iyon ni Dingdong para sa kanila ni Marian. "Regarding naman sa mga lumalabas, siguro ang pagiging honest ko lang naman ang pinapadama ko. Ako naman, kung okay kami ng isang katrabaho ko, e, di okay kami. Walang problema. Pero kung hindi kami okay, bakit ko sasabihin na okay kami, ‘di ba? Kilala n'yo ako na hindi nagkukunwari, ‘di ba?" ngiti ni Katrina.

Pero nabanggit din ni Katrina na nagkausap na sila ni Marian. Hindi na lang niya dinetalye ang naging pribadong pag-uusap nila.

"Maayos naman na lahat. Nagkausap na kami at tuloy ang trabaho namin. Hindi ko na kailangan na i-elaborate pa. What's important ay maayos na kami."

Kung okay na sila ni Marian, ano ang Christmas wish ni "Angelika" para kay Marimar?

"Ano nga ba?" matagal na pag-iisip ni Katrina. "Mahirap mag-wish sa isang tao na meron na ang lahat, ‘di ba? Siguro happiness na lang at peace of mind. Lahat tayo ay kailangan ‘yon, ‘di ba?"

Hindi na raw uuwi sa kanyang hometown na Puerto Prinsesa, Palawan, si
Katrina ngayong Pasko dahil marami raw siyang trabaho bago sumapit ang Pasko. Kasama kasi siya sa Metro Manila Film Festival entry ng Regal Entertainment na Shake, Rattle & Roll 9. May taping din daw sila ng
Marimar sa December 27. Kaya mabibitin lang daw ang bakasyon niya kung uuwi pa siya ng Palawan.

"Dito na lang ako sa Manila magki-Christmas. Baka samahan na lang ako dito ng mommy ko kung luluwas siya rito for Christmas. Work lang tayo nang work kasi, kaya wala akong mami-miss sa Pasko. Kawawa naman ako. All work and no play!" natatawang pagtatapos pa ni Katrina Halili.

Continue reading below ↓
Read Next
Read More Stories About
Katrina Halili, Marian Rivera
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Katrina Halili has straightened out her differences with Marian Rivera but refuses to divulge details about their heart-to-heart talk.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results