Derek Ramsay to Ellen Adarna: "I will not cheat on you."

by Rachelle Siazon
Apr 15, 2021
When asked if she will forgive Derek Ramsay if he cheats on her, Ellen Adarna firmly replies, "No, no, no."
PHOTO/S: @samanthaamigolaurel / @maria.elena.adarna Instagram

Siniguro ni Derek Ramsay, 44, kay Ellen Adarna, 33, na hindi magiging isyu ang cheating sa kanilang relasyon.

May netizen kasing nagtanong kay Ellen kung papatawarin niya si Derek sakaling mahuli niya itong may ibang babae.

Sinagot ni Ellen ang netizen sa pamamagitan ng video niya sa Instagram Story noong Miyerkules ng hapon, Abril 14.

"No. No, no, no," mariing pahayag ni Ellen.

Sumingit si Derek na nasa tabi ni Ellen noong mga oras na iyon.

Sabi ni Derek kay Ellen, "No, I will not cheat on you."

"Okay," simpleng sagot ni Ellen.

IG Story: Ellen Adarna answers question about cheating and forgiveness

Continue reading below ↓

Sabay tanong ni Derek ukol sa pang-uusisa ng netizen, "Why talk about negativity?"

Sagot uli ni Ellen, "Love, it's just a question."

Nagpatuloy si Ellen sa kanyang Instagram Story at sinabing kumpiyansa siya sa sariling ganda.

Handa raw siyang iwan si Derek sa oras na mambabae ito.

Ani Ellen, "Gwapa ko, 'Day. Kung magnibuang siya, goodbye [Ganda ko, 'Day. Kung mababaliw siya, goodbye]."

IG Story: Ellen Adarna says no to cheating

Continue reading below ↓

"WALA AKONG UTANG."

May isa pang netizen ang hiningan ng reaksiyon si Ellen tungkol sa fake news na siya ay "tagabayad ng utang" ni Derek.

Sumingit ulit si Derek at kunwari ay nangungulit na humihingi ng pera kay Ellen.

"Pautang. Penge pera. Penge pera," biro ni Derek kay Ellen.

Natatawang sabi ni Ellen, "Yucks."

Sa puntong ito ay sumeryoso si Derek para linawing wala siyang pagkakautang kanino man.

Giit ni Derek, "Wala po akong utang. I don't make utang..."

IG Story: Ellen Adarna answers tagabayad utang issue

Continue reading below ↓

ELLEN ON DEREK's virtual MEETING WITH HER MOM

Whirlwind romance ang nangyaring pagkakamabutihan nina Derek at Ellen.

Nagswak agad ang kanilang personalidad, mga hilig, at pananaw sa buhay.

Wala pang dalawang buwan ay nag-propose na si Derek kay Ellen sa paniniwalang nahanap na nila ang "The One" sa isa't isa.

Na-engage sila noong March 30, 2021.

May nagtanong kay Ellen kung naipakilala na niya si Derek sa ina ng aktres na nakabase sa Cebu.

Sagot ni Ellen, "Yes, 'Day. Before he proposed, he asked permission from my mom and my family."

Sa ngayon, hindi pa raw makapunta ng Cebu si Derek para personal na makita ang pamilya ng aktres dahil sa pandemya.

HOT STORIES

Use these Zalora vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
When asked if she will forgive Derek Ramsay if he cheats on her, Ellen Adarna firmly replies, "No, no, no."
PHOTO/S: @samanthaamigolaurel / @maria.elena.adarna Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results