Singer Sitti reveals why she refused blind date with Jon Hall back in 2012

by Rachelle Siazon
Apr 15, 2021
Sabi raw ni Sitti sa kaibigang gustong magpa-date sa kanya kay Jon Hall: "Hindi talaga pwede kasi kung sakaling magkatuluyan kami, MAGIGING SITTI HALL PANGALAN KO! Kaya hindi talaga pwede, Bistek! Hindi talaga!"
PHOTO/S: Sitti Navarro Facebook

Nauwi sa isang rebelasyon ang katuwaan ng netizens na humirit ng witty punchlines sa kung ano ang apelyido ng singer na si Sitti.

Noong Miyerkules ng hapon, Abril 14, inamin ni Sitti na noong dalaga pa siya ay gustong ipa-blind date sa kanya ang noo'y model-actor na si Jon Hall.

Pero natatawang tumanggi raw si Sitti.

Base sa kanyang social media posts, narito ang buong kuwento ni Sitti:

"True Story

"Back in 2012, @docbistek, husband of my good friend and fellow singer @princessvelasco, wanted to set me up on a date with Jon Hall.

"Me, laughing: 'Naku, hindi kami pwede Bistek!'

"Bistek: 'Bakit naman? Mabait yun, gwapo, matalino.' etc etc

"Me: 'Hindi talaga pwede kasi kung sakaling magkatuluyan kami, MAGIGING SITTI HALL PANGALAN KO! Kaya hindi talaga pwede, Bistek! Hindi talaga!'

"Si Bistek napakamot ng ulo sabay sabi: 'Ay oo nga noh!'

"Now it can be told

"Remember, @docbistek??

"Posted with permission from the hubs na tinawanan lang ako hahaha @joeyramirez12

Continue reading below ↓

"Also, malamang walang kaalam-alam si Jon Hall na may binalak si Bistek na ganito."

Sitti Navarro reveals past romance with John Hall

John Hall, Singer Sitti

Continue reading below ↓

Si Princess Velasco ay isa ring singer. Pareho sila ni Sitti na napapanood noon sa ASAP, ang Sunday musical-variety show ng ABS-CBN.

Sa comments section ng Instagram post ni Sitti, isa sa nag-react ay si Princess tungkol sa biruan nila noong 2012.

Sabi ni Princess, "Lol Sits! I super remember this!"

Sagot ni Sitti, "Grabe talaga yung tawa ko kay Bistek nun!! As in siya hindi niya gets hahahaha."

"ANO ANG APELYIDO NI SITTI?"

Si Sitti ay kilala bilang bossa nova singer at sa kanyang trademark na malamyos na singing voice.

Hindi siya gumamit ng surname sa kanyang screen name mula nang siya ay sumabak sa local music scene noong 2006.

Hanggang sa nitong April 11, 2021, may mga netizen sa Twitter ang nagkatuwaang tanungin kung anong apelyido ni Sitti.

Ni-repost ito ni Sitti sa kanyang Facebook pati na ang kuwelang hirit tungkol sa sinasabing apelyido niya.

Ilan sa mga biro ng netizens: "Sitti Bank, Sitti Rizine, Sitti Limon Sitti Limon, Sitti R. King, Sitti To Boy, hanggang sa may nagbanggit ng Sitti Hall."

Continue reading below ↓

Netizen jokes on Sitti surname

Netizen jokes on Sitti surname

Continue reading below ↓

SITTI LAUGHS AT NETIZENS' ENTRIES

Nagpasalamat naman si Sitti sa dami ng witty surnames na naisip ng netizens para sa kanya at um-effort pa raw ang mga itong gumawa ng memes.

Natawa raw siya sa mga sumagot ng "Sitti Toboy, Sitti Jail, Sitti Scan, at Daisy Sitti."

Ani Sitti, "Masaya akong napasaya ko kayo sa ganitong paraan [laughing with tears] Salamat, #twitterverse!"

Sitti posts witty punchlines of netizens

Continue reading below ↓

Ang tunay na maiden name ni Sitti ay Baidin.

Ang pangalan ng napangasawa niya ay Joey Ramirez.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sabi raw ni Sitti sa kaibigang gustong magpa-date sa kanya kay Jon Hall: "Hindi talaga pwede kasi kung sakaling magkatuluyan kami, MAGIGING SITTI HALL PANGALAN KO! Kaya hindi talaga pwede, Bistek! Hindi talaga!"
PHOTO/S: Sitti Navarro Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results