Director Dominic Zapata has personal rule when reprimanding stars; Dani Porter open to constructive criticisms

by Rachelle Siazon
Apr 16, 2021
PEP.ph asks GMA-7's resident director Dominic Zapata (left) and StarStruck alumna Dani Porter (right) about how they react whenever they encounter sticky situations on the set. Dominic says he makes it a point to keep his behavior in check, while Dani admits that she still has a lot to learn as a newbie.
PHOTO/S: I Can See You: #Future virtual presscon

Aminado ang resident Kapuso director na si Dominic Zapata na may pagkakataong napapagalitan niya ang isang artista sa set.

Pero nilinaw niyang hindi niya gagawin iyon nang walang sapat na dahilan.

Ayon kay Dominic: "I don't do it intentionally. You don't do it to sindak.

"I think all of us as artists are very passionate in what we're doing.

"When you're right at that moment, you want it to run perfectly.

"Same with actors, si Christian Bale. Di ba, nagwala si Christian Bale? Si Tom Cruise."

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Dominic sa virtual presscon ng I Can See You: #Future, na pinagbidahan nina Kyline Alcantara at Miguel Tanfelix.

Ilan sa mga Kapuso prime-time series na hinulma ni Dominic ay ang Descendants of The Sun, Alyas Robinhood, at My Husband's Lover.

HOLLYWOOD ACTORS' MELTDOWN

Tinutukoy ni Dominic ang Hollywood actors na sina Christian Bale at Tom Cruise na parehong nagkaroon ng kontrobersiyal na meltdown sa set ng kani-kanilang pelikula.

Continue reading below ↓

Noong 2008, kumalat ang halos five-minute audio record kunsaan maririnig si Christian na galit na pinagsisigawan ang director of photography (DP) na sumira sa blocking ng kinukunan nilang eksena para sa Terminator Salvation.

Ilang beses napamura si Christian at sinabing ipapatanggal niya ang DP sa oras na makasira raw ulit ito ng eksena.

Nito namang December 2020, nag-leak ang audio record nang galit na pinagalitan ni Tom Cruise ang higit-kumulang tatlong tao na katrabaho nito sa ika-pitong installment ng pelikulang Mission: Impossible.

Sinasabing nagalit si Tom dahil sa paglabag sa safety protocols nila sa set, gayong gabi-gabi raw ay stressed na si Tom sa kakaisip sa pressure sa paggawa ng pelikula sa gitna ng pandemya.

Maririnig pa si Tom na nagsabing dapat siguruhin nilang maayos ang kanilang trabaho dahil maraming pamilya ang umaasa sa kikitain ng kanilang pelikula, kundi ay ipasisisante niya raw ang mga ito.

Ilang beses ding nagmura si Tom base sa audio record.

Continue reading below ↓

DIREK DOMINIC'S PERSONAL RULE

Sa pagpapatuloy ng panayam ng PEP.ph, ipinaliwanag ni Dominic na parte ng trabaho niya ang mag-expect na ma-deliver ng artista ang hinihingi niyang requirement sa isang eksena.

Pero kung hindi raw makuha ng artista ang kanyang instruction, hindi raw aabot sa puntong mumurahin niya ito.

Sabi pa ng 50-year-old Kapuso director: "Kanya-kanya naman yun. Pero ang hindi mo maririnig sa akin, yung mumurahin ang artista.

"Pananaw ko sa lahat ng tao, bata man o matanda, babae man o kahit lalake, tinitingnan ko, 'Pwedeng kapatid ko ito. Pwedeng nanay ko ito.'

"But, predominantly, when I see a person that I am working with, lalo na pag napipikon na ako, iniisip ko, 'Pwedeng nanay ko ito.'

"Ayokong sisigawan or mumurahin ng kung sino man yung nanay ko.

"Kaya I will try my best, no matter how intense I'm feeling, to treat everyone the way I would want to treat my mother.

Continue reading below ↓

"So, yun ang lagi kong reminder sa sarili ko—to keep my emotions in check and to keep my behavor in check."

Napangiting inamin ni Dominic na sa I Can See You: #Future ay napagalitan niya ang baguhang artista na si Dani Porter.

Si Dani, 17, ay alumna ng GMA-7 reality show na StarStruck Season 7.

DANI PORTER ON BEING A NEWBIE

Nang tanungin ng PEP.ph si Dani, kuwelang inamin agad ng dalaga na tila sanay siyang mapagsabihan sa set.

Numero unong problema raw sa kanya ay nabubulol siya sa mga linya niya sa eksena.

Paliwanag ni Dani: "Lagi po ako ganyan... Kasi yung pagkabulol ko po talaga, ewan ko kung saan nanggagaling.

"Pag kinakabahan ako, bigla ako nabubulol.

"Tinatanggal ko yung pressure ko, dahil alam kong dun yun nanggagaling. Dun ako nabubulol, e.

"Hanggang ngayon po, pag nakipag-usap ako, para akong nagra-rap!"

Napanghihinaan ba siya ng loob kapag napapagalitan siya?

Continue reading below ↓

Sagot ni Dani, "Minsan po. Pero laban pa rin. Kailangan sa buhay.

"Pag may nagagalit sa akin, ginagawa ko talagang lesson. 'Okay, kailangan ko itong gawin.'"

Sabay natatawang pag-amin niya, "Pero hindi ko talaga magawa. Ang hirap, e! Bulol talaga ako, e."

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PEP.ph asks GMA-7's resident director Dominic Zapata (left) and StarStruck alumna Dani Porter (right) about how they react whenever they encounter sticky situations on the set. Dominic says he makes it a point to keep his behavior in check, while Dani admits that she still has a lot to learn as a newbie.
PHOTO/S: I Can See You: #Future virtual presscon
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results