Did Bea Alonzo’s close friend Janus del Prado throw shade at Gerald Anderson anew?

by Arniel C. Serato
Apr 16, 2021
Janus del Prado once again posts cryptic message on his Instagram account and netizens quickly claimed that he is alluding to Gerald Anderson, Bea Alonzo's ex-boyfriend.
PHOTO/S: Courtesy: @janusdelprado on Instagram

May banat muli si Janus del Prado para sa isang taong hindi niya pinangalanan.

Sa Instagram ni Janus kagabi, April 15, nag-post siya ng quote kung saan ikinukumpara ang isang tunay na lalaki sa isang duwag na tao.

Ang tunay na lalaki raw ay marunong tumanggap ng pagkakamali, ngunit ang duwag na tao ay umaakto lamang na biktima at ipinapasa ang sisi sa iba.

Nakalagay sa quote card na ibinahgi ni Janus: “A real man will apologize for his mistakes and accept his shortcomings to try to become a better version of himself.

“A coward will lie, manipulate, redirect blame and play the victim role just to save face.”

Simpleng “#titoquotes” ang caption ni Janus dito.

Halos lahat naman ng nagkomento sa post na ito ni Janus ay naniniwalang patungkol ito sa ex-boyfriend ni Bea Alonzo na si Gerald Anderson.

IG Comment: Netizens applaud Janue Del Prado for being a good friend to Bea Alonzo

Continue reading below ↓

IG Comment: Netizens believe Janus Del Prado post is for Gerald Anderson

IG Comment: Netizens connect Janus post with Gerald Anderson

Continue reading below ↓

Matalik na magkaibigan sina Janus at Bea.

Si Janus ang isa sa unang nagtatanggol sa aktres tuwing nasasangkot ito sa kontrobersiya, partikular na dahil sa “ghosting” na naranasan umano ni Bea mula sa dating nobyong si Gerald.

Marami rin sa nagkomento ang tinag pa ang account ni Gerald sa Instagram upang ipamukhang tila siya ang pinatatamaan ni Janus.

IG Comment: Netizens tag Gerald Anderson on Janus post

Continue reading below ↓

NOT THE FIRST TIME

Hindi ito ang unang pagkakataong tila pinasaringan ni Janus si Gerald sa kanyang Instagram posts.

Dalawang beses na niyang pinatamaan si Gerald kung pagbabasehan ang mga komento ng nakasubaybay sa mga ibinabahagi ni Janus sa kanyang account.

Una na rito ang post ni Janus noong March 5, ilang oras matapos umamin si Gerald na sila na nga ni Julia Barretto.

Sa nasabing rebelasyon ni Gerald, sinabi nitong naging masyadong "toxic" ang relasyon nila ni Bea.

Buwelta ni Janus sa post niya, kahit wala itong direktang pinatutumbukan: “No matter how it ended. You do not destroy someone you used to love.”

Noong March 7 naman, may isang bagong quote na in-upload si Janus sa kanyang Instagram account.

Nakasaad sa photo quote: “You don’t have to put others down just to prove that you’re truly happy. If you’re happy and you know it, clap your hands. @janusdelprado”

Nakalagay sa caption: “chos. (grinning squinting face, grinning face with sweat, victory hand, heart emojis) #titojokes #titoquotes #goodvibesonly

Continue reading below ↓

Sa lahat ng kanyang posts, iisa lang ang tinutumbok ng netizens sa mga komento—si Gerald.

Pero nananatiling tikom ang bibig ng aktor at wala ni isang sinagot sa mga patama sa kanya.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app on Google Play or App Store and enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Janus del Prado once again posts cryptic message on his Instagram account and netizens quickly claimed that he is alluding to Gerald Anderson, Bea Alonzo's ex-boyfriend.
PHOTO/S: Courtesy: @janusdelprado on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results