Miss Eco International 1st runner-up Kelley Day tests negative for COVID-19

by Arniel C. Serato
Apr 16, 2021
Miss Eco International organization posts on Instagram RT-PCR test result of Philippine representative Kelley Day showing that the recently hailed first runner-up of the pageant tested negative for COVID-19.
PHOTO/S: Courtesy: @itskelleyday / @missecointernational on Instagram

Negatibo sa COVID-19 ang resulta ng swab test kay Miss Eco International 2020 first runner-up Kelley Day.

Si Kelley ang representative ng Pilipinas sa international pageant na ginanap sa Egypt noong April 5.

Kasunod ng kanyang muntikang pagkapanalo sa Miss Eco International, kumalat naman ang balitang marami raw mga kandidata ang nagka-COVID-19.

Isa raw sa kanila si Kelley.

Sa Instagram account ng Miss Eco International noong gabi ng April 14, masaya nilang ibinalita na negatibo ang kandidata ng Pilipinas sa COVID-19.

Ngunit kailangan daw muna nitong mamalagi sa Egypt dahil sa quarantine protocols ng Pilipinas.

Nakalagay sa post ng Miss Eco International (published as is): “Miss Eco Philippines Tested negative yesterday While she will stay In egypt till she go back Home Due the lockdown Of the Philippines @msworldphil”

Miss Eco International announces Kelley Day tests negative for COVID-19

Continue reading below ↓

Ipinakita rin nila ang mismong resulta ng test ni Kelley kung saan mababasa rito na “Negative” ang resulta ng kanyang RT-PCR test.

Kelley Day RT-PCR test results

Nauna nang siniguro ng Miss World Philippines na masusi nilang sinusubaybayan ang kalagayan ni Kelley habang nasa Egypt.

Sinisiguro rin nila ang kaligtasan nito laban sa COVID-19.

Continue reading below ↓

Pero ang bansang Japan ay kinondena ang anila’y kapabayaan ng Miss Eco International upang mapangalagaan ang kalusugan at kaligtasan ng mga kandidatang lumahok sa recently concluded pageant.

Dahil dito, hindi na sila magpapadala ng representative sa Miss Eco International.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Miss Eco International organization posts on Instagram RT-PCR test result of Philippine representative Kelley Day showing that the recently hailed first runner-up of the pageant tested negative for COVID-19.
PHOTO/S: Courtesy: @itskelleyday / @missecointernational on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results