Balik sa intensive care unit (ICU) si dating Pangulong Joseph Estrada, pero sa pagkakataong ito, sa non-COVID area na ng ospital.
Nakitaan daw kasi ng mga doktor na may impeksiyon sa baga ang dating Pangulo.
Kailangan din daw bantayan ang blood pressure ni Erap dahil tumaas ito dahil sa nasabing impeksiyon.
Ang maganda lang dito, ayon sa panganay na anak niyang si dating Senador Jinggoy Estrada, nananatiling stable ang kalagayan ng 83 anyos na ama.
Narito ang buong pahayag ni Jinggoy sa kanyang Facebook post ngayong araw, April 16:
"MEDICAL BULLETIN OF FMR. PRES. JOSEPH EJERCITO ESTRADA:
"We wish to announce that my father had a slight set back last night as his doctors found a super imposed bacterial lung infection.
"He has been brought back to the regular ICU (non covid) for monitoring and support of his blood pressure which fluctuated due to the said infection.
"But overall, he is stable with high flow oxygen support.
"Once again, we ask for your prayers for his immediate recovery and also to all those infected with covid19.
"Thank you so much."
Isinugod ang dating Pangulo sa ospital noong March 28 dahil nagpositibo siya sa COVID-19.
April 6, kinabitan siya ng mechanical ventilator upang maayos na makahinga.
April 13, nagnegatibo na sa COVID-19 ang dating public servant.
Kumakanta-kanta na nga raw ito sa kanyang hospital bed.