Cassy Legaspi gets ribbed for posting sunflower bouquet; netizens think it's from Darren Espanto

by Rachelle Siazon
Apr 18, 2021
Kapuso actress Cassy Legaspi and Kapamilya singer Darren Espanto have been in constant communication even while he was in Canada. Now that he's back in Manila, will CassRen fans get to see them meet up?
PHOTO/S: @cassy / @cassrenwarriors Instagram

Muling tinukso ng fans sina Cassy Legaspi, 20, at Darren Espanto, 19, matapos ipakita ng dalaga ang litrato ng isang sunflower bouquet.

Noong April 13, nag-post si Cassy sa Instagram ng natanggap niyang sunflowers kalakip ng caption na nagsasabing "*cue Sunflower Vol. 6*."

Kanta iyon ni Harry Styles na ang mensahe ay tungkol sa taong hinahangaan nito.

Cassy Legaspi posts sunflower bouquet

Continue reading below ↓

Sa comments section, kakatwang napa-react ang mga kaibigan ni Cassy na tila may nalalaman kung sino ang mystery sender ng bulaklak.

Una na rito sina Kakai Bautista at Thia Tomalla na co-stars ni Cassy sa GMA-7 prime-time series na First Yaya.

Tila napatiling komento ni Kakai, "CASSANDRAAAAAAAAAAAA!!!!!!"

Singit ni Thia, "hala ka cassandra patay ka kay tyang."

Sagot ni Cassy, "Tyang naman eh!!!!"

IG Comment: First Yaya co-star Kakai Bautista teases Cassy Legaspi

Continue reading below ↓

Tinukso naman ni Anna Vicente ang pagtanggap ni Cassy ng flowers mula sa isang mystery sender.

Ani Anna, "Dalaga na baby ko."

Isang sweating emoji ang tanging sagot ni Cassy kay Anna.

IG Comment: Anna Vicente teases Cassy Legaspi

"ATE CASSY, KUYA DARREN"

Ang isa pang First Yaya co-star ni Cassy na si Clarence Delgado ay inasar din si Cassy.

Continue reading below ↓

Sabi ni Clarence kalakip ng laughing emoji, "GANDA NG FLOWERSS!! ate dear!!"

Kunwa'y inis na sagot ni Cassy, "hay nako!!"

IG Comment: First Yaya co-star Clarence Delgado pokes fun with Cassy Legaspi

Tila may laman ang pang-aasar na "ate" kay Cassy.

Bukod sa mas matanda talaga si Cassy kay Clarence, nabigyang-diin ang edad ni Cassy dahil kay Darren Espanto.

Noong March 13, nag-Instagram Live si Cassy kasama si Clarence at isa pang First Yaya co-star na si Patricia Coma.

Continue reading below ↓

Gumaganap na nakababatang kapatid ni Cassy sina Clarence at Patricia sa show.

Nang sumali sa IG Live si Darren, gumaya si Cassy kina Clarence at Patricia sa pagtawag na kuya kay Darren.

"Hi po Kuya Darren," pabirong sabi ni Cassy.

Pero maya-maya pa, nang sumali na rin si Kyle Echarri, ipinunto ni Darren na ang pinakamatanda sa kanila roon ay si Cassy.

Ani Darren, "You know who's the oldest one here is? It's that girl right there in the middle!"

Pabirong sabi ni Cassy, "Parang I want to leave..."

Natatawang hirit pa ni Darren, "Iyang si Ate Cassy, 29."

IG Live with Clarence, Patricia, Cassy and Darren

Continue reading below ↓

are the flowers from darren?

Samantala, hindi maiwasang tanungin si Cassy kung kanino galing ang flowers.

IG Comment: fans ask Cassy about the bouquet sender

Marami ang nanghuhula na si Darren umano ang nagbigay ng bouquet na ipinost ni Cassy.

IG Comment: fans tag Darren Espanto on Cassy Legaspi post

Continue reading below ↓

IG Comment: fans tease Cassy Legaspi and Darren Espanto

May ibang naniniwala na "late post" ang sunflowers photo ni Cassy.

Matatandaang noong Valentine's Day, may litrato si Cassy ng natanggap niyang sunflower bouquet kalakip ng instant cup noodles.

Iniuugnay iyon kay Darren dahil ilang araw bago ang Valentine's Day ay may kuwelang diskusyon sa Twitter sina Cassy at Darren na ang paggawa ng cup noodles ay simpleng gesture ng affection para sa taong mahal nila.

Continue reading below ↓

Hindi sinabi ni Cassy kung kanino galing ang sunflowers na iyon, pero malinaw na nagpadala si Darren ng pizza sa pamilya Legaspi noon.

IG Comment: fans speculates the reason behind Cassy sunflower post

Hindi kaila sa publiko ang pagiging malapit nina Cassy at Darren, na madalas tuksuhin sa isa't isa ng kanilang common friends.

Kahit na nasa Canada si Darren, patuloy ang komunikasyon nito kay Cassy base sa social media posts nila.

Continue reading below ↓

Noong Biyernes, August 16, dumating na si Darren sa Manila mula sa higit isang taong pananatili niya sa Canada.

HOT STORIES

PEP.ph is now on Quento! Click the links below to download the app and enjoy more articles and videos from PEP.ph and your favorite websites!

On Android devices: https://bit.ly/3gaVs8O

On iOS devices: https://apple.co/3stitGq

On Desktop: https://www.quento.com.ph/

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapuso actress Cassy Legaspi and Kapamilya singer Darren Espanto have been in constant communication even while he was in Canada. Now that he's back in Manila, will CassRen fans get to see them meet up?
PHOTO/S: @cassy / @cassrenwarriors Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results