Vlogger Buknoy Glamurrr, Gabo Adeva apologize for fabricated story about Awra, Vice Ganda

by Rachelle Siazon
Apr 18, 2021
Accompanied by their managers in a Facebook live stream, vlogger Buknoy Glamurrr (blond hair, second from left) and fellow Star Image talent Gabo Aveda (in striped shirt) issue a public apology for dragging Awra, Vice Ganda, Ion Perez to a TikTok controversy.
PHOTO/S: Star Image Artist Management Facebook Live / @awrabriguela / @praybeytbenjamin Instagram

Humingi ng pagpapatawad ang vlogger na si Buknoy Glamurrr at kaibigang si Gabo Adeva sa pagkalat ng malisyoso at gawa-gawang kuwento laban kina Awra Briguela at Vice Ganda.

Parehong talents sina Buknoy, aka Andrew Luis Lapid, at Gabo, ng Star Image Artist Management.

Ngayong Linggo, April 18, nag-trend ang mga pangalan nina Buknoy at Awra na tila matagal nang nagkakairingan sa social media.

Pero sa pagkakataong ito, below-the-belt ang mga naging hirit ni Buknoy sangkot ang walang kamalay-malay na sina Awra, Vice Ganda, at Ion Perez.

Nag-ugat ito sa live stream ni Gabo sa TikTok kasama si Buknoy.

Kumakain ng lunch si Gabo habang nakikipagkuwentuhan kay Buknoy nang mabasa nila ang sunud-sunod na comments ng netizens tungkol kay Awra.

Dahil dito, nagpanggap si Buknoy na siya si Awra at saka nagtahi ng mapanira at walang basehang kuwento sangkot ang magkasintahang Vice at Ion.

Lumalabas na sumulsol naman si Gabo na sinakyan ang kuwento ni Buknoy at siyang nagbato ng provocative questions tungkol sa walang katotohanang isyu.

Continue reading below ↓

Ni-record at ni-repost ng netizens ang usapan nina Buknoy at Gabo, na parehong inulan ng batikos dahil sa kanilang mapanirang kuwento ukol kina Awra, Vice, at Ion.

Kumalat ang isyu nitong Sabado, April 17.

BUKNOY ADMITS TO CURSING, BELOW-THE-BELT REMARKS

Linggo ng hapon, August 18, nag-Facebook Live sina Buknoy at Gabo upang maghayag ng kanilang public apology kina Awra, Vice, at Ion.

Kasama nila ang kanilang managers na sina David Cabawatan at Vince Apostol.

Salaysay ni Gabo ukol sa isyu: "Naisipan ko mag-live sa TikTok account ko minsan.

"Kumakain lang ako, 'tapos dumating si Buknoy... Hanggang sa yung puro comments po is about po Awra.

"May exact moment po dun na nabasa ko, sabi, 'Pakisampal si Awra.' So sabi ko, 'O, sampalin mo daw si Awra.'

"Which is yung response niya, 'No, ayoko sampalin si Awra. Gusto ko siya yakapin.

"Hanggang sa sunud-sunod na po yung comments about Awra. Hanggang sa may nabasa ako din, naka-all caps: 'CHILL LANG BUKNOY. SI AWRA LANG PAMBATO KO.'

Continue reading below ↓

"'Tapos yun na yung nag-start siya magmura. Bale dun na po nag-start mag-screen record yung mga tao."

Aminado si Buknoy na nadala siya sa kung anumang pambubuyo ng netizens sa comments ng live stream ni Gabo sa TikTok.

Lahad ni Buknoy: "Sabi ko, 'E, di wow.' 'Tapos that time, napamura ako ng g*g* dun sa nag-comment...

"'Tapos nung pa-worse nang pa-worse yung mga comment ng tao, kumbaga ang binabato nila sa akin, ako raw si Awra. Na panindigan ko magpanggap bilang si Awra.

"Dun na nagtuluy-tuloy yung mga baklaang tsikahan na hindi naman talaga dapat ginawa pa nung una."

BUKNOY, GABO REPRIMANDED BY MANAGERS

Kinastigo nang husto sina Buknoy at Gabo ng kanilang managers sa live stream sa Facebook page ng Star Image Artist Management.

Pinagsabihan din sila na maling-mali ang pagbitiw nila ng mapanirang mga salita laban kina Awra, Vice, at Ion nang wala naman talagang basehan.

Sermon ni David sa dalawang alaga: "Aware kayo dun, di ba? ba't niyo sinasabi yun?

Continue reading below ↓

"Di niyo ba naiisip na may nakasubaybay sa inyo na menor de edad na puwedeng makarinig ng mga ganun?

"Na nagmumura kayo, Buknoy? Na nagsasabi kayo ng mga di tamang salita, Gabo?"

Wala raw magagawa ang Star Image sakaling magdesisyon ang kampo nina Awra at Vice na sampahan ng reklamo sina Buknoy at Gabo.

Parehong naiyak sina Buknoy at Gabo habang kinakastigo ng kanilang managers.

Giit ni David: "O, ano magagawa ng mga iyak-iyak niyo?

"The damage has been done. Ayan ang mga tao.

"So whatever legal actions of Vice Ganda at ng kanyang kampo, we need to accept that, especially the two of you."

Hiyang-hiya raw ang Star Image dahil nasa poder daw nila nakatira sina Buknoy at Gabo.

Pati raw ibang artists nila na tinutulungan ni Vice ay nadadawit pa sa isyu.

"Kami nahihiya kami sa mga magulang niyo kasi nandito kayo sa poder namin 'tapos may ganitong issue.

Continue reading below ↓

"Anong iisipin nila? Tino-tolerate namin yang mga ganyan niyo?

"Mahiya naman kayo sa amin. Tinanggap namin kayo dito. Nakatira kayo sa amin, dito sa Star Image house, 'tapos may ganyang issue.

"Anong iisipin nila? Kami may kagagawan niyan?

"Kahit kami, naiinis kami kasi hindi tama yung nangyari. Nanahimik sina Vice 'tapos gagamitin niyo sa ganun."

Buknoy Glamurrr, Gabo apologize to Vice Ganda, Awra, Ion Perez

Continue reading below ↓

BUKNOY AND GABO'S APOLOGY TO AWRA, VICE, AND ION

Nauna si Gabo na humingi ng patawad kina Awra, Vice, at Ion.

Pahayag ni Gabo: "Gusto ko lang po humingi ng paumanhin kay Meme Vice. Sorry po kung nagkaroon kami ng ganung conversation sa live.

"Maling-mali kami sa mga nagawa namin at sa mga nasabi namin.

"Gusto ko rin po humingi ng sorry kay Awra sa mga binitawan kong laos, o kung bakit ka binitawan ni Meme.

"Kay Mr. Ion Perez, gusto ko rin humingi ng tawad po dahil nadamay kayo sa isyu na ito.

"Hindi ko po ipagtatanggol kasi sobrang linaw po na kami po ang nagkamali."

Sumunod si Buknoy na humingi ng sorry kina Awra, Vice, at Ion.

"Marami na po akong beses humingi ng paumanhin sa lahat ng tao.

"Pero this time, gusto ko humingi ng pasensya sa mga taong naapektuhan, first of all sa managers ko, sa taong kumupkop sa akin...

Continue reading below ↓

"Meme, I'm so sorry kung pati ikaw nadadamay. And also kay Awra.

"Ayoko na lang pahabain pa yung apology na ito kasi di ko gusto na ipilit pa ang sarili ko.

"Alam ko marami ako nagawang mali."

Nang sabihin ni Buknoy na hindi niya intensyong magbiro ng tungkol kina Awra, Vice, at Ion, sumabat ang manager niyang si David at sinabing "hindi correct term" ang sabihin ni Buknoy na wala siyang masamang intensyon dahil "lumabas sa bibig niyo, e."

Paglilinaw ulit ni Buknoy, "Kay Meme Vice na nasabihan ko ng mga mali na hindi kaaya-aya, 'tsaka kay Ion, sorry po sa mga nasabi ko na hindi niyo nagustuhan.

"Sana mapatawad niyo ako.

"At sa mga taong nagsasabing basura ako, sa mga bashers, sorry kung ito na naman yung mga nadatnan niyo sa akin."

May pahabol ding mensahe si Buknoy kay Awra.

"Awra, alam ko na marami tayong hindi pinagkakasunduan. Sana, this time, mapatawad mo ako. At sana makapag-usap na tayo.

Continue reading below ↓

"And sa mga taong nanonood ngayon, gusto ko humingi ng sorry.

"Ito na naman na nakita niyo sa akin. Imbes na mabuti, puro masama. Gagawin ko lahat para mahalin niyo ako ulit."

BUKNOY AND GABO FINED FOR THEIR MISCONDUCT

Ang isa pa nilang manager na si Vince ang nagsabing may hindi magandang ugali si Buknoy kaya ilang beses na napapasok sa gulo sa social media.

Sabi ni Vince: "Tinatanong ng tao, bakit ka paulit-ulit na nagso-sorry? Ako na sasagot.

"Sutil kasi itong batang ito. Mayabang. Hindi nag-iisip.

"Masakit sa Star Image na ganun, pero yun ang ginawa niyo."

Bilang parusa kina Buknoy at Gabo, inihayag nina David at Vince ng Star Image na magbabayad ng tig-PHP100,000 ang dalawang talents bilang donasyon daw sa mga nangangailangan ngayong pandemya.

Dagdag na sermon ni David kina Buknoy at Gabo: "Yung harutan niyo sa TikTok, it turned out na napaka-offensive sa mga involved personalities.

Continue reading below ↓

"Dahil sa negative remarks na binitawan niyo, na hindi namin pinalampas ngayon, nagdesisyon kami ni Vince na suspendihin kayo.

"One month without pay, sa mga existing projects niyo. Ibig sabihin walang bayad.

"It's part of our agreed signed contract na kapag may ganyang misconduct, you need to be reprimanded."

Narito ang hiwalay na official statement ng Star Image hinggil sa isyu:

Star Image Artist Management official statemen on Buknoy, Gabo vs Awra, Vice Ganda, Ion Perez issue

Continue reading below ↓

AWRA'S REACTION

Nakarating naman kay Awra ang kinasangkutang isyu gawa ng TikTok live stream nina Buknoy at Gabo.

Gabi ng April 17, Sabado, naglabas ng pahayag si Awra sa sinalihan niyang group sa Twitter Space.

Ayon kay Awra, nakausap daw niya si Vice hinggil sa pagkakadawit nila sa isyu.

"Yung assurance ko na lang talaga is nag-reply na si Meme.

"And then ang sabi lang niya sa akin, 'I will talk to my lawyers about this.' And then, 'Relax ka lang diyan. Chill ka lang.'

"Yun lang ang assurance na maibibigay ko. Na aware na si Meme sa nangyayari."

Umapela rin si Awra na tigilan na ang pagbato ng batikos sa isa't isa.

"And paramdam na lang talaga natin yung love and support to each other. Wag na tayo mag-throw ng shade sa isa't isa.

"Kasi hindi na talaga siya nagwo-work by this time. Kung noon nagwo-work siya, ngayon hindi na.

Continue reading below ↓

"It's 2021. We need to wake up, we need to grow.

"It's not just because na gusto mo marinig agad, gusto mo malaman agad, no. Be considerate and be understanding."

Bukas ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa anumang pahayag ng mga nabanggit na personalidad sa artikulong ito.

HOT STORIES

PEP.ph is now on Quento! Click the links below to download the app and enjoy more articles and videos from PEP.ph and your favorite websites!

On Android devices: https://bit.ly/3gaVs8O

On iOS devices: https://apple.co/3stitGq

On Desktop: https://www.quento.com.ph/

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Accompanied by their managers in a Facebook live stream, vlogger Buknoy Glamurrr (blond hair, second from left) and fellow Star Image talent Gabo Aveda (in striped shirt) issue a public apology for dragging Awra, Vice Ganda, Ion Perez to a TikTok controversy.
PHOTO/S: Star Image Artist Management Facebook Live / @awrabriguela / @praybeytbenjamin Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results