Xian Lim recalls convo with Kim Chiu on their first date; says, "Naysayers had their own versions of what they think we have."

by Rachelle Siazon
Apr 19, 2021
Xian Lim's sweet message for girlfriend Kim Chiu who is celebrating her 31st birthday this Monday, April 19: "I just want to say that I'm the luckiest man in the world to always have you by my side."
PHOTO/S: @xianlimm Instagram

Aminado si Xian Lim, 31, na maraming kumukuwestiyon sa relasyon nila ng nobyang si Kim Chiu, 31.

Tandang-tanda pa raw niyang pinag-usapan nila ni Kim kung magtatagal ba sila bilang magkasintahan noong bago pa lang silang magkasintahan.

Naging magkarelasyon sila noong 2012, o siyam na taon ang nakararaan.

Sabi ni Xian: "Naaalala ko pa nung first date natin, you told me that you're worried that what we have might not last because of this crazy world we live in.

"N[a]ysayers had their own versions of what they think we have.

"So many doubts, so many people trying keep us apart."

Kim Chiu and Xian Lim

Continue reading below ↓

Pero pinatunayan daw nila ni Kim na hindi matitibag ng anumang pagsubok ang kanilang relasyon.

Ang sweet message ni Xian para sa nobya:

"Ma[n]y years later, nandito pa rin tayo para sa isa't isa, nagmamahalan na parang walang bukas [heart emoji]

"I love you so much Kim, always remember that.

"Through thick and thin, through ups and downs, know that I'll always be here loving you every day, every hour and every second."

Sabi pa ni Xian, "I just want to say that I'm the luckiest man in the world to always have you by my side.

"HAPPIEST BIRTHDAY TO YOU [birthday party emojis] Enjoy this special day!"

Ibinahagi ito ni Xian sa kanyang Instagram ngayong Lunes, Abril 19, na saktong ika-31 kaarawan ni Kim.

Ipinakita rin niya rito ang ilang litrato nilang magkasintahan na kuha sa kanilang mga bakasyon sa iba-ibang beach resorts dito sa Pilipinas at pati na sa ibang bansa.

Continue reading below ↓

KimXi couple

FROM REEL TO REAL-LIFE SWEETHEARTS

Unang nagkatambal sina Kim at Xian sa ABS-CBN prime-time series na My Binondo Girl noong 2011.

Noong panahong iyon ay bali-balita na ang masugid na panliligaw ni Xian kay Kim.

Mula sa pagdala ng choir sa set ng kanilang show para haranahin si Kim hanggang sa pagbigay ng life-sized Teddy bear o kaya pagpapadala ng red roses na kasing laki ng puno sa bahay ng dalaga.

Continue reading below ↓

May 2012 nang aminin ni Kim na "lumalabas" sila ni Xian at minsan ay isinasama pa raw ng aktres ang mga kapatid para mas makilala ang binata.

Ilang taon ang lumipas bago nila opisyal na inaming sila ay magkarelasyon, at bandang 2019 nang ihayag ni Xian na pitong taon na niyang nobya si Kim.

Noong October 2019, ipinakita rin ni Xian ang litrato nila ni Kim na kuha sa kanilang "first date" sa isang beach resort.

Kim Chiu, Xian Lim first date

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Xian Lim's sweet message for girlfriend Kim Chiu who is celebrating her 31st birthday this Monday, April 19: "I just want to say that I'm the luckiest man in the world to always have you by my side."
PHOTO/S: @xianlimm Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results