Ogie Diaz on breakup of manager-talent relationship with Vice Ganda: "Nung naghiwalay kami, hindi rin naman kami nag-away."

by Rachelle Siazon
Apr 20, 2021
Ogie Diaz (left) on former talent Vice Ganda (right): "O, nung nawala si Vice sa akin nung 2011, siya namang dumating si Liza Soberano. Hindi naman natatapos ang buhay sa relasyon niyo na parang wala kang silbi, wala ka nang kahihinatnan, wala ka nang patutunguhan."
PHOTO/S: Ogie Diaz YouTube

Naniniwala si Ogie Diaz na hindi kailangang maging kontrobersiyal ang hiwalayan ng isang manager at talent tulad nang nangyari sa kanila noon ng alaga niyang si Vice Ganda.

Si Ogie ang talent manager ni Vice noong nagsisimula pa lang ang tinaguriang Unkabogable Star sa showbiz.

Celebrity guest si Ogie sa live audio cast ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Calamansi Pinoy Voice Chat Room kagabi, Abril 19.

Kuwento ni Ogie sa PEP.ph, hindi naging hadlang ang breakup nila ni Vice bilang talent at manager noong November 2011 para maisalba ang kanilang pagkakaibigan.

"Meron din mga times na kailangan maghiwalay ng talent dahil dapat na kayo maghiwalay, o hindi naggo-grow ang relationship, or kasi hinihingi na ng pagkakataoon na maghiwalay.

"So kami ni Vice, nung naghiwalay kami, hindi rin naman kami nag-away.

"So we maintained the friendship because nauna naman kaming maging friends bago kami naging magkarelasyon bilang manager at talent.

Continue reading below ↓

"So, as of now, we're good."

Unang napanood si Vice bilang supporting cast member sa mga defunct ABS-CBN prime-time series na Kokey (2007), Maging Sino Ka Man: Ang Pagbabalik (2007-2008), at Dyosa (2008).

Big break ni Vice nang siya ay maging hurado at kinalaunan ay main host sa ABS-CBN noontime show na It's Showtime, na nagsimulang umere noong 2009.

Nang maghiwalay sina Vice at Ogie bilang manager at talent noong 2011, napabalitang ilang taon ding hindi nagkrus ang landas ng dalawa.

Pero noong ika-46 kaarawan ni Ogie noong January 2016, isa sa mga dumating na bisita ay si Vice.

Vice Ganda, Ogie Diaz

Continue reading below ↓

"WHEN A DOOR CLOSES, A ROOF OPENS"

Kung anuman ang dahilan ng pagkalas noon ni Vice kay Ogie, hindi raw para maging sanhi pa ng bangayan nila sa publiko.

Lalo pa't noong 2012, nakilala naman ni Ogie ang sumunod niyang talent na si Liza Soberano.

Katuwiran ni Ogie sa PEP.ph: "O, nung nawala si Vice sa akin nung 2011, siya namang dumating si Liza Soberano.

"Hindi naman natatapos ang buhay sa relasyon niyo na parang wala kang silbi, wala ka nang kahihinatnan, wala ka nang patutunguhan.

"Siguro naman, kaya ko magbuhat ng bangko. Na somehow, nakatulong ako kay Vice Ganda para maging Vice Ganda siya.

"At kay Liza naman, nakatulong din tayo na maging Liza Soberano siya."

Bilang manager, aminado raw si Ogie na siya ay gumagabay sa showbiz career ng kanyang alagang artista.

Proud daw siya sa tagumpay na narating ng mga ito.

Giit niya, "But at the end of the day, ikaw pa din ang gagawa ng iyong kapalaran.

Continue reading below ↓

"So, tulay lang ang manager.

"Ako siguro, masasabi ko, si Vice ang gumawa ng sarili nyang pangalan dahil sa kanyang talento na napapanahon.

"Ganun din si Liza Soberano, dahil sa kanyang mukha na magandang kakaiba, na dahil sa kanyang talento, kaya sumikat din siya."

Liza Soberano and Ogie Diaz

Continue reading below ↓

HOW OGIE diaz STARTED AS A MANAGER

Tinanong ng PEP.ph kung paano nagsimula ang karera ni Ogie bilang manager.

Lahad niya, "Nag-start pagiging talent manager ko nung late '90s kay Liza Ranillo. Si Liza, dating artista, lima kami nagma-manage sa kanya."

Ilan sa mga pelikula kung saan supporting cast member si Liza noong '90s ay Mahal... Saan Ka Natulog Kagabi? (1992), Adventures of 'Gary Leon at Kuting' (1992), at Pakners (1997).

"Nung nawala yun, nagpahinga ako kasi feeling ko parang waley ako.

"So, nag-reporter na lang ako at sumubok sa TV bilang voice-over announcer, yung mga ganyan."

Si Tado Jimenez—na sumabak sa pagiging komedyante mula 2001 hanggang 2013—ang unang artista na naging alaga ni Ogie nang magpasya siyang magbalik sa pagiging talent manager.

Pumanaw si Tado dahil sa isang bus accident noong February 2014.

Balik-tanaw ni Ogie, "So, nag-decide uli ako mag-alaga kay Tado. Si Tado na sumakibilang buhay na....

Continue reading below ↓

"Tapos sumakit ulo ko nung nag-away sila ni Vice Ganda sa It's Showtime nung hurado pa si Vice. Nandun ka sa nag-uumpugang graba at semento.

“So, dun [kay Tado] nag-start, tapos tuluy-tuloy na."

Napagtanto raw kasi ni Ogie na hindi pwedeng umasa lang siya sa kanyang trabaho bilang showbiz writer/reporter kaya pinasok niya ang pagiging manager.

Paliwanag niya sa PEP.ph: "So, eventually, na-master ko rin yung pagma-manage...

"Hindi ko nila-'lang' ang pagiging reporter dahil diyan ako nagsimula at naging bread and butter ko iyan.

"Pero sa pagsusulat ay hindi ka yayaman talaga. Unless itrato mo siya bilang passion. Wala kang pakialam kung wala kang makuha, kung di ka yumaman dito, basta happy ako, ok lang yun.

"Pero siyempre, kung may binubuhay kang pamilya, may mga bibig na umaasa sa iyo na susubuan mo sila, kailangan mo mag-isip ng paraan kung paano pa kikita bukod sa pagsusulat.

"Yun, nakaisip ako na mag-manage.

Continue reading below ↓

"Siyempre, sa tulong na rin ni Tito Douglas Quijano at Ate Lolit Solis na naging ehemplo ko kung paano mag-alaga.

"Eventually, natutunan ko din, siyempre dito sa pagma-manage."

ADVICE TO ASPIRING STARS, SHOWBIZ NEWBIES

Bukod kay Liza Soberano, may iba pang talents si Ogie na online creators.

"Sa panahon kasi ngayon, hindi para mag-manage ng talent sa TV. So, nag-aalaga kami ngayon ng influencers sa TikTok, sa Instagram.

"Kumukuha kami ng clients para ibigay sa kanila, para i-promote yung produkto nila.

"So, ginagawa namin silang brand influencers. Dun muna sa ngayon."

Mahalaga raw sa aspiring stars ang pagkakaroon ng pasensiya sa paghihintay ng kanilang big break.

"Meron din tayong talents na hindi pa rin naman kinakawayan ng magandang kapalaran.

"Ibig sabihin, hindi namn ako super perfect na manager. May mga talents ka pa rin na hindi pa siya bongga.”

Patuloy ni Ogie, "Palagi ko naman sinasabi sa mga bata, 'Kung hindi niyo panahon ngayon, baka bukas. Kundi bukas, next year. Kundi next year, baka sa another year.'

Continue reading below ↓

"Hindi natin masabi kung anong kapalaran natin ngayon.

"Dahil kahit ako, hindi ko ma-imagine na mapupunta ako rito. Pangarap ko lang naman magsulat. Hahaha! Di ba?

"So, hindi mo rin masasabi kung saan ka dadalhin ni Lord. Ang importante, mga blessing ni Lord dapat marunong ka rin mag-share sa iba."

HOT STORIES

Use these Lazada vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ogie Diaz (left) on former talent Vice Ganda (right): "O, nung nawala si Vice sa akin nung 2011, siya namang dumating si Liza Soberano. Hindi naman natatapos ang buhay sa relasyon niyo na parang wala kang silbi, wala ka nang kahihinatnan, wala ka nang patutunguhan."
PHOTO/S: Ogie Diaz YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results