GMA News reporter Tina Panganiban-Perez trends on Twitter for "dirty question"; Ana Patricia Non defends her

by Arniel C. Serato
Apr 20, 2021
Ana Patricia Non (right), organizer of Maginhawa Community Pantry, displays her discomfort in a Zoom interview after GMA-7 reporter Tina Panganiban-Perez (left) asked her if she is connected to any communist groups. "Napakadumi po ng question na ‘yan," she says.
PHOTO/S: Courtesy: Tina Panganiban-Perez on Facebook / Twitter

Trending sa Twitter ngayon ang GMA News reporter na si Tina Panganiban-Perez.

Ito ay dahil may ilang netizens ang hindi nagustuhan ang pagtatanong nito kay Ana Patricia Non, ang founder ng Maginhawa Community Pantry, kung may koneksiyon ba siya sa communist groups.

Ang community pantry ni Patricia ang nagpasimuno ng kumakalat at dumadami na ngayong bayanihan ng pagbibigayan sa buong bansa.

Pero dahil sa diumano’y pagre-red tag ng mga awtoridad kay Patricia, pansamantala muna niyang itinigil ang operasyon ng kanyang community pantry ngayong araw, April 20.

Nangangamba raw kasi siya sa kanyang kaligtasan.

Nagsagawa ng press conference si Patricia ngayong araw upang magpaliwanag tungkol sa kanyang desisyong itigil muna ang operasyon ng community pantry.

Kabilang sa media personalities na dumalo sa Zoom interview ay ang beterana at award-winning news reporter ng GMA News na si Tina Panganiban-Perez.

Isa sa mga direktang tanong na ibinato ni Tina kay Patricia: “Meron ka nga bang link sa communist groups?”

Continue reading below ↓

Maayos na sinagot ni Patricia ang tanong, pero ipinaramdam niya ang kanyang disgusto sa nasabing katanungan.

Pahayag niya, “Sa totoo lang po, wala akong link sa Communist Party. And napaka... pasensiya na po, napakadumi po ng question na ‘yan.

“Kasi po, last thing na kailangan ko i-explain sa mga tao ay kung ano ako, sino ba ako, ganyan, kasi malinaw yung intensiyon ko.

“Gusto ko lang po may mai-set up na community pantry and makakain ang mga tao, na may kayang, ano po, pantawid-gutom.

“So, between me and other people po na nagkulang ng response, tingin ko hindi po ako ang dapat nag-e-explain. Ano ba ako, sino ba ako?

"Kasi malinaw ang intensiyon ko una pa lang.”

NETIZENS REACT

Kaagad na nag-viral ang video ng sagot ni Patricia sa tanong ni Tina, at nag-trending din ang pangalan ng GMA News reporter sa Twitter.

Tina Panganiban Perez trends on Twitter after interview with Ana Patricia Non

Continue reading below ↓

Sunud-sunod din ang batikos ng netizens sa Twitter kay Tina.

Continue reading below ↓

May mga nagtanggol din kay Tina dahil ayon sa kanila, ginawa lamang nito ang kanyang trabaho bilang isang reporter sa pamamagitan ng direktang pagtatanong ng isyung ipinupukol kay Patricia..

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

PATRICIA DEFENDS TINA

Wala pang pahayag na inilalabas si Tina kaugnay ng isyu, pero ni-repost niya sa kanyang Facebook ang pagdepensa sa kanya ni Patricia ngayong gabi.

Mababasa sa post ng community pantry organizer: “Please wag nyo po iattack si Ms. Tina Panganiban-Perez!

“Isa po sya sa mga unang journalist na nakausap ko. Pinuntahan din po nila ako sa bahay. Napakabait po nya at maintindihin.

“Unang punta pa lang nya sa pantry ay may donations na. Ganyan lang po ang nature ng work nya, kailangan nya lang po tanungin at nagkataon lang po na kailangan ko din sagutin.”

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ana Patricia Non (right), organizer of Maginhawa Community Pantry, displays her discomfort in a Zoom interview after GMA-7 reporter Tina Panganiban-Perez (left) asked her if she is connected to any communist groups. "Napakadumi po ng question na ‘yan," she says.
PHOTO/S: Courtesy: Tina Panganiban-Perez on Facebook / Twitter
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results