Former President Joseph Estrada now out of ICU, back to regular room

by Arniel C. Serato
Apr 21, 2021
Former senator Jinggoy Estrada on latest medical condition of his father, former President Joseph Estrada (in photo): "His doctors are also starting him on pulmonary rehabilitation to hasten the recovery of his lung function."
PHOTO/S: Courtesy: Joseph Ejercito Estrada on Facebook / Jinggoy Estrada

Nakalabas na ng intensive care unit (ICU) si dating Pangulong Joseph Estrada.

Ito ang inanunsiyo ng panganay niyang anak na si dating senador Jinggoy Estrada sa latest medical bulletin ng ama kahapon, April 20.

Patuloy na rin daw bumubuti ang kalagayan ng dating Pangulo matapos itong magnegatibo sa COVID-19.

Wala na rin daw itong lagnat at kakaunti na lang ang kinakailangang oxygen supply.

Umaasa naman si Jinggoy kaagad na gumaling ang ama na nagdiwang ng kanyang ika-84 kaarawan noong Lunes, April 19.

Narito ang kabuuan ng post ni Jinggoy sa kanyang Facebook account:

“My father has been wheeled back to a regular room yesterday and continues to improve steadily.

“He has no fever and his oxygen need is lower.

“His doctors are also starting him on pulmonary rehabilitation to hasten the recovery of his lung function.

“Studies have shown that this is one of the longer-lasting problems that Covid patients experience.

Continue reading below ↓

“We hope that the rest of his recovery is uneventful and we ask that you join us in praying for him.

“Again, our sincerest gratitude to all those who have prayed, showed their love and concern for our father.

“Maraming salamat muli.”

Ibinalik sa ICU ang nakatatandang Estrada noong April 16 upang patuloy na i-monitor ang kanyang kalagayan dahil sa nadiskubreng impeksiyon sa baga ng kanyang mga doktor.

Continue reading below ↓

Isinugod ang dating Pangulo sa ospital noong March 28 dahil nagpositibo ito sa COVID-19.

Kinabitan naman siya ng mechanical ventilator noong April 6 para sa kanyang maayos na paghinga.

April 13, nagnegatibo na sa COVID-19 ang dating Pangulo.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Former senator Jinggoy Estrada on latest medical condition of his father, former President Joseph Estrada (in photo): "His doctors are also starting him on pulmonary rehabilitation to hasten the recovery of his lung function."
PHOTO/S: Courtesy: Joseph Ejercito Estrada on Facebook / Jinggoy Estrada
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results