Ogie Diaz reveals missed opportunity to become Daniel Padilla's talent manager

by Rachelle Siazon
Apr 22, 2021
Ogie Diaz (left) on Kapamilya star Daniel Padilla: "Yung batang yun tuwang-tuwa ako, kasi hanggang ngayon sobrang marespeto... Kaya kahit hindi napunta sa akin, hindi ako nanghihinayang. Mas naramdaman ko yung saya para sa kanya."
PHOTO/S: @ogie_diaz Instagram / Noel Orsal for PEP.ph

Inamin ni Ogie Diaz na unang inilapit sa kanya ni Karla Estrada ang anak na si Daniel Padilla para gawing talent noong hindi pa ito sumasabak sa showbiz.

Pero hindi raw niya nakilatis nang maigi si Daniel dahil nasa loob sila ng madilim na bar noong una niya itong nakilala.

Si Daniel, 25, ay anak ni Karla sa ex-partner na si Rommel Padilla.

Si Ogie, 51, ay kilalang comedian/talent manager/radio host/entertainment news reporter.

Nang ikuwento ni Ogie ang tungkol dito, hindi pa agad pinangalanan ni Ogie kung sinong mag-ina ang lumapit sa kanya para magpakonsulta tungkol sa talent management.

Pa-blind item na lahad ni Ogie sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal): "Yung isang nanay ng artista pinakilala niya sa akin yung anak niya sa isang bar na maliit, kasi um-attend kami pareho sa isang birthday celebration.

"Nung nandun yung bagets, pinakilala sa akin. Sabi ng nanay sa akin, 'I-manage mo naman itong anak ko. Puwede ito, Og.'

Continue reading below ↓

"E, siyempre, sa dilim hindi ko makita. Sabi ko, 'O, sige, pag may pagkakataon, ganyan, ganyan."

Nakapanayam ng PEP.ph si Ogie sa Calamansi Pinoy Voice Chat Room noong Lunes, Abril 19.

DANIEL BECOMES A BIG STAR

Sa madaling salita, wala raw ginawang hakbang si Ogie para gawing talent si Daniel.

"So, later on, pak! Lumaki siya. Pero wala ako kinalaman sa paglaki niya, sa pagsikat niya.

"Kaya laging sinasabi sa akin, 'Sayang, sana sa 'yo na yun noon. Meron ka nang sikat na actor na nasa poder mo.'"

Ang nakadiskubre kay Daniel ay ang yumaong talent manager ni Richard Gomez na si Douglas Quijano.

Ipinakilala raw ni Douglas si Daniel kay Johnny Manahan, o Mr. M, na dating chairman emeritus/co-founder ng Star Magic, ang talent management arm ng ABS-CBN.

Kuwento ni Mr. M. sa Summit Sandwich Session noong January 2021, "When I saw Daniel, instantly I knew he was it... Douglas brought Daniel maybe three or four weeks before he passed.

Continue reading below ↓

"So, when I saw Daniel, I said, 'Oh, you have a good thing there. He's gonna be a star.' And he did."

Sumabak si Daniel sa showbiz noong 2010.

Pumatok ang tambalan nila ni Kathryn Bernardo sa prime-time series na Princess and I (2012-2013), at mula noon ay nakagawa sila ng apat na full-length teleserye at higit pitong pelikula.

Ilang beses ding pinuno ni Daniel ang Araneta Coliseum sa kanyang concerts.

OGIE diaz NO REGRETS OVER LOSING DANIEL padilla

Pero hindi raw nakaramdam ng panghihinayang si Ogie kahit napakawalan niya ang oportunidad na mag-manage ng isang big star sa showbiz.

"Sinasabi ko naman, 'Hindi ako nanghihinayang, kasi unang-una, hindi ako nag-invest ng emotion. Hindi ako nag-invest ng panahon. Hindi ako nag-invest ng pera para lumaki siya.

"Kasi ako, naniniwala na kung hindi ukol, hindi bubukol.

"Kung hindi kayo para sa isa't isa, gagawa si Lord ng paraan na hindi ka mapunta sa tao na yun o mapunta ka sa isang tao na siyang magiging tulay sa success ng buhay mo.

Continue reading below ↓

"Dapat isaksak ko 'yan sa utak ko. Huwag mo ipilit yung hindi para sa 'yo. Kasi baka pag pinilit mo, yun pa maging sanhi ng kamatayan mo, ng panghihina mo."

Ipinagmalaki rin ni Ogie na nananatiling mababa ang loob ng aktor sa kabila ng tinamasang kasikatan.

"Yung batang yun, tuwang-tuwa ako, kasi hanggang ngayon sobrang marespeto.

"Laki kasi sa showbiz, ang pamilya yung clan nila ang laki...

"Basta marespeto siya kaya tuwang-tuwa ako sa batang ito. Kaya mahal na mahal ko rin ito."

Patuloy ni Ogie: "Kaya kahit hindi napunta sa akin, hindi ako nanghihinayang. Mas naramdaman ko yung saya para sa kanya.

"Dahil sabi ko nga, kung sa akin napunta, baka hindi rin ganun kalaki ito. Baka di kami mag-gel, di ba?"

Sa puntong ito sinabi ni Ogie na ang tinutukoy niya ay walang iba kundi si Daniel.

Aniya, "So, kaya ako tuwang tuwa-kay Daniel Padilla."

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ogie Diaz (left) on Kapamilya star Daniel Padilla: "Yung batang yun tuwang-tuwa ako, kasi hanggang ngayon sobrang marespeto... Kaya kahit hindi napunta sa akin, hindi ako nanghihinayang. Mas naramdaman ko yung saya para sa kanya."
PHOTO/S: @ogie_diaz Instagram / Noel Orsal for PEP.ph
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results