Camille Prats gets mistaken for Camille Trinidad amid JaMill controversy: “You got the wrong ‘Camille’”

by Arniel C. Serato
Apr 23, 2021
Camille Prats clarifies confusion over top vloggers Camille Trinidad and Jayzam Manabat controversy: "Just to clarify something that started out as a joke/meme that I think lead to confusion, ibang Camille po iyon."
PHOTO/S: Courtesy: @camilleprats on Instagram

Nakatanggap ng mga mensahe mula sa concerned netizens ang Kapuso actress-TV host na si Camille Prats.

Ito ay matapos pumutok ang kontrobersiya ng top couple vloggers na sina Jayzam Manabat at Camille Trinidad o mas kilala bilang JaMill.

Ang isyu ay dahil sa pambababae ni Jayzam.

Dahil sa ingay sa social media na hatid ng pagkakalabuan ng dalawa, nakatanggap ng mensahe ang artistang si Camille mula sa mga nag-aalala sa kanyang kalagayan.

May mga nag-tag pa raw sa kanya at nag-post din ng mga larawan niya sa social media.

Kaya naman minabuti ni Camille na bigyang linaw ang nasabing kalituhan.

Sa kanyang Facebook kahapon, April 22, nag-post ang Mars host ng dalawang screenshots na mga mensaheng natanggap niya.

Isa sa mga ito ay "sinagot" niya. Paglilinaw Camille sa kanyang post, edited ang nasabing sagot niya.

Sabi ng netizen: “cheerup ate Camille, wag mo na balikan yung gago na yon, di mo deserve yung ganong unggoy na lalake”

Continue reading below ↓

Tugon ni Camille sa edited conversation, ibang “Camille” ang tinutukoy ng netizen.

Maayos at masaya rin daw ang pagsasama nila ng asawang si VJ Yambao, ayon pa sa edited na usapang natanggap niya.

Aniya, “Ibang Camille po ata tinutukoy nyo. Masaya po kaming nagsasama ng asawa ko at wala kaming problema.

“Never siyang nagloko sakin”

Caption ni Camille sa kanyang Facebook post, “Hi everyone!!!

“Been getting a lot of private messages like these. I was also getting tagged and my photo also being posted.

“Just to clarify something that started out as a joke/meme that I think lead to confusion, ibang Camille po iyon.

“The convo on the right was EDITED. I didn't reply to anyone just like the message shown below.

“Appreciate your kind messages guys but you got the wrong ‘Camille.’”

Continue reading below ↓

Happily married si Camille kay VJ. Mayroon silang dalawang anak—sina Nala at Nolan.

May anak din ang actress-TV host sa namayapang asawa noong si Anthony Linsangan, si Nathaniel.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Camille Prats clarifies confusion over top vloggers Camille Trinidad and Jayzam Manabat controversy: "Just to clarify something that started out as a joke/meme that I think lead to confusion, ibang Camille po iyon."
PHOTO/S: Courtesy: @camilleprats on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results