'70s singing heartthrob Victor Wood passes away at 75

by Jojo Gabinete
Apr 23, 2021
Sumakabilang buhay ang '70 singing heartthrob na si Victor Wood ngayong Biyernes ng umaga, April 23, dahil sa kumplikasyon sa COVID-19. Siya ay 75 taong gulang.
PHOTO/S: Facebook

Binawian na ng buhay ang Jukebox King na si Victor Wood.

Pumanaw si Victor sa New Era General Hospital, Quezon City, nitong Biyernes ng umaga, April 23.

Siya ay 75 years old.

Kumplikasyon sa COVID-19 ang sanhi ng pagpanaw ng singer-actor na namayagpag ang singing at acting career noong dekada ’70.

Ang "Mr. Lonely," "I’m Sorry My Love," "In Despair," "Wooden Heart" ang ilang sa mga kantang pinasikat ni Victor noong kapanahunan niya.

Ang Eagle Broadcasting Corporation ang isa sa mga unang nakiramay sa mga naulila ni Victor sa pamamagitan ng opisyal na pahayag sa Facebook page ng Net25.

Nakasaad sa kanilang tribute: "Victor Wood. Isa sa mga naging haligi para maging mas makulay at maunlad ang musikang Pilipino.

"Nakikiramay ang Eagle Broadcasting Corporation sa pamilya ng tinaguriang Jukebox King ng Pilipinas sa kanyang pagpanaw.

"Maraming salamat sa kanyang musika."

Net25 pays tribute to Victor Wood

Continue reading below ↓

Ang EBC Films, ang sister company ng Eagle Broadcasting Corporation, ang producer ng pelikula tungkol sa kuwento ng buhay ni Victor.

Si Mart Escudero ang napili ng EBC Films para magbigay-buhay sa katauhan ni Victor, pero hindi sila nagkaroon ng pagkakataong magkita nang personal.

Mart Escudero plays young Victor Wood

Continue reading below ↓

Mart Escudero (left) as young Victor Wood (right)

Sa panayam ng Cabinet Files kay Mart, sinabi nitong bawal lumabas ang mga senior citizen dahil sa coronavirus pandemic kaya hindi pa sila nagkikita at nagkakausap ni Victor noong nabubuhay pa ito.

Ikinalungkot ng mga nagmamahal kay Victor ang pagpanaw nito dahil hindi na niya nahintay mapanood ang kanyang filmbio.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sumakabilang buhay ang '70 singing heartthrob na si Victor Wood ngayong Biyernes ng umaga, April 23, dahil sa kumplikasyon sa COVID-19. Siya ay 75 taong gulang.
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results