Lovi Poe visits the grave of her dad at dawn

by Nitz Miralles
Dec 17, 2007
"Lagi ko siyang [FPJ] kinakausap at kinukuwentuhan ng mga nangyayari sa akin sa showbiz at sa studies ko. Miss ko na ang dad ko," says Lovi Poe.


Sa mga nakaraang presscon ng 2007 Metro Manila Film Festival entry na Shake, Rattle, & Roll 9, bago batiin ng press kung gaano siya kaganda, ang pananamit ni Lovi Poe ang nauunang purihin sa kanya. Nag-e-effort kasi talaga siyang magbihis, kahit the same faces of the press ang nakakaharap niya.



Ang naglabasang pimples sa mukha lang ang nakakasira sa total packaging ni Lovi. Nang punahin ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang kanyang pimples, dahil daw ‘yon sa puyat at stress sa Business Management course niya sa International Business School sa Makati City at sa puyatan at magdamagang taping ng Zaido.



Two years pa lang sa showbiz si Lovi at kinu-consider niyang big accomplishments ang release ng kanyang self-titled album, ang soap opera na Bakekang, at ang pagkakasama niya sa cast ng "Christmas Tree" episode ng Shake, Rattle & Roll 9, her first movie sa Regal Entertainment.


Hindi pa in-announce ng Regal, pero kasama raw si Lovi sa cast ng Ultramagnetic Love with the other young love teams na bini-build-up ni Mother Lily. Matutuwa nang husto ang young actress kung kabilang sa cast si Jewel Mische, one of her friends in showbiz.

Continue reading below ↓



Naalaala ng PEP na third death anniversary ng ama ni Lovi na si Fernando Poe Jr. noong December 14. Nabanggit ni Lovi na gaya noong nakaraang November 1, madaling-araw niyang dinalaw ang puntod ng ama noong Friday.



"Gaya ng dati, ang PA at driver ko ang kasama ko. Lagi ko siyang [FPJ] kinakausap at kinukuwentuhan ng mga nangyayari sa akin sa showbiz at sa studies ko. Miss ko na ang dad ko," sabi ni Lovi.



Bakit madaling-araw kung dalawin niya ang puntod ng ama? May iniiwasan ba siyang mga tao kaya gano'ng oras kung bumisita siya sa puntod ng ama?



"Wala akong iniiwasang tao," paglilinaw ni Lovi. "May commitment kasi ako during the day. Gusto ko ring maging solemn ang pagdalaw ko at hindi ako nagmamadali sa ganung oras."



Nabanggit ni Lovi na nami-miss na niya ang ama, tinanong namin siya kung anong partikular na bagay ang nami-miss niya noong nabubuhay pa ang Hari ng Pelikulang Pilipino.

Continue reading below ↓



"Everything about him and how things were when he was alive," saad ng dalaga.



To lighten up things, dahil napansin ng PEP na malungkot na ang mood ni Lovi, tinanong naman namin siya kung anong material thing ang gusto niya sa Pasko.



"My own business!" excited nitong sagot. "Gusto kong magtayo ng Filipino restaurant at may napili na akong pangalan. Sasabihin ko sa inyo, pero bawal pang isulat. Off-the-record muna at baka maunahan ako. Mag-iipon pa ako't matagal pa siyang maitatayo."



Gagawin daw ni Lovi ang lahat para matupad ang dream niya na magkaroon ng Filipino at Korean restaurant. Marunog daw siyang magluto at favorite niyang lutuin ang sinigang na butu-buto.

Read Next
Read More Stories About
Lovi Poe, Fernando Poe Jr.
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Lagi ko siyang [FPJ] kinakausap at kinukuwentuhan ng mga nangyayari sa akin sa showbiz at sa studies ko. Miss ko na ang dad ko," says Lovi Poe.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results