Derek Ramsay, Ellen Adarna share cozy beach photos

by Arniel C. Serato
Apr 25, 2021
Derek Ramsay and Ellen Adarna enjoy sweet love under the sun!
PHOTO/S: Courtesy: @maria.elena.adarna / @ramsayderek07 on Instagram

Sobrang ini-enjoy nina Derek Ramsay, 44, at Ellen Adarna, 33, ang kanilang relasyon.

Kahapon, April 24, magkasama sa isang beach getaway ang engaged couple kasama ang anak ni Ellen kay John Lloyd Cruz na si Elias Modesto.

Sa mga ibinahaging larawan ni Derek, kitang-kita ang pagmamahalan nila habang naglambingan sa tabing-dagat.

Derek Ramsay and Ellen Adarna beach photos

Continue reading below ↓

Caption niya, “I look forward to more of this love.”

Instagram: Derek Ramsay and Ellen Adarna cozy beach photos

“I love you,” naman ang komento ni Ellen sa post ng fiancé.

Instagram: Ellen Adarna reacts to Derek post

Continue reading below ↓

Sa isa pang post ni Derek, makikitang lumalangoy naman sila ni Ellen kasama si Elias sa swimming pool ng vacation home ng kanilang kaibigang designer na si Rajo Laurel.

Caption niya, “Life is good!”

Instagram: Derek Ramsay and Ellen Adarna with Elias

Sa kanyang panig, nagbahagi naman ng iilang larawan si Ellen na nagpapakitang summer ready na silang magkarelasyon.

Continue reading below ↓

Lutang na lutang ang kaseksihan ni Ellen sa mga larawan.

Tanging caption niya ay ang pag-tag sa Instagram handle ni Derek.

View this post on Instagram

A post shared by EA (@maria.elena.adarna)

Komento ng Kapuso actor, “Love you dai”

Instagram: Derek Ramsay says i love you to Ellen Adarna

February 26, 2021, eksklusibong umamin sina Derek at Ellen na magkarelasyon na sila sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Isang buwan pa lamang daw noon ang itinagal ng kanilang pagmamahalan.

Continue reading below ↓

March 30 naman na-engage ang dalawa.

Pinag-uusapan na rin daw nila ang pagpapakasal.

Nitong nakaraang linggo lamang inamin ni Derek na nakatira na sa kanyang bahay sa Ayala, Alabang si Ellen.

Bago pa rito, magkapitbahay sila sa nasabing village.

HOT STORIES

Use these Klook promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Derek Ramsay and Ellen Adarna enjoy sweet love under the sun!
PHOTO/S: Courtesy: @maria.elena.adarna / @ramsayderek07 on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results