Andrea Torres on ex-boyfriend Derek Ramsay: "If he truly respects me and my family, he'll let us have our peace."

by Arniel C. Serato
Apr 26, 2021
After almost six months, Andrea Torres reveals she has moved on from her breakup with ex-boyfriend Derek Ramsay.
PHOTO/S: Noel Orsal

Naka-move on na raw si Andrea Torres mula sa hiwalayan nila ng ex-boyfriend na si Derek Ramsay.

Anim na buwan na ngayon matapos maghiwalay ang dalawa noong October 2020.

Sa internal press conference para sa kinabibilangan niyang bagong teleserye ng GMA-7 na Legal Wives noong nakaraang linggo, ipinakita ng 30-year-old actress na naalpasan na niya ang hinagpis mula sa hiwalayan nila ni Derek.

"It's been months," sagot ni Andrea nang mausisa tungkol sa ibinulgar ng 44-year-old Kapuso actor na siya ang nakipaghiwalay sa kanya.

Sa panayam kay Derek sa radio program na Cristy PerMinute noong April 20, sinabi niyang siya ang nakipaghiwalay kay Andrea.

Ayon sa artikulo ng GMA News Online na lumabas ngayong araw, April 26, sinabi ni Andrea na hindi na kailangang iladlad sa publiko ang detalye tungkol sa hiwalayan nila ni Derek dahil wala naman daw magandang maidudulot ito sa kanila.

Deklarasyon pa niya habang nakangiti tungkol sa hiwalayan nila ni Derek, "I've moved on."

Continue reading below ↓

Dagdag pa niya, "If he truly respects me and my family, he'll let us have our peace."

"AKO YUNG NAKIPAGKALAS"

Ayon sa panayam kay Derek ni Fermin, pinagsisihan daw niyang sa telepono lamang siya nakipagkalas kay Andrea.

Saad niya, “Yung sa amin ni Andrea, it was actually may problema na nangyari na, I guess, nagbigay sa akin ng sign na, I think, this relationship we have, our views on this... yung problemang ‘yon, yung values namin, ng isa’t isa, is not the same.

"Hindi mali yung values niya, hindi mali yung values ko. Pero ganito ako pinalaki, ganoon siya pinalaki.

"Hindi ko na aatakihin ‘yon, hindi ko siya babaguhin. Hindi niya ako babaguhin.

"So I told her, 'I think that this is the end of this relationship because we cannot see eye to eye on this matter.

"'So I think it’s just best na kumalas na tayo ngayon rather than lalaki pa, and then two, three years down the road, maghihiwalay tayo.

Continue reading below ↓

"'Babalikan natin ito kasi nga iba ang views natin sa problemang ‘yan, and it’s a waste of time and it’s a waste of effort… masakit, di ba?'"

Hindi naman direktang tinukoy ni Derek ang dahilan ng pakikipaghiwalay niya sa aktres.

Sabi nito, "So, ako yung nakipagkalas.

"Sa phone po namin… 'yon lang yung siguro kung may regret ako is that it came up over the phone.

"Actually, dapat magkikita kami noon, ang nangyari, it came up over the phone, pero with no disrespect.

"Hindi namin dinisrespect ang isa’t isa. She agreed also."

Masaya naman ngayon si Derek sa bago niyang karelasyong si Ellen Adarna.

Sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) unang inamin ng dalawa ang kanilang relasyon noong February 26, 2021.

March 30 nang ma-engage sina Derek at Ellen ang dalawa.

Sa ngayon ay abala naman si Andrea sa taping ng bago niyang primetime series sa Kapuso network, ang Legal Wives.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
After almost six months, Andrea Torres reveals she has moved on from her breakup with ex-boyfriend Derek Ramsay.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results