Former President Joseph Estrada discharged from the hospital after battling COVID-19

by Arniel C. Serato
Apr 26, 2021
Former Senator Jinggoy Estrada on his father, former President Joseph Estrada (in photo): "Our family is overjoyed to announce that our father will finally be discharged from the hospital today."
PHOTO/S: Courtesy: Jinggoy Estrada / GMA News on Facebook

Sa wakas ay makakalabas na sa ospital si dating Pangulong Joseph Estrada ngayong Lunes, April 26, mula sa halos isang buwang pagkakaratay roon.

Naospital ang 84-year-old former actor-politician dahil sa nagpositibo siya sa COVID-19.

Ayon sa panganay niyang anak na si dating senador Jinggoy Estrada, masaya ang kanilang buong angkan na ligtas na sa kapahamakan ang dating Pangulo.

Saad ni Jinggoy sa bagong medical bulletin sa kanyang Facebook ngayong araw, April 26, malaki ang pasasalamat nila sa mga doktor ng ama na nag-alaga rito mula March 28, 2021.

Ganundin daw sa Panginoon na hindi pinabayaan ang nakakatandang Estrada, at sa lahat ng nagdasal para sa ikagagaling nito.

Narito ang buong anunsiyo ni Jinggoy:

“MEDICAL BULLETIN OF FMR. PRES JOSEPH EJERCITO ESTRADA

“Our family is overjoyed to announce that our father will finally be discharged from the hospital today.

“We would like to express our gratitude to his doctors for their expertise and care.

Continue reading below ↓

“We would like to thank everyone who prayed with us and supported us through this harrowing experience.

“But most of all, we would like to thank our Lord Almighty for His love and guidance through all of this.

“Muli, maraming maraming salamat sa inyong lahat!!!"

Isinugod ang dating Pangulo at mayor ng Maynila sa ospital dahil nagpositibo ito sa COVID-19.

Continue reading below ↓

April 6, kinabitan siya ng mechanical ventilator dahil nahirapan itong huminga.

Nagnegatibo siya sa COVID-19 noong April 13.

April 20, nakalabas si Estrada sa intensive care unit (ICU) at inilipat sa regular room.

At ngayong araw, April 26, makakauwi na ang dating Pangulo sa kanilang bahay.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Former Senator Jinggoy Estrada on his father, former President Joseph Estrada (in photo): "Our family is overjoyed to announce that our father will finally be discharged from the hospital today."
PHOTO/S: Courtesy: Jinggoy Estrada / GMA News on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results