Darren Espanto ribbed about "ka-ibigan" Cassy Legaspi; Darren's dad reacts

by Rachelle Siazon
Apr 27, 2021
Pinagkaisahan nina Robi Domingo, Maymay Entrata, at AC Bonifacio na tuksuhin si Darren Espanto (kaliwa) sa hinihinalang sinisinta nitong si Cassy Legaspi (right). Pati ang ama ni Darren na si Lyndon Espanto ay nagpahiwatig na nagkita na sina Darren at Cassy.
PHOTO/S: @darrenespanto / @cassy Instagram

Nalagay sa hot seat si Darren Espanto, 19, ng mga katrabahong pilit na binubuking ang hinihinalang pagsinta niya para kay Cassy Legaspi, 20.

Kasamang naka-Zoom ni Darren sina Robi Domingo, Maymay Entrata, at AC Bonifacio para sa live stream ng ASAP Natin 'To sa iWant nitong Linggo, April 25.

Dito ay kunwa'y tinawag ni Robi na "Cassy" si Darren para pabirong ilaglag ito.

"Cassy... Cassy tuloy... Darren," unang hirit ni Robi.

Napapangiting sabi ni Darren, "Kuya Robi, wala si Cassy dito."

Panunukso naman ni Maymay, "Welcome back, Darren! May pa-flowers ka pa kay ano, a! Yihee!"

Reaksiyon ni Robi, "May flowers pa?! E, Cassy naman, Cassy naman... In love na in love, e!"

Halatang pinalitan ni Robi ng pangalan ni Cassy sa halip na gamitin ang salitang "kasi naman" base sa pagkakabigkas niya ng Cassy.

"KA-IBIGAN IS GREATER THAN KAIBIGAN."

Maya-maya pa ay inasar ulit ni Robi si Darren, na ngayong nakabalik na sa Pilipinas mula sa isang taon nitong pananatili sa Canada ay halatang prayoridad daw nito si Cassy.

Continue reading below ↓

"Gusto mo yung totoo?" tanong ni Robi.

"Kuya, huwag na lang!" natatawang sagot ni Darren.

Singit ni AC, "Yung totoo, Kuya Robi!"

Patuloy ni Robi: "Matagal na nakauwi si Darren. Pero hanggang ngayon wala pa kaming pasalubong. Mas nauna pa nagkaroon ng pasalubong yung kabila."

Malinaw na ang tinutukoy ni Robi na "kabila" ay si Cassy na taga-Kapuso network, habang sina Robi, Darren, AC, at Maymay ay pare-parehong taga-ABS-CBN.

Hirit naman ni Maymay, "Kuya Robi, intindihin na lang natin. Matatalo talaga ang kaibigan versus dun sa kare..."

Bitin ang sinabi ni Maymay dahil tinakpan niya ang bibig bago makumpleto ang salitang "karelasyon."

Pero hindi nakaligtas si Darren kay Robi.

Napapangiting panunukso ni Robi kay Darren, "So, ka-ibigan is greater than kaibigan."

Asap Natin To Zoom interview with Robi Domingo, Maymay Entrata, AC Bonifacio, Darren Espanto

Continue reading below ↓

DARREN'S DAD HINTS AT DARREN VISITING CASSY

Pati mismo ama ni Darren na si Lyndon "Don" Espanto ay nakisali sa pambubuking sa Kapamilya singer.

Ni-repost sa Instagram ng fans nina Cassy at Darren o CassRen ang video ng pang-aasar kay Darren nina Robi, Maymay, at AC.

Sa Instagram account ni @cassrenlove26 nag-iwan ng komento si Don na halatang naaliw rin sa panunukso kay Darren kay Cassy.

"Ha ha ha paktay. Nagisa na naman si D," saad ni Don kalakip ng laughing with tears emojis.

Don Espanto teases son Darren

Continue reading below ↓

Sagot ni @cassrenlove26, "Aminado na naman daw po anak nyo daddy. Hindi na tinatanggi hahaha matapang na tao na."

Fans teases Darren Espanto with Cassy Legaspi

Sagot uli ng ama ni Darren, "@cassrenlove26 mukha nga. May proof pa nga ako nakita eh he he."

Fans teases Darren Espanto with Cassy Legaspi

Continue reading below ↓

Komento naman ng isa pang fan na si @cassrenforevs, "Hi Daddy Don, it's been a while po Gusto ko lang pong iparating sa inyo na hindi po mabagal anak niyo, ang bilis po pala niya, ang bilis pong makarating sa Pasig eh, dejk."

Fans teases Darren Espanto with Cassy Legaspi

Sagot ni Don, "@cassrenforevs mukhang na challenge sa mga pahaging ko eh he he."

Continue reading below ↓

Fans teases Darren Espanto with Cassy Legaspi

Na-excite naman ang CassRen fans sa "proof" na binanggit ng ama ni Darren at nakiusap sila kung pwedeng i-share kung anuman iyon.

Sa puntong ito nagpahiwatig si Don na tila binisita na nga ni Darren si Cassy.

Sabi ng ama ni Darren: "Nakaka aliw kayo mag isip ha ha [peace emoji].

Continue reading below ↓

"Proof that D had a courtesy visit with his 'friends' just like what Robi said [smile with tongue sticking out emoji].

"Baka lang alphabetical order kaya yan C-ya ang nauna he he."

Dad Don Espanto hints about Darren visiting Cassy

Mahihinuhang ang "C-ya" na tinukoy ni Don ay tila walang iba kundi si Cassy.

Tuwang-tuwa naman ang CassRen fans dahil walang kawala si Darren hindi lang sa panunukso ng mga kaibigan kundi ng sariling ama ng binata.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Use these Lalamove promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pinagkaisahan nina Robi Domingo, Maymay Entrata, at AC Bonifacio na tuksuhin si Darren Espanto (kaliwa) sa hinihinalang sinisinta nitong si Cassy Legaspi (right). Pati ang ama ni Darren na si Lyndon Espanto ay nagpahiwatig na nagkita na sina Darren at Cassy.
PHOTO/S: @darrenespanto / @cassy Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results