Makati prosecutors junk rape-homicide charges against 11 respondents in Dacera case

by Arniel C. Serato
Apr 27, 2021
The Makati Prosecutor's Office has junked the criminal complaint filed by the Philippine National Police against eleven respondents (9 in photo, right) in connection to Christine Dacera's (left) death last January 1, 2021.
PHOTO/S: Courtesy: @xtinedacera on Instagram / Fund The Truth on Facebook

Ibinasura ng Makati Prosecutor’s Office ang reklamong rape with homicide na isinampa ng Philippine National Police (PNP) laban sa labing-isang (11) indibidwal na idinawit sa kamatayan ng flight attendant na si Christine Dacera.

Si Christine ay natagpuang patay sa banyo ng kuwartong nirentahan nila sa City Garden Grand Hotel sa Makati City noong January 1, 2021 matapos nilang magdaos ng New Year's Eve party mula gabi ng December 31, 2020.

Ayon sa desisyon ng piskalya, hindi nila nakitaan ng sapat na ebidensiya ang reklamo laban sa respondents kaugnay sa reklamong kriminal na isinampa ng PNP.

Dahil dito, hindi raw tatayo sa korte ang reklamo.

Kasama sa respondents na inabsuwelto ng piskalya sina John Pascual dela Serna III, Rommel Galido, John Paul Halili, Gregorio Angelo Rafael de Guzman, at Jezreel Rapinan (alias Clark Rapinan).

Kabilang din sa kanila sina Alain Chen (aliases Valentine Rosales and Val), Mark Anthony Rosales, Reymar Englis, Louie Delima, Jamyr Cunanan, at Eduard Pangilinan III (naunang natukoy bilang Ed Madrid).

Continue reading below ↓

Mensahe ng abugado ng Top 5 respondents na si Atty. Mike Santiago sa ulat ng GMA News Online ngayong araw, April 27, “Justice has prevailed.”

Ang tinaguriang Top 5 respondents sa reklamo ay sina Valentine, Clark, JP, Rommel, at Gigo.

Ayon pa sa GMA News Online, hindi pa natatanggap ng kampo ni Dacera ang resolusyon ng korte na inihanda ni Makati Assistant City Prosecutor Joan Bolina-Santillan.

Sabi ng isa sa abugado ng pamilya Dacera na si Jose Ledda III, “We will talk to the client regarding this.

"As what we have consistently said, we will exhaust all remedies under the law to protect the rights of our client."

Samantala, hindi pa naaaksiyunan ng korte ang isinampang reklamo ng National Bureau of Investigation (NBI).

Kabilang sa reklamo ng ahensiya laban sa respondents ang paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act, perjury, obstruction of justice, at reckless imprudence resulting in homicide.

Nauna nang itinanggi ng respondents sa reklamo na may foul play sa nangyari kay Christine.

Continue reading below ↓

Base sa mga pagsusuri ng Philippine National Police Crime Laboratory, namatay si Dacera dahil sa ruptured aortic aneurysm.

Gayundin sa natuklasan ng NBI sa sarili nilang pagsusuri sa mga labi ng namatay.

Binalak magsampa ng kontra-demanda ng respondents laban sa ina ni Christine na si Sharon Dacera at sa ibang pulis na nandamay sa kanila sa pagkamatay ng kanilang kaibigan.

Pero hindi pa nila ito nagagawa.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The Makati Prosecutor's Office has junked the criminal complaint filed by the Philippine National Police against eleven respondents (9 in photo, right) in connection to Christine Dacera's (left) death last January 1, 2021.
PHOTO/S: Courtesy: @xtinedacera on Instagram / Fund The Truth on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results