How Ogie Diaz resolved conflict with Vhong Navarro who disliked him two decades ago

by Rachelle Siazon
Apr 29, 2021
Kuwento ni Ogie Diaz sa PEP.ph, sabi raw ni Vhong Navarro tungkol sa kanya, "'Ito, nung araw galit ako dito, e. Hindi ko alam magiging close ko pala siya sa personal.'"
PHOTO/S: Screengrab from Pwedeng Pwede / Super Laff-In

Napatunayan ni Ogie Diaz, 51, na maliit lang ang mundo ng showbiz noong panahong may alitan sila ni Vhong Navarro, 44.

Taong 1999, o mahigit dalawang dekada na ang nakararaan, nang maging co-stars sila sa Kapamilya sitcom na Pwedeng Pwede.

Bida rito sina Robin Padilla, Redford White, Nida Blanca, at Kris Aquino. Kasama rin sa cast sina Palito, Vanessa del Bianca, at Marissa Sanchez.

Tumagal sa ere ang sitcom mula September 1999 hanggang October 2001.

Sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), pa-blind item muna nang ikuwento ni Ogie ang tungkol sa isyu sa kanya ni Vhong.

"Meron isang artista na kapag nakikita ako, e, yumuyuko. Ayaw niya akong makita.

"So, nung nagkaroon kami ng sitcom, nalungkot siya nung nabalitaan niyang kasama ako sa sitcom," balik-tanaw ni Ogie.

Lumalabas na alangan daw sa kanya si Vhong dahil kilala siyang showbiz reporter at tila minsan na niyang nasaling ang aktor dahil sa kung anumang kinasangkutan nitong intriga noon.

Continue reading below ↓

Gumawa raw si Ogie ng paraan para masinsinang kausapin si Vhong.

"So, diniresto ko sa dressing room. Sabi ko sa kanya, 'Alam mo, hindi ako reporter ngayon. Isa akong artista, isa akong komedyante ngayon.

"'Kung anuman ang feeling mo kasalanan ko sa iyo, or may pagkakataon na tinitira kita dati, sorry. Patawarin mo ako.

"'Ayoko lang na may katrabaho na mabigat ang loob sa akin kasi masisira yung brand of comedy ko kung alam kong may kasama akong tao na ayaw sa akin,'" mapagkumbabang sabi ni Ogie kay Vhong.

Dagdag ni Ogie sa PEP.ph, "Mula noon, sobrang close na kami.

"Ang liit-liit ng industriya para lumikha ka ng kaaway, tapos ikaw din ang yuyuko pag nakasalubong mo kasi ayaw mo makita, di ba?"

OGIE diaz INTERCEDES FOR VHONG TO MEET HIS ELDEST SON

Napatunayan daw ni Vhong ang katapatan ni Ogie noong panahong nagkaroon ng anak si Vhong sa dati nitong partner.

Continue reading below ↓

Tila hiwalay na ang magkasintahan nang ipinanganak ang sanggol, at naging daan si Ogie para makilala ni Vhong ang panganay nitong anak.

Naging kumare ni Ogie ang dating partner ni Vhong, pero hindi na niya binanggit ang pangalan nito.

"Itong kumare kong naanakan niya, na-realize niya na hindi niya pwede itago sa tatay yung anak kasi naghahanap ng father figure yung anak.

"So, I was the one who helped my kumare na maging tulay ako para magkakita sila nung bata. So, gumawa ako ng paraan."

Pinayuhan daw ni Ogie si Vhong na kitain ang anak nitong hindi pa niya kailanman nasisilayan.

Hindi raw maikakaila na kawangis ni Vhong ang anak nito.

Kuwento ni Ogie: "And then, nung nagkita sila, sabi ko, 'Pare, ikaw iyan. Tingnan mo yung mukha ng bata, parang ikaw nung bata. Anak mo iyan.'

"So, yun nga, lukso ng dugo. Anak nga niya. Mula nun, sobrang close kami."

Continue reading below ↓

Hindi lang daw sila basta magkaibigan ni Vhong kundi magkumpare rin.

Ani Ogie, "Kinuha ko pang ninong ng anak ko. Ninong din ako ng anak niya.

"Tapos ang nakakatuwa nito, ninang ng panganay kong anak yung naanakan niya."

Ogie Diaz and Vhong Navarro in Pwedeng Pwede

TRIED-AND-TESTED FRIENDSHIP

Natutuwa raw si Ogie dahil nanatiling malapit silang magkaibigan ni Vhong sa paglipas ng higit dalawang dekada.

Continue reading below ↓

Ang tagal ng pagkakaibigan nila ay halos kasing-edad ng panganay na anak ni Vhong na si Frederick, na 23 years old na ngayon.

Noong August 2020, nagtapos ng kursong Information Technology si Frederick sa University of Sto. Tomas Institute of Information and Computing Sciences sa Manila.

Sabi pa ni Ogie hinggil kay Vhong: "Kaya lagi niya akong pinagmamalaki sa friends niya. 'Ito, nung araw galit ako dito, e. Hindi ko alam magiging close ko pala siya sa personal.'

"Sinasabi ng mga friends ko [na friends ni Vhong] dahil nakakarating sa akin.

"'Di ko alam dahil sa kanya makikilala ko yung anak ko na panganay.'"

Sa puntong ito ng panayam ng PEP.ph sinabi ni Ogie na ang kanyang pa-blind item na kuwento ay tungkol sa It's Showtime host na si Vhong.

Ani Ogie, "Kaya ang ending, ako yung instant ninong ng isa niyang anak. Iyan ay si Vhong Navarro.

"Ganun kami ni Vhong. Sobra kaming close. Pag nag-uusap kami, walang showbiz.

Continue reading below ↓

"Kaya lagi niya sinasabi, 'Ito, kapag kausap mo, hindi reporter. Hindi mo kailangan sabihan na off the record.'

"Alam niya kasi na kapag sa kanya sinabi, sa kanya lang. Ganun kami.'"

Ogie Diaz, Vhong Navarro

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kuwento ni Ogie Diaz sa PEP.ph, sabi raw ni Vhong Navarro tungkol sa kanya, "'Ito, nung araw galit ako dito, e. Hindi ko alam magiging close ko pala siya sa personal.'"
PHOTO/S: Screengrab from Pwedeng Pwede / Super Laff-In
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results