Jolo Revilla apologizes for erroneous post about Ferdinand Magellan on Lapulapu’s 500th year victory in Battle of Mactan

by Arniel C. Serato
Apr 27, 2021
Cavite Vice Governor Jolo Revilla in a now deleted Facebook post mistakenly mentioned Ferdinand Magellan as the first Filipino hero in the Battle of Mactan instead of Lapulapu.
PHOTO/S: Courtesy: Jolo Revilla on Facebook

Humingi ng dispensa si Cavite Vice Governor at aktor na si Jolo Revilla sa maling post niya tungkol sa selebrasyon ng historic Battle of Mactan ngayong araw, April 27.

Ang Battle of Mactan ay nangyari noong April 27, 1521 kung saan nagapi ng grupo ni Lapulapu, isa sa mga datu ng Mactan sa probinsiya ng Cebu, ang grupo ng mananakop na Portuguese explorer na si Ferdinand Magellan.

Nakalagay sa post ni Jolo, “Isang pagsaludo sa kagitingan ng isa sa mga unang bayani ng bayan na si Ferdinand Magellan na nagbuwis ng kanyang buhay para sa kalayaan 500 taon na ang nakaraan.

“April 27, 500th Anniversary of the Victory at Mactan.”

Makikita sa post ni Jolo ang monumento ni Lapulapu.

Jolo Revilla post about Ferdinand Magellan

Continue reading below ↓

Dahil sa dulot na kalituhan, agad na binura sa Facebook ni Jolo ang kanyang post.

Humingi rin siya kaagad ng paumanhin sa pangyayari.

Itinuro naman niya ang intern sa kanilang social media team na hindi raw pinaaprubahan ang meme bago i-post.

Buong pahayag ni Jolo: “I apologize for the earlier confusing post on our celebration of Lapu-lapu's victory in Mactan 500 years ago.

“An intern in our social media team posted the caption to our meme without first clearing it.

“Again, my sincerest apologies to our Cebuano kababayans and to all Filipinos.”

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Cavite Vice Governor Jolo Revilla in a now deleted Facebook post mistakenly mentioned Ferdinand Magellan as the first Filipino hero in the Battle of Mactan instead of Lapulapu.
PHOTO/S: Courtesy: Jolo Revilla on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results