Joshua Garcia marks 7th year in showbiz; excludes Julia Barretto from his memorable photos

by Rachelle Siazon
Apr 27, 2021
Netizens noticed that Joshua Garcia did not include former love team partner Julia Barretto in his photos about his milestones in showbiz in the last seven years. Seen in the right photo is Joshua's solo outtake from a music video that he did with Julia.
PHOTO/S: @garciajoshuae Instagram

Ngayong Martes, Abril 27, naalala ni Joshua Garcia na pitong taon na ang nakalipas mula nang una siyang sumabak sa showbiz.

Sa pamamagitan ng kanyang Instagram account, nagbahagi si Joshua ng ilang litrato mula sa mga hindi niya malilimutang milestones sa kanyang karera.

Pero kapansin-pansing sa sampung litrato na ibinahagi ni Joshua, hindi niya isinama ang former reel-and-real-life sweetheart na si Julia Barretto.

Nagkatrabaho sina Joshua at Julia sa limang pelikula—Vince & Kath & James (2016); Love You To The Stars And Back (2017); Unexpectedly Yours (2017); I Love You, Hater (2018), at Block Z (2020).

Nagkatambal din sila sa ABS-CBN prime-time series na Ngayon at Kailanman (2018-2019).

Si Janella Salvador ang tanging leading lady ni Joshua na kasama sa mga litratong ipinost ng binata.

Wala namang partikular na eksplanasyon na ibinigay si Joshua tungkol sa mga napili niyang mga litrato.

Sabi lang ng 23-year-old Kapamilya actor sa kanyang caption: "Celebrating my 7th year in showbiz... I miss acting so much, and I hope everything goes back to the way it used to be. Stay safe everyone, and I love you all."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Narito ang mga litratong ibinahagi ni Joshua:

JOSHUA WITH OLIVE LAMASAN

Nagbahagi si Joshua ng litrato nila ng Star Cinema managing director na si Olivia Lamasan, aka Inang.

Noong December 2020, sinabi ni Joshua sa PEP Exclusives na malaki ang pasasalamat niya sa paggabay sa kanya ni Lamasan pagdating sa kanyang showbiz career.

Joshua Garcia with Olive Lamasan

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

JOSHUA WITH NORA AUNOR

Nagbigay-pugay si Joshua kay Nora Aunor nang magkrus ang landas ng dalawa sa parada ng Metro Manila Film Festival 2016.

Si Nora ay bida ng Kabisera, habang si Joshua ay bida ng Vince & Kath & James.

Joshua Garcia with Nora Aunor

JOSHUA AS AN ILL PATIENT

Ibinahagi rin ni Joshua ang litrato na siya ay may prosthetics na kalbo para sa pelikulang Love You To The Stars And Back.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Gumanap siya roon bilang isang lalaking may sakit na leukemia.

Joshua Garcia in Love You To The Stars And Back

JOSHUA WITH JANELLA

Ipinakita ni Joshua ang litrato nila ni Janella na kuha sa presscon ng The Killer Bride.

Bukas sila sa pagsasabing naging magkaibigan sila habang ginagawa ang prime-time series na The Killer Bride, na umere mula August 2019 hanggang January 2020.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Joshua Garcia with Janella Salvador in The Killer Bride

AT A MALL SHOW

Sinariwa rin ni Joshua ang panahong nagpe-perform siya sa mall show sa harap ng maraming tao.

Ngayong panahon ng pandemya, ipinagbabawal pa rin ang mass gathering sa events na tulad nito.

Joshua Garcia at a mall show

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

JOSHUA WITH MCCOY

Ang larawang ito ay kuha noong nagkatrabaho sina Joshua at McCoy de Leon sa ABS-CBN prime-time series na The Good Son.

Umere iyon mula September 2017 hanggang April 2018.

Joshua Garcia with Mccoy de Leon in The Good Son

JOSHUA'S BIRTHDAY PARTY

Noong October 7, 2019, nagdiwang si Joshua ng kanyang ika-22 kaarawan sa isang fast food chain restaurant na kanyang ineendorso.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Joshua Garcia 22nd birthday party

TIME-OUT WITH COLLEAGUES

May group photo ring binahagi si Joshua kunsaan makikitang kasama niya ang kanyang Star Magic handler na si Nhila Mallari.

Joshua Garcia with Star Magic handler Nhila Mallari

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

JOSHUA AS A SOLDIER

Hindi rin malilimutan ni Joshua ang pagganap niya bilang Paquit, isang sundalong pumanaw dahil sa Zamboanga siege noong 2013, sa "Medalya" episode ng Maalaala Mo Kaya na umere noong 2019.

Joshua Garcia in MMK Medalya episode

JOSHUA ON PAUBAYA MV

Pinakahuling litratong ipinost ni Joshua ay isang outtake nang maging bahagi siya sa music video ng kanta ni Moira na "Paubaya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa litrato, nakayuko si Joshua habang naglalakad papalayo ng altar

Matindi ang hugot ng music video na iyon kunsaan katambal niya ang dating kasintahang si Julia.

Sa huling bahagi ng music video ay naghiwalay ang kanilang mga karakter at naglakad si Joshua papalayo kay Julia.

Joshua Garcia on Paubaya MV

NETIZENS' REACTIONS

Sa comments section, may ilang netizens ang nakapansing hindi kasama si Julia sa mga litratong pinost ni Joshua.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

netizens notice julia barretto not part of joshua garcia post

Pero karamihan ay binati si Joshua sa tagumpay na nakamit nito sa sandaling panahong siya ay artista.

netizens congratulate joshua garcia on career anniversary

netizens congratulate joshua garcia on career anniversary

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

netizens congratulate joshua garcia on career anniversary

HOT STORIES

Use these Shopee vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Netizens noticed that Joshua Garcia did not include former love team partner Julia Barretto in his photos about his milestones in showbiz in the last seven years. Seen in the right photo is Joshua's solo outtake from a music video that he did with Julia.
PHOTO/S: @garciajoshuae Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results