Valentine Rosales, Rommel Galido celebrate dismissal of Dacera case

by Arniel C. Serato
Apr 27, 2021
Valentine Rosales (left) and Rommel Galido (right) post celebratory messages following court's decision junking the rape with homicide complaint filed against them in connection to Christine Dacera's (center) death.
PHOTO/S: Courtesy: @valentinersls / @xtinedacera / @rom_tisoy on Instagram

Ipinagbunyi ng ilan sa respondents sa Christine Dacera case ang pagbasura ng Makati Prosecutor's Office sa reklamong rape with homicide na inihain ng Philippine National Police (PNP) laban sa kanila.

Sa kani-kanilang social media accounts, nag-post sina Valentine Rosales at Rommel Galido ng celebratory messages sa naging desisyon ng korte.

Ayon kay Valentine, answered prayers ito ng kanilang kampo laban sa mapanirang reklamong ibinabato sa kanila.

Post niya sa Facebook ngayong araw, April 27: “CASE DISMISSED

"TRUTH PREVAILED! NAKAKAIYAK!!! THANK YOU GOD! FOR THE ANSWERED PRAYERS [praying hands emoji]

“Philippians 4:6-7 do not be anxious about anything, but in everything by prayer and supplication with thanksgiving let your requests be made known to God.

“And the peace of God, which surpasses all understanding, will guard your hearts and your minds in Christ Jesus.”

Continue reading below ↓

Nagbahagi rin siya ng Bible verse mula sa Exodus: “Thank God and PRAISE HIM! Because the TRUTH came out, and true to God’s word in Exodus 14:14 ‘The Lord will fight for you and you shall hold your peace!’”

Nag-post din si Valentine sa kanyang Instagram Stories ng mensahe tungkol sa pagkabasura ng reklamo.

Continue reading below ↓

Nakalagay sa kanyang post, “CASE DISMISSED [praying hands emojis] THANK YOU GOD!”

IG Story: Valentine Rosales celebrates Dacera case dismissal

Si Rommel naman ay nagbahagi sa Instagram Stories ng screenshot ng resolusyon ng Makati Prosecutor’s Office.

Caption niya, “Case dismissed [fist, praying hands emojis]”

IG Story: Rommel Galido celebrates Dacera case dismissal

Continue reading below ↓

LACK OF PROBABLE CAUSE

Hindi nakitaan ng piskalya ng sapat na ebidensiya ang reklamo laban sa 11 respondents sa Dacera case kaya hindi na aakyat sa husgado ang reklamo para sa pormal na paglilitis.

Bukod kina Rosales at Galido, ang siyam pang respondents ay sina JP Dela Serna, Louie De Lima, Mark Anthony Rosales, John Paul Halili, Gigo de Guzman, Clark Jezreel Rapinan, Rey Englis, Jammyr Cunanan, at Ed Madrid Pangilinan.

Hindi pa naglalabas ng resolusyon ang korte tungkol naman sa reklamo ng National Bureau of Investigation (NBI) na may kaugnayan sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act, perjury, obstruction of justice, at reckless imprudence resulting in homicide.

Natagpuang wala nang buhay si Dacera sa banyo ng kuwartong nirentahan nilang magkakaibigan sa City Garden Grand Hotel sa Makati noong January 1, 2021 matapos silang magdaos ng New Year’s Eve Party mula gabi ng December 31, 2020.

Ayon sa resulta ng medico-legal examination ng Philippine National Police Crime Laboratory, walang foul play sa pagkamatay ng flight attendant dahil ruptured aortic aneurysm ang sanhi ng kanyang kamatayan.

Continue reading below ↓

Wala pang pahayag na inilalabas ang kampo ng pamilya Dacera kaugnay ng desisyon ng Makati Prosecutor's Office.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Valentine Rosales (left) and Rommel Galido (right) post celebratory messages following court's decision junking the rape with homicide complaint filed against them in connection to Christine Dacera's (center) death.
PHOTO/S: Courtesy: @valentinersls / @xtinedacera / @rom_tisoy on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results