Jelai Andres lashes back at husband Jon Gutierrez for defending his mistress: "Pag kabit mo na-hurt, magwawala ka." 

by Rachelle Siazon
Apr 28, 2021
Jelai Andres on estranged husband Jon Gutierrez: "Asawa ka, legal wife ka, ba't di ka lalaban? E, kaso nagmanman ako. Nagka-private investigator ako. GG, finish na. Wala na, hindi na ma-deny."
PHOTO/S: @jelaiandresofficial / @easymoneybadger Instagram

Hindi nakapagtimpi si Jelai Andres at tahasang tinirada ang "kababuyan" na ginawa sa kanya ng mister na si Jon Gutierrez.

Kaugnay pa rin ito ng natuklasan ni Jelai na pambababae muli umano ni Jon matapos nilang magbalikan kamakailan.

Si Jelai, 29, ay may 2.6M followers sa Facebook, at may 1.9M followers din si Jon sa sarili niyang account. Si Jon, 29, ay kilala rin bilang “King Badger” ng hip-hop group na Ex-Battalion.

Kontrobersiyal ang hiwalayan nila noong April 2019 dahil naugnay si Jon sa isang babaeng naging dahilan ng breakup nila ni Jelai noong panahong magkasintahan pa lang sila.

THE RECONCILIATION BEFORE THE RECENT BREAKUP

Noong April 9, inihayag ni Jelai sa kanyang vlog na hindi kaila sa publiko na pilit nilang inayos ni Jon ang kanilang buhay mag-asawa noong nakaraang taon.

Magkaiba man daw sila ng bahay, muling nasaksihan ng kanilang followers ang YouTube collabs ng tambalan ng mag-asawang nakilala bilang JoLai.

Continue reading below ↓

Nagkasama pa ang dalawa bilang cast members sa Kapuso prime-time series na Owe My Love, na nagsimulang umere nitong February 2021.

May YouTube collab pa ang mag-asawa nitong March 2021.

Paliwanag ni Jelai: "Pinagbigyan ko si King Badger. Nagkabalikan talaga kami. Na-excite pa nga akong i-reveal yun.

"Nagkahiwalay lang kami ng bahay, pero mag-asawa pa rin kami kasi kinasal kami, di ba? Pero alam niyo naman na inaayos namin yun.

"'Tapos nung lock-in taping, nagkabalikan kami. Nagbigay ako ng chance.

"Pero hindi pa rin nag-work kasi nalaman natin 'to. May mga lumabas na mga ano..."

Aminado si Jelai na marami ang kumukuwestiyon kung bakit niya napatawad si Jon sa kabila ng diumano'y panloloko nito sa kanya noong 2019.

Kuwento ni Jelai, nanaig sa kanya ang turo ng lola niyang magpatawad sa taong nagkasala sa kanya.

Sabi pa ni Jelai, "Marami nagsasabi sa akin na kapag nagpapatawad ka raw, mas nagiging masaya yung life mo.

Continue reading below ↓

"Kaya wala akong ginagawa kundi magpatawad nang magpatawad.

"Pero minsan sumasagad naman. Hindi naman pwedeng nagpatawad ako 'tapos siya, patuwad nang patuwad. Iba naman yun."

Ang tinutukoy ni Jelai ay ang pagkakaroon umano ng sekswal na relasyon ni Jon sa ibang babae.

Giit ni Jelai: "Asawa ka, legal wife ka, ba't di ka lalaban? E, kaso nagmanman ako. Nagka-private investigator ako.

"GG [good game], finish na. Wala na, hindi na ma-deny."

Hindi lang daw maintindihan ni Jelai kung bakit siya na yung "inagrabyado" ay siya pa iyong pinapalabas na masama ng kampo ni Jon at ng kabit umano ng rapper.

JELAI TO JON: "Pag kabit mo na-hurt, magwawala ka."

Kahapon, Abril 27, muling sumabog ang galit ni Jelai nang magpatutsada si Jon sa kaibigan ni Jelai na si Mary Letim Ponce dahil sa pakikialam umano nito sa away nilang mag-asawa.

Naiinis daw si Jon dahil kung anu-ano umanong paninira sa kanya ng kaibigan ni Jelai sa social media.

Continue reading below ↓

Tweet ni Jon: "Tandaan mo hinde kita asawa or close friend para mag salita ka ng ganyan.

"Wala kang karapatan pag salitaan ako ng kung ano ano. Ingat ingat sa mga sinasabi mo sa vlog ng may vlog.

"Masyado kang feeling perfect squammy naman ugali mo, kitang kita sa vlog."

Twitter: Jon Gutierrez hits back at Jelai friend Mary Letim Ponce

Continue reading below ↓

Twitter: Jon Gutierrez hits back at Jelai friends Mary Letim Ponce

Sa puntong ito, bumuwelta si Jelai kay Jon.

Halatang napilitan daw magsalita si Jon dahil hindi nito gustong nasasangkot sa kontrobersiya ang umano'y kabit nito.

Tweet ni Jelai (published as is): "Galit na galit ka agad nag practice lang naman kami kung magsusumbong sayo.

"Wala, ilang minuto bigla ka naging Hulk Hogan.Super hero tlaga.

Continue reading below ↓

"Pag ako nassktan ok lang, sobrng pagdurusa pa dahil sainyo. Pag kabit mo nahurt, magwawala ka."

Katuwiran ni Jon (published as is): "Walang nag sumbong sakin, wala akong nakausap na ibang tao.

"Ang dami ko lang nakikita at naririnig sa social media at yt.

"Alam mo kayang kaya kong tanggapin lahat ng sasabibihin mong masama sakin dahil ikaw ang nasaktan ko at nagawan ko ng mali pero yung ibang tao walang karapatn."

Twitter: Jelai Andres replies to Jon Gutierrez, opens up about his good treatment to mistress

Continue reading below ↓

Iginiit naman ni Jelai na walang masama kung ipagtanggol man siya ng kaibigan sa panlolokong ginawa umano sa kanya ni Jon.

Ani Jelai (published as is): "Wag si Mary tirahin mo diretso ka sakin.

"Obvious na obvious kung bat ka nagka ganyan. Bigla ka nabuhayan!

"Hinihintay namin to e pag kumuda ka ng ganyan, ibig sabihin nagsumbong si kabit! Eto na ngaaaa!!!!"

Sagot uli ni Jon: "Diretso ako sayo? Di mo nga ako pinapansin. Di ka nag rereply sa mga messages ko. Uulitin ko walang nag sumbong sakin."

Twitter: Jelai Andres, Jon Gutierrez message exchange

Continue reading below ↓

Sa puntong ito, nagpatutsada si Jelai tungkol sa hindi magandang bisyo umano ni Jon at ng mga kaibigan ng rapper.

Ani Jelai: "Gnyan talga ang true frnd sobrng blessed ako my mary akosa life kona lalaban pra sakin.

"Baka kunwala si mary diko na kinaya,baka wala nakodito dhl sa kasadlakan na pinaglagyan nyo sakin.

"Unlike frnds mo na ksma mo lang s kababuyan,panttraydor sakin at sa pag *****."

Mariing pinabulaanan ni Jon ang sinasabi ni Jelai na bisyo niya, at kaya raw niyang patunayan iyon.

Hindi naman inurungan ni Jelai si Jon at pinagtalunan pa nila ang tungkol sa isyung iyon.

Hanggang sa sabi ni Jon na tila tinutukoy ang dokumento para sa kanilang hiwalayan, "Sobra ka na.. just send it and I will sign it."

Buwelta ni Jelai: "Mas sobra ka! May pag walawala kapa dyan? Ano gulat ka kala mo hndi ako lalaban tulad dati?

"Oh bat may pakuda kuda kapa kasi kanina antapang tapang mo kala mo kasi prng dati na tatahimik lng ako at magtitiis at di lalaban, alam mo namang ikaw mali dito tapos nagwawalawala kapa dito s twitter nananahimik ako anglayo layo ngyn, prng ikaw pa biktima."

Continue reading below ↓

Twitter: Jelai Andres, Jon Gutierrez heated message exchange

JELAI'S SISTER SLAMS JON

Pati ang kapatid ni Jelai na si Candy ay kinastigo rin si Jon dahil sa pambababae umano nito.

Wala raw karapatan si Jon na tawaging asawa si Jelai.

Tweet ni Candy kay Jon, "Asawa mo? Nung kasama mo kabit mo sa kama naalala mo asawa mo?"

Continue reading below ↓

Ni-retweet ito ni Jelai kalakip ng text na "LOUDER!"

Twitter: Jelai sister Candy slams Jon for the cheating issue

Ipinagtanggol din ni Candy ang kaibigan ni Jelai na si Mary na sinasabi ni Jon na nakikisawsaw sa away ng mag-asawa.

Natural lang daw na magalit din ang kaibigan ni Jelai dahil nakitang naagrabyado umano si Jelai.

Ni-retweet ni Jelai ang mensaheng iyon ni Candy at saka iginiit na hindi siya mangingiming makipag-away kay Jon kahit sa social media.

Continue reading below ↓

"King kups you started this! Nananahimik ako dito! Ikaw nag simula. Di na pwedeng tahimik lang ako ako pa gagawing mong sinungaling!

"Matuto ka mag isip muna bago ka maging super hero ng kunsino,gmtn mo utak mobobo.

"Sorry miloves di na pwedeng ttapaktapakan nlng tayo lagi -JELAI2.0"

Twitter: Jelai Andres backs up sister Candy statement

Nag-reply naman si Jon kay Candy at humingi ng tawad dito.

Continue reading below ↓

Tweet ni Jon kay Candy: "Ate @candy_monroe wala akong problema sayo. Sorry kung nasagot kita dati, pasensya ka na sa mga nagawa ko.

"Since di nyo naman ako pinapansin sa messages at least dito mag sosorry ako sayo.

"Salamat din sa lahat ng tulong mo nung kasama ko kayo. Inuulit ko sorry."

Twitter: Jon Gutierrez apologizes to Jelai sister Candy

Continue reading below ↓

Sumagot naman si Jelai na huli na ang paghingi ni Jon ng tawad mula sa kanyang pamilya.

Mensahe ni Jelai kay Jon (published as is): "Nung una hndi kanag sosorry dinamay mo pa pamilya ko pero nung nalaman mo na alam n nilang lahat saka ka magsosorry at pagtapos mo magwala wala s twittwr kanina na prng ikaw pa kawawa!

"Ttry mo pa kasi linisin yung dumi ginawa niyo eh, ako pa ggawin mong sinungaling at masama."

Depensa naman ni Jon, "Ni minsan di kita ginawang sinungaling at masama, never ako nag bad mouth tungkol sayo! Lalo na sa social media...EVER!

"Wala akong ginawang ganyan. Wala din akong nililinis."

Twitter: Jon Gutierrez and Jelai Andres message exchange

HOT STORIES

Continue reading below ↓

Use these Shopee vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jelai Andres on estranged husband Jon Gutierrez: "Asawa ka, legal wife ka, ba't di ka lalaban? E, kaso nagmanman ako. Nagka-private investigator ako. GG, finish na. Wala na, hindi na ma-deny."
PHOTO/S: @jelaiandresofficial / @easymoneybadger Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results