Dominic Ochoa remains loyal to ABS-CBN

by Archie de Calma
Dec 18, 2007
"Naiisip ko kasi, paano kung lumipat ako? What's in store for me? Hindi ko rin alam. Walang katiyakan kung lilipat ako, kahit sabihin pa nilang may tutulong sa akin. I just feel na okay pa ako dito sa Dos, kaya dito na muna ako," says Dominic Ochoa about his decision to stick with ABS-CBN.


Gumaganap si Dominic Ochoa bilang ama ni Piolo Pascual sa Lobo, ang inaabangang teleserye ng ABS-CBN sa unang bahagi ng 2008. Nasa flashback scenes lang naman si Dominic kaya credible pa rin.



Maganda ang pasok ng 2008 kay Dominic dahil bukod sa Lobo ay kasama rin siya sa cast ng Sakal, Sakali, Saklolo, ang entry ng Star Cinema sa 2007 Metro Manila Film Festival. Pero ayon kay Dominic, ia-assess niya ang career niya na parang roller coaster.



"Basta, nariyan lang siya. Parang noong 2005, talagang down, but I guess, it has something to do with economics. Pero ayokong namomroblema diyan. Marami pa rin akong ibang bagay na ginagawa. Pumapasok ako sa investments. Ganoon na lang. This 2008, mayroon nga kaming niluluto. Malalaman na lang ninyo," pabiting sabi ni Dominic sa presscon ng Sakal, Sakali, Saklolo kagabi, December 17.



Hindi pa rin daw lilisanin, as of now, ni Dominic ang ABS-CBN. May kumalat kasing balitang ganito through his friend Marvin Agustin, na steady na kasi sa GMA-7 at maganda na ang takbo ng career doon.

Continue reading below ↓



"May parang offer si Marvin. Pinag-usapan namin na kung sakaling mapag-isipan kong lumipat sa Siete, tutulungan niya ako," pag-amin ni Dominic.



Hindi na raw dapat sinabi ni Dominic 'yon sa press, hinaing ni Marvin.



"I see nothing wrong with that," depensa naman ni Dominic."Kasi tinatanong ako ng press, kung lilipat ba ako. So, kailangang sagutin ko 'yon at maging malinaw sa kanila kung bakit may lumabas na ganoon. I'm sticking with my manager [Boy Abunda]. Nag-umpisa ako sa kanya, kaya kung ano ang desisyon niya, doon ako.



"Kahit siguro hindi na kami mag-usap ni Marvs tungkol sa isyung 'yan, maiintindihan niya. Wala rin kasi akong sinabing definite sa kanya, na lilipat ako. At nagmamagandang-loob din lang siya," banggit ng aktor.



Bakit nga ba siya nagpapaka-loyal sa Dos samantalang siya na rin ang nagsabi, may times na talagang down ang career niya?



Paliwanag ni Dominic, "Naiisip ko kasi, paano kung lumipat ako? What's in store for me? Hindi ko rin alam. Walang katiyakan kung lilipat ako, kahit sabihin pa nilang may tutulong sa akin. I just feel na okay pa ako dito sa Dos, kaya dito na muna ako. Wala namang problem, e.

Continue reading below ↓

"May phase kasi talaga 'yan," dugtong ni Dominic. "Minsan, tuluy-tuloy. May time na hihinto. Ang mahalaga sa akin, may iba rin kasi akong ginagawa."

May comedy-serye raw na niluluto ang Dos kasama si Dominic with John Prats and other ABS-CBN stars.



Pagkatapos ng naunsiyaming relasyon nila ng aktres na si Jana Victoria, nakahanap ng bagong pag-ibig si Dominic in the person of Denise Go, isang modelo. Kuwento ni Dominic, ang kasintahan pa raw ang nag-makeup sa kanya sa shoot ng isang beer commercial at doon nga sila nag-umpisang maging close.



"Bale tatlong taon na ang relasyon namin," sabi ng aktor. "At the rate things are going, I can say, wala na akong ibang iniisip pa kundi siya na nga ang pakakasalan ko. Kung kailan at saan, yun ang hindi pa natin alam. Wala naman talagang kasiguraduhan hangga't hindi pa nangyayari ang kasalan. Pero wala na akong hahanapin pang iba. Siya na lang."

Continue reading below ↓



Hindi nakapagtataka kung bakit at peace si Dominic sa buhay niya ngayon. Mayroon siyang ibang paraan para maghanda sa future, hindi lang ang showbiz career niya.



"Pero hindi ko ito [showbiz] maiiwan," giit ni Dominic. "Natutuwa nga ako, dahil heto, nasa Sakal, Sakali, Saklolo ako at kasama ko pa sina Juday [Judy Ann Santos] at Ryan [Agoncillo] sa Spain. Nag-aral pa ako ng konting Spanish para sa role ko. Panggulo ako dito sa mag-asawa, at karamihan ng eksena namin, sa Barcelona. I'm very sure, magugustuhan ito ng mga manonood."

Read Next
Read More Stories About
Marvin Agustin
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Naiisip ko kasi, paano kung lumipat ako? What's in store for me? Hindi ko rin alam. Walang katiyakan kung lilipat ako, kahit sabihin pa nilang may tutulong sa akin. I just feel na okay pa ako dito sa Dos, kaya dito na muna ako," says Dominic Ochoa about his decision to stick with ABS-CBN.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results