Sharon Cuneta has witty answer to “Bakit lumaki boobs?” question from netizen

by Arniel C. Serato
Apr 28, 2021
Sharon Cuneta tells netizen that her boobs are not fake.
PHOTO/S: Courtesy: @reallysharoncuneta on Instagram

“Tunay yan.”

Ito ang binigyang diin ni Sharon Cuneta sa isang netizen na nagtanong kung bakit parang lumaki ang kanyang dibdib.

Ang komento ng netizen ay base sa ni-repost ng Megastar na pinagtabing larawan niya na kuha noong taong 2000 at sa taong kasalukuyan, 2021.

Mababasa sa caption ang mensahe ng isa niyang fan: “Repost from @gens_iya Mula noon hanggang ngayon walang kupas parin ang ganda ng nag iisang MEGA STAR [three smiling face with heart eyes emojis]

“We Love You Ma, Sharon [face throwing a kiss emoji] @reallysharoncuneta

Kaagad nagkomento ang isang netizen sa post ng Your Face Sounds Familiar judge.

Saad sa komento: “Bakit lumaki boobs? [face with tears of joy emoji]”

Sinagot naman ito ng 55-year-old singer-actress.

Ayon kay Sharon, totoo ang kanyang boobs at hindi gawa ng sensiya.

Katunayan, tatlo na raw ang binuhay ng kanyang dibdib.

Ang tinutukoy ni Sharon ay ang tatlo niyang anak na sina KC Concepcion, Frankie Pangilinan, at Miel Pangilinan.

Continue reading below ↓

Buong sagot ni Sharon: “Tunay yan. 3 na anak na binuhay nyan lalo si Miel. Tapos tumaba ng wagas at pumayat!”

Sharon Cuneta answers netizen question about her boobs

Wala nang iba pang komento na sinagot si Sharon sa nasabing post.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sharon Cuneta tells netizen that her boobs are not fake.
PHOTO/S: Courtesy: @reallysharoncuneta on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results