Tony Labrusca, Barbie Imperial, 4 other Bagong Umaga stars recover from COVID-19

by Arniel C. Serato
Apr 29, 2021
Bagong Umaga stars Tony Labrusca, Barbie Imperial are proud COVID-19 survivors.
PHOTO/S: Courtesy: @tony.labrusca / @msbarbieimperial on Instagram

Umaming nahawaan din ng COVID-19 ang Kapamilya stars na sina Tony Labrusca, Keempee de Leon, at Barbie Imperial.

Magkakasama ang tatlo sa afternoon drama series ng ABS-CBN na Bagong Umaga.

Sa pagharap nila sa finale presscon ng kanilang programa kahapon, April 28, umamin ang tatlo na nalagpasan na nila ang kanilang laban sa sakit.

Kuwento ni Tony, “Halos lahat kami COVID survivors. We’re working in a time of pandemic; it happens.

"But God is good. We all survived. That was pretty unforgettable.”

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News Online, hindi idinetalye ni Tony kung sinu-sino pa ang ibang kasamahan niya sa teleserye ang nagka-COVID-19.

Nagnegatibo si Tony sa ika-12 araw ng kanyang isolation.

Malaki ang pasasalamat ni Tony sa produksiyon ng Bagong Umaga dahil sa tulong nito para sa kanyang paggaling.

Aniya, “Sila talaga yung naging family namin.

"Sila talaga yung nag-alaga sa amin, made sure that we got home safe, that we had the proper meds, that the doctors were always taking care of us.

Continue reading below ↓

“Nakatulong talaga yun. We were all handling it like a family, para no one felt left out and felt alone.”

Pinili naman ni Barbie na huwag nang ianunsiyo sa social media na nahawaan siya ng virus.

Paliwanag niya, “Kasi ako, palaging throwback yung mga pinu-post ko na photos and videos sa story ko.

"Baka malito yung mga tao na nakasama ko kung kailan ba talaga yun, at baka isipin nila na nakasama ko sila noong day na yun. Baka ma-alarm sila.”

Malaki rin ang pasasalamat ni Keempee sa tulong na ipinaabot ng management sa kanila matapos siyang mahawa ng COVID-19.

Sabi ni Keempee, “Thankful talaga ako to the whole Bagong Umaga family who prayed for all of us nagtsi-check every single day sa Viber, sa buong production and staff, na hindi kami pinabayaan all the way, na talagang inalagaan kami.

“Every day, tsini-check kung kumusta ang pakiramdam namin and everything.

Continue reading below ↓

"Nandoon ang family support ng bawat isa, e. Thankful ako. It’s not just about work, but the family na nabuo, yung friendship, yung relationships.”

Bukod kina Tony, Barbie, at Keempee, nauna na ring umaming nahawaan sila ng COVID-19 ang co-stars sa serye na sina Sunshine Cruz, Nikki Valdez, at Heaven Peralejo.

Lahat sila ay negatibo na sa virus sa ngayon.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bagong Umaga stars Tony Labrusca, Barbie Imperial are proud COVID-19 survivors.
PHOTO/S: Courtesy: @tony.labrusca / @msbarbieimperial on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results