Keempee de Leon thankful after recovering from COVID-19

by Arniel C. Serato
Apr 29, 2021
Keempee de Leon: "Thankful talaga ako to the whole Bagong Umaga family who prayed for all of us nagtsi-check every single day sa Viber, sa buong production and staff, na hindi kami pinabayaan all the way, na talagang inalagaan kami."
PHOTO/S: Courtesy: @kimpster888 on Instagram

Abot-langit ang pasasalamat ni Keempee de Leon sa Panginoon dahil nalampasan na niya ang kalbaryo sa pakikipaglaban sa sakit na COVID-19.

Sa Instagram, ibinahagi ni Keempee ang kanyang labis na pasasalamat sa Diyos at gumaling na siya mula sa pagkakahawa sa sakit.

Mensahe niya sa Instagram noong Lunes, April 25 (published as is), “Thank you Heavenly Abba Father My Lord God and Savior Jesus Christ for being Faithful and for being there for me for hearing my prayers every single day when i was so scared and thinking what’s going to happen to me the next day.”

Marso 2021 tinamaan ng COVID-19 si Keempee.

Malaki raw ang pasasalamat niya, hindi lamang sa Diyos, kundi sa produksiyon ng kinabibilangang serye sa ABS-CBN na Bagong Umaga (BU).

“Abba Father Father My Lord God and Savior Jesus Christ thank you for Healing me and for my BU Fam for supporting me when i got sick last month from Covid.

Continue reading below ↓

“Thank you Lord for Recovering me for healing me till i get well and get back to work.

“Thank you for Covering me with your Precious Blood Your my Healer.

“Thank you Abba Father My Lord God and Savior Jesus Christ.

“I owe you everything especially My Life. Amen,” panalangin niya.

Sa finale presscon ng Bagong Umaga kahapon, April 28, pinasalamatan muli ni Keempee ang management ng show/

Trinato raw kasi silang kapamilya ng mga ito at inalalayan hanggang sa sila ay gumaling sa sakit.

Saad niya sa online presscon, “Thankful talaga ako to the whole Bagong Umaga family who prayed for all of us nagtsi-check every single day sa Viber, sa buong production and staff, na hindi kami pinabayaan all the way, na talagang inalagaan kami.

“Every day, tsini-check kung kumusta ang pakiramdam namin and everything.

"Nandoon ang family support ng bawat isa, e. Thankful ako. It’s not just about work, but the family na nabuo, yung friendship, yung relationships.”

Continue reading below ↓

Bukod kay Keempee, lima pa sa mga kasamahan niya sa show ang nagpositibo sa virus at gumaling na rin ngayon.

Ito ay sina Sunshine Cruz, Nikki Valdez, Heaven Peralejo, Barbie Imperial, at Tony Labrusca.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Keempee de Leon: "Thankful talaga ako to the whole Bagong Umaga family who prayed for all of us nagtsi-check every single day sa Viber, sa buong production and staff, na hindi kami pinabayaan all the way, na talagang inalagaan kami."
PHOTO/S: Courtesy: @kimpster888 on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results