Korina Sanchez posts convo with a demanding job applicant

by Arniel C. Serato
Apr 30, 2021
Korina Sanchez tells arrogant job applicant: "Sige uwi ka na. Wag ka na babalik ha."
PHOTO/S: Courtesy: @korina on Instagram

Isang nakatutuwang kuwento ang ibinahagi ng broadcaster na si Korina Sanchez sa kanyang Instagram kahapon, April 29.

Ito ay tungkol sa kanyang pakikipag-usap sa isang job applicant.

Nakalagay sa kanyang post, tinanong daw ng nag-a-apply ang posisyon at mga gagawin sakaling matanggap siya sa trabaho.

“Applicant: Ano po bang position ang offer niyo?

“Korina: Need kasi namin ng production assistant yung Pwede mautusan ng direktor at executive producer. Alam mo na Kung anoano minsan.

“Applicant: Ano nga po yung anu-ano?

“K: Need kasi namin yung madali kausap at di mashado mapili at makuwenta. Shempre bawal naman ang abuso kaya all within reason ang utos.”

Kasunod daw na tinanong ng applicant kung magkano ang sasahurin niya.

Nang ipinaliwanag ni Korina na hindi ito ganun kalaki dahil nga sa COVID-19 pandemic, sinabihan pa raw siyang dapat ay double pay o doble ang isasahod sa kanila.

“Applicant: Baka pag isipan ko pa. Magkano?

Continue reading below ↓

“K: Sa ngayon lahat kami half pay kasi ganon ang buong industriya tinamaan ng lockdown ang negosyo ng lahat.

“Applicant: Baligtad po! Dapat nga doblehin niyo sweldo namin kase mas gipit kami ngayon. Ano Ano nga ba gagawin ko?”

Pero parang nainis na raw si Korina sa pagkaarogante ng nasabing job applicant kaya sinabihan daw niya itong umuwi na.

“Korina: Ano... Sige uwi ka na. Wag ka na babalik ha. Next please?”

Dagdag pa ng Rated Korina host, “Parang bumaligtad utak ng ibang tao sa Covid. just sayin’.”

Sa comments section, sinabihan naman si Korina ng followers nitong tama lang ang kanyang ginawa.

Sabi ng isa niyang follower, “kalokang aplikante, di pa nag-uumpisa pasaway na”

Tugon ni Korina, “Kaya nga... NEXT?”

Korina sanchez demanding applicant

Continue reading below ↓

Ayon pa sa isang nagkomento, “demanding.. wan ko sayo.. uwi ka na!”

Pag-sang ayon ni Korina, “Goodbye. As in”

Korina sanchez demanding applicant

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Read More Stories About
Korina Sanchez, hardcore fans
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Korina Sanchez tells arrogant job applicant: "Sige uwi ka na. Wag ka na babalik ha."
PHOTO/S: Courtesy: @korina on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results