Sunshine Dizon on leaving GMA-7 after 25 years: "Wala akong bitbit na sama ng loob."

by Rose Garcia
May 1, 2021
Sunshine Dizon on loyalty: “Kung loyalty ang pag-uusapan, twenty-five years din naman po akong nagtrabaho para sa kanila. Twenty-five years din naman po nila akong binigyan ng trabaho. So, I think, it was give and take. I think, I’ve also paid my dues, di ba?"
PHOTO/S: @sunshinedizon on Instagram

Opisyal nang ipinakilala ang dating Kapuso na si Sunshine Dizon bilang bagong Kapamilya sa pamamagitan ng isang online media conference kahapon, April 30.

Kasabay nito ang announcemet ng unang teleseryeng gagawin niya sa ABS-CBN, ang Marry Me, Marry You, kung saan makakasama niya ang dati ring Kapuso na si Janine Gutierrez.

Pagkatapos ng online mediacon, nagkaroon ng pagkakataon ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na eksklusibong makausap ang aktres sa pamamagitan ng Zoom app.

Dito masayang sinabi ni Sunshine na overwhelmed siya sa ginawang pagwe-welcome sa kanya ng Kapamilya network.

Saad niya, “Na-overwhelmed ako kasi parang hindi ko ine-expect na ganun kalaki or, ewan ko, baka naïve lang talaga ako sometimes or hindi lang talaga ako masyadong nag-e-expect ng mga bagay-bagay.

“So, na-overwhelmed ako. Kasi nakita ko, kahit sa Twitter, nag-trending sa Philippines. Nakakaloka, di ba?

“Masaya ako na maraming masaya for me.”

TWENTY-FIVE YEARS AS KAPUSO

Dalawampu’t limang taong naging bahagi ng GMA-7 si Sunshine, mula nang gawin niya ang teen weekly drama series na Anna Karenina noong 1996 hanggang sa huling teleserye niyang Magkaagaw na nagtapos lamang nitong March 2021.

Continue reading below ↓

Sunshine Dizon as a Kapuso

Naging mahirap ba para sa kanyang magdesisyong sumubok sa ibang network, o naging madali sa kaisipang gusto naman niya ng bago?

Ayon sa 37-year-old actress, “Siguro out of respect, hindi na ako magbibigay ng specific details.

"Pero ang masasabi ko lang is maayos kaming nakipag-usap at maayos din silang nakipag-usap sa amin ni Perry [Lansigan, her talent manager].

Continue reading below ↓

“And with whatever decision it is, maluwag sa puso ko dahil they [GMA management] actually wished me well.

"To be honest, no hard feeling. Wala akong bitbit na sama ng loob."

Nilinaw rin ni Sunshine ang nosyon na kapag umaalis sa isang network ang isang artista, may sama ng loob o may bitterness o may hindi magandang nangyari.

“Yeah, may ganun nga na naiisip. Pero ang problema kasi, I cannot go into specific.

"Kasi, babalik ako sa respeto. Respeto sa aking pinanggalingan at respeto rin dito sa aking pupuntahan.

“So, I’d rather not give comment with regards to whatever transpired.

"Pero kung ang tanong mo, may sama ka ba ng loob, wala talaga. To be honest, wala.”

Lahad pa ni Sunshine, “Sabi ko nga kay Perry, I feel like this is something good.

"I’m not getting any younger, I’m turning 38 this July.

"And hindi rin ako para maging ipokrita at sabihin na hindi ako nag-isip or nangarap man lang na, sana, makatrabaho ko si ganyan or makatrabaho ko ang director na ganito.

Continue reading below ↓

“Parang would have been impossible before.

"But when this opportunity came about, sabi ko nga, I only have a very simple prayer with regards to my career ever since, and alam ng mga closest friends ko ‘yan.

“Palagi ko lang pinagpi-pray na, ‘Lord, please plant me where I will bloom.’

"And when this happened, I really felt that it was God who’s doing everything for me again. Na this is a new season, another chapter in my life, in my career.

"And ever since naman, I’ve always trusted His will, so I just felt good inside na parang dito naman Niya ako dinala ngayon in this time of my life.”

LOYALTY

Binigyang diin muli ni Sunshine na wala siyang kahit anong sama ng loob sa Kapuso network.

“Masaya ako, at kung sasabihin nilang muli na may sama ako ng loob, honestly, wala.

"And ako, naniniwala ako na if it’s not for GMA din, hindi rin naman siguro ako papansinin ng ABS.

Continue reading below ↓

"Who would have known about my body of works kung hindi rin naman ako binigyan ng opportunity ng GMA?

“It just so happened na ang constant lang naman talaga sa buhay—and I believe that—is change. So, ito na yung pagkakataon for me.”

Sa naging paglipat niya, masasabi niyang walang anumang tulay na nasunog?

Sagot n Sunshine, “I would want to believe that kasi I spoke to my former bosses.

"Actually, ayoko ngang sabihing boss kasi, sa totoo lang, I treated them like family and they’re very dear to me.

"Maayos, maayos naman."

Diretsahan ding tinanong ng PEP.ph si Sunshine kung ang salitang loyalty sa isang artista ay masusukat ba kung nanatili ka lang sa isang network.

“Sana hindi naman,” mabilis niyang sagot.

“Kasi kung loyalty ang pag-uusapan, twenty-five years din naman po akong nagtrabaho para sa kanila. Twenty-five years din naman po nila akong binigyan ng trabaho.

"So, I think, it was give and take. I think, I’ve also paid my dues, di ba?

Continue reading below ↓

“So, sana hindi naman.”

At saka niya isinunod nang natatawa, “Hindi ko nga alam, sino ba kasi ang nagpauso ng network war, di ba?”

Sana nga raw ay dumating ang araw na buong industriya ay may pagkakaisa.

“Isn’t it nice? We all have that freedom to work where our talents are needed. May unity. Hindi yung diyan ka lang, hindi ka puwedeng tumawid.

"To be honest, nawawalan din ng growth ang isang artista. Kasi, pati ang director, naka-lock din ‘yan.

“I just hope, it will change eventually.”

SUNSHINE DEACTIVATES HER TWITTER AFTER ANNOUNCEMENT

Nang unang pumutok o lumabas ang balitang lilipat na siya sa ABS-CBN, may mga nasulat na hindi na raw kasi na-renew ang kontrata niya sa GMA-7.

Hati ang naging reaksiyon ng netizens. Pero mas marami ang nagulat na lumipat siya sa ABS-CBN at hinayaan siyang umalis ng GMA-7.

Pero ayon kay Sunshine, nag-deactivate muna siya ng Twitter nang lumabas na ang balita.

Continue reading below ↓

“I will be honest, nag-deactivate ako ng Twitter for a while. Meron talagang mga violent reaction!” natawang sabi niya.

“May violent reaction towards them, and meron din namang violent reaction towards me.

"And you know, I think valid naman lahat ng nararamdaman nila kasi hindi rin naman ako nag-explain.

“And ako rin, parang at that time, I wanted to parang have peace. So, I deactivated my Twitter, parang hayaan mo na.”

Ngayon daw ay activated na muli ang Twitter niya.

Natatawang sabi pa ni Sunshine, “Siguro naman tanggap na nila and wala na rin silang magagawa!”

Alam din daw ng aktres na hindi niya puwedeng i-please ang lahat.

Saad niya, “I’ve been in this business for so, so long and I know for a fact that we cannot always please everyone, di ba?

“Hindi mo rin naman mabi-blame ang mga tao kung meron silang preference na gusto nila, ito lang sila—solid silang Kapuso o solid silang Kapamilya.

Continue reading below ↓

“Hindi rin naman kasi siguro nila nakikita ang other side of it, na the truth to that is it’s a very small industry.

"Na magkakakilala naman tayong lahat at magkikita-kita rin tayo sa finish line, di ba?

"And ako rin naman, nagpapasalamat because I can really feel their support."

ON TRANSFERRING TO ABS-CBN DESPITE FRANCHISE ISSUE

Marami rin ang nagtataka kung bakit lumilipat ang ilang artista sa ABS-CBN, gayong, bukod sa may pandemya, wala ito sa free TV matapos ibasura ng Kongreso ang franchise renewal ng Kapamilya network.

Paliwanag ni Sunshine, “Hindi na lang naman free TV ang importante ngayon, aminin natin.

“Ako, to be honest, yung cable box namin dito, tinanggal na kasi hindi naman kami nanonood. Ang pinapanood namin yung streaming.

"'Tapos, gusto mong manood ng Channel 7, may app sila sa phone. Gusto mong manood ng Kapamilya, iWant, may app sa phone.

“At sabi ko nga, ultimately, work is work.

Continue reading below ↓

“Sabi ko nga, baka nagiging big deal lang kasi nagkataon na Dreamscape ang unang project ko sa labas. So, parang may shock factor, e, di ba?

"Siguro kasi, parang all my life, feeling nila kapag Sunshine Dizon, GMA, may automatic na ganun.”

Hindi raw niya binigyang pansin na wala sa free TV ngayon ang ABS-CBN.

“Hindi ko naisip yun, kasi nga, sabi ko nga kay Perry, confident naman ako dun sa script na ibinigay nila. Confident din ako sa project.

"At saka, naniniwala rin ako na kung talagang mahal ka ng mga tao, kahit saan ka pumunta, susundan ka niyan.

“I honestly don’t know what the future holds, but I’m just happy that I’m able to work now.

"And thank you dahil lahat naman sila nagsasabi na kahit saan naman daw ako mapunta, susundan nila ako," sabi ni Sunshine.

WHAT CAN SUNSHINE DO AS A KAPAMILYA?

Excited daw si Sunshine lalo na nang ilatag sa kanya ang una niyang gagawing teleserye bilang Kapamilya, ang Marry Me, Marry You.

Continue reading below ↓

“Naririnig ko lang naman noon na masarap katrabaho ang Dreamscape, sila Sir Deo [Endrinal], tapos nagkataon din na sila yung may offer. So, everything just fell into place.

“Masaya ako,” pakli niya.

Sa ngayon, wala pa raw silang pag-uusap ng ABS-CBN o ng Dreamscape kung ano ba ang mga puwedeng gawin ni Sunshine o mga gusto sana niyang gawin ngayong isa na siyang Kapamilya.

Sa loob kasi ng 25 taon niya bilang Kapuso, napakaraming roles na ang nagawa at pinagbidahan niya.

Ngayong isa na siyang Kapamilya, ano pa ang mga gusto o nakikita ni Sunshine na puwede pa niyang magawa?

Tugon ng aktres, “Hindi pa naman kami umaabot sa ganung point. But what I can say is, itong bagong project, very refreshing, coming from mostly heavy drama.

"Kumbaga, ilang years, puro heavy ang ginagawa ko, di ba?

“Itong Marry Me, Marry You is very light and family-oriented.

"Parang kapag pinanood mo, kilala mo ang kapitbahay mo. Ganoon siya ka-light, heartwarming."

Continue reading below ↓

Natatawang dugtong niya, "Ano pa nga ba ang gusto kong gawin? Marami pa, maraming-marami pa.

"I feel like I still have so much to give and, ultimately, it's gonna depend on story. I hope and pray that I get to work with meaningful script and story that will challenge me."

Tahasang sinasabi ni Sunshine na na-excite talaga siyang makatrabaho ang direktor nilang si Dwein Baltazar.

Sa mga gusto naman niyang makasamang Kapamilya stars, binanggit ni Sunshine sina Piolo Pascual at John Lloyd Cruz na hinahangaan niya ang pag-arte at gustong makasama.

Sa isang banda, halos kasabay ng pagpasok ni Sunshine sa ABS-CBN ang announcement na nakuha ng network ang right for adaptation ng BBC Original series na Doctor Foster.

Pero ma mas kilala ngPilipino ang South Korean adaptation nitong The World of the Married.

Nang malaman ito ng netizens, isa ang pangalan ni Sunshine sa nasa listahan ng mga aktres na nakikitang puwedeng gumanap ng bidang babae.

Continue reading below ↓

Napanood daw ni Sunshine ang Korean version at sabi niya, “Tinapos ko siya ng four days. Napuyat ako at kinarir ko kasi, na-curious ako.”

Kung ang tanong daw ay kung kasama ito sa offer sa kanya sa paglipat niya sa ABS-CBN o kung may nagbanggit na sa kanya, tahasan niyang sinabi na wala.

Sabi ni Sunshine, “To be honest, wala namang anything na napag-uusapan about that.

"Nagulat din ako na biglang pumutok online. Umabot sa point na may nagme-message sa akin na, ‘Ikaw ba si Doctor Foster?’

"Parang, 'Ano ba yun? ‘Di ko ma-gets.' Kaya sabi ko, sige na nga, panoorin ko na.

“Kaya noong napanood ko na, 'Ah, kaya pala type nila ko for that.'

“Well, salamat, thank you to everyone who feels that I’m well suited for the role.

"At dahil nga napanood ko siya, kung magkataon man na i-offer sa akin, bakit hindi? Napakaganda.”

Natatawa pang sabi ni Sunshine, “Aminin natin, nakaka-relate! Parang ano yata ang World of the Married, I can do it with my eyes close.

Continue reading below ↓

“Pero to be honest, kung i-offer, go ako! Bakit hindi? Kung kailangang mag-audition, mag-o-audition ako.”

Hindi kaila sa publiko na na nagkaroon ng problema sa pagsasama ni Sunshine at ng kanyang mister na si Timothy Tan dahil diumano sa ibang babae.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sunshine Dizon on loyalty: “Kung loyalty ang pag-uusapan, twenty-five years din naman po akong nagtrabaho para sa kanila. Twenty-five years din naman po nila akong binigyan ng trabaho. So, I think, it was give and take. I think, I’ve also paid my dues, di ba?"
PHOTO/S: @sunshinedizon on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results