Former Menudo member Ray Reyes dies at 51

by Jojo Gabinete
May 1, 2021
Pumanaw na ang dating miyembro ng Menudo na si Ray Reyes nitong Biyernes, April 30, sa edad na 51. Ang Menudo ay isang Puerto Rican boy band noong '80s na sunikat din sa Pilipinas.
PHOTO/S: File / Instagram

Ipinagluluksa ng mga miyembro ng Menudo at ng mga tagahanga ng sikat na Puerto Rican boy band noong dekada ’80 ang pagpanaw ni Ray Reyes sa edad na 51.

Natagpuan ang walang buhay na katawan ni Ray nitong Biyernes, April 30, sa kanyang tahanan sa Levittown, Toa Baja, Puerto Rico.

Hindi pa tinukoy ang dahilan ng kanyang pagkamatay.

Naulila ni Ray ang kanyang mga anak na sina Marcos at Cecilia.

Nagpahayag ng pakikiramay at sobrang kalungkutan sa pagpanaw ni Ray ang mga dating kasamahan niya sa Menudo na sina Charlie Masso at Roy Rosselló.

Pahayag ni Charlie, "With much sadness for your departure! Rest in peace Ray!"

Charlie Masso message for Ray Reyes

Continue reading below ↓

Mensahe naman ni Roy, "My heart is broken into a thousand pieces. My friend and partner of Menudo Ray Reyes León has just passed away. There are no words that can give me comfort to such a sad and unfortunate loss.

"From my friend, my brother with whom I shared so many moments that I will never forget, may God have him in his Holy Glory."

Roy Rossello tribute to Ray Reyes

Continue reading below ↓

MENUDO MANIA

Naging miyembro ng Menudo si Ray sa panahon ng Golden Era ng boy band noong dekada '80.

Ilan sa mga kantang pinasikat nila ang "If You’re Not Here," "Please Be Good To Me," "Like A Cannonball," at "I’m Going Back to the Philippines" na popular na popular noon sa Generation X Filipinos.

Nagkaroon ng Menudo Mania sa Pilipinas sa unang pagtatanghal ng Menudo sa Folk Arts Theater noong April 1985. Mula sa tatlo, naging anim ang kanilang shows na sold-out ang tickets.

Sina Ray, Roy, Charlie, Robby Rosa (Draco Rosa na ang ginagamit ngayon na pangalan), at Ricky Martin ang mga miyembro ng Menudo na nagtanghal sa Folk Arts Theater noong April 1985.

Menudo

Continue reading below ↓

Menudo members (from left) Charlie Masso, Robby Rosa, Ricky Martin, Roy Rossello, and Ray Reyes

Muling bumalik sa Pilipinas ang Menudo noong October 1985 para sa kanilang concert sa Araneta Coliseum. Pero hindi na kasama si Ray dahil pinalitan siya ni Raymond Acevedo.

Si Edgardo Diaz, founder at creator ng Menudo, ang nagdesisyong palitan ni Raymond si Ray na labis na ikinagulat nito.

Ang pagtaba ni Ray ang sinabing dahilan ni Diaz kaya inalis siya sa Menudo, na itinuturing na Most Iconic Latino Pop Music Band.

Kung popular sa mga Pilipino ang menudo bilang pagkain o ulam, "loose change" ang kahulugan ng menudo sa Puerto Rican Spanish.

Mula 12 hanggang 15 ang age limit sa mga miyembro ng Menudo, pero puwersahan ang pagreretiro nila kapag bigla silang tumangkad o tumaba.

SEXUAL ABUSE ALLEGATION

Noong 1991, inakusahan si Diaz ng sexual abuse ng mga dating miyembro ng Menudo, isang paratang na mahigpit niyang pinabulaanan.

Continue reading below ↓

Muling naungkat ang isyu ng pang-aabuso ni Diaz sa mga batang miyembro ng Menudo dahil sa pagsasalita nina Roy at Ralphy Rodriguez sa A Fazenda 7, isang Brazilian reality show noong 2014.

Ipinagtapat ni Roy sa October 21, 2014 episode ng A Fazenda 7 na dalawa sila ni Ricky Martin sa mga biktima ng pang-aabuso ni Diaz.

Roy Rossello sexual abuse allegation

Continue reading below ↓

Roy Rossello

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pumanaw na ang dating miyembro ng Menudo na si Ray Reyes nitong Biyernes, April 30, sa edad na 51. Ang Menudo ay isang Puerto Rican boy band noong '80s na sunikat din sa Pilipinas.
PHOTO/S: File / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results