Ogie Diaz recalls matchmaking John Lloyd Cruz, Ellen Adarna in 2017; he quips, "May kasalanan kasi ako diyan, e." 

by Rachelle Siazon
6 days ago
Ogie Diaz on past convo with John Lloyd Cruz and Ellen Adarna: "Bumaling ako kay John Lloyd. 'Oy, Lloydie! Si Elena pala gusto magkaanak kahit walang asawa.' Ayun na. Kaya nung nag-taping kami sa Baguio, hala, sobrang sweet na nung dalawa. The rest is history."
PHOTO/S: @ogie_diaz Instagram / @maria.elena.adarna Instagram

Natawa si Ogie Diaz nang maalala ang panunukso niya noon kina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna bago pa naging magkasintahan ang dalawa noon.

Si Ogie ay co-star nina Ellen at John Lloyd sa defunct Kapamilya sitcom na Home Sweetie Home.

Bida sa Home Sweetie Home sina John Lloyd at Toni Gonzaga, at sumali si Ellen sa show noong November 2016.

"May kasalanan kasi ako diyan, e," natatawang saad ni Ogie.

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ogie sa Calamansi live session noong April 19.

Balik-tanaw ni Ogie: "Kasi sa Home Sweetie Home, tinanong ko si JL, 30-plus na siya kasi... 'Wala ka pang anak,' sabi ko.

"Sabi niya, 'Oo nga, e. Yung mommy ko nga sabi niya bago man lang siya mawala sa mundo, sana makita niya yung apo niya sa akin.'

"Sabi ko, 'O, uso naman ngayon di kasal, e.'"

Komento naman daw ni John Lloyd, "Okay lang. Pero wala pa, e."

Continue reading below ↓

Noong panahong iyon, malinaw sa publiko na single si John Lloyd.

Bagamat may usap-usapang nauugnay pa rin noon si John Lloyd sa dating kasintahang si Angelica Panganiban, ang sinasabi ng mga ito sa media interviews ay magkaibigan lang sila.

Sa parte ni Ogie, habang kausap si John Lloyd sa set ng Home Sweetie Home ay napalingon naman daw siya sa co-star nilang si Ellen.

Patuloy na kuwento ni Ogie: "Katabi ko si Ellen Adarna noon. Kasi ako yung boss nila, di ba, sa Home Sweetie Home.

"Sabi ko, 'Elena, ilang taon ka na rin ano? Ayaw mo pa magkaroon ng anak?'"

Sagot daw ni Ellen kay Ogie, "Ay, gusto ko na nga rin, e. Gusto ko nga kahit walang asawa, okay lang."

Doon daw unang tinukso ni Ogie sina John Lloyd at Ellen sa isa't isa.

Lahad ni Ogie sa PEP.ph: "Bumaling ako kay John Lloyd. 'Oy, Lloydie! Si Elena pala gusto magkaanak kahit walang asawa.'

Continue reading below ↓

"Ayun na. Kaya nung nag-taping kami sa Baguio, hala, sobrang sweet na nung dalawa.

"Ayun na. The rest is history."

January 2017 nang ipalabas ang Baguio episode ng Home Sweetie Home.

Biniro ng awtor na ito na naging daan si Ogie para magkagustuhan sina Ellen at John Lloyd.

Natatawang hirit ni Ogie, "Oo, dyusko, nawalan tuloy kami ng raket! Pero okay lang kasi talagang nakatadhana iyan."

Ang tinutukoy ni Ogie ay ang pagbitiw nina John Lloyd at Ellen sa show simula noong October 2017, dahil pinili ng dalawa na pansamantalang iwan ang show business.

Sabay nilinaw ni Ogie na kahit tinukso niya noon ang dalawa, hindi naman daw talaga niya masasabing siya ang dahilan kaya nahulog ang loob ng mga ito sa isa't isa.

Giit niya, "Nakaguhit sa palad nila iyan. 'Tsaka hindi naman sila nagkagustuhan dahil sa akin. Siguro nagkaroon lang ng idea."

Napag-usapan sina John Lloyd at Ellen nang hingan ng PEP.ph ng reaksiyon si Ogie tungkol sa pananatiling co-parents nina John Lloyd at Ellen kahit bigo ang relasyon ng mga ito bilang magkasintahan noon.

Continue reading below ↓

Sabi naman ni Ogie tungkol sa outlook ng dating magkasintahan, "Alam mo, maganda na magkaibigan pa rin or 'tayo pa rin ang parents ni Elias.'

"Importante kasi wala nang pag-ibig sa isa't isa para maka-move on. Feeling ko naman, naka-move on na sila pareho."

JOHN LLOYD AND ELLEN'S HISTORY

Naging malapit sina John Lloyd at Ellen sa set ng Home Sweetie Home.

September 2017 nang ilantad ng dalawa sa publiko ang madalas nilang pagsasama sa mga bakasyon sa Cebu. Nasundan din iyon ng pagbabakasyon ng dalawa sa Europe.

Hanggang sa noong November 2017, inulat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na buntis si Ellen at si John Lloyd ang ama.

June 2018 nang ipanganak ni Ellen ang anak nila ni John Lloyd na si Elias.

August 2019 nang pumutok ang balitang hiwalay na sina Ellen at John Lloyd, at naiulat sa PEP.ph na "co-parents" na lang ang mga ito.

Kinumpirma ni Ellen ang co-parenting status nila ni John Lloyd noong April 2020.

Continue reading below ↓

Na-engage si Ellen sa bagong pag-ibig na si Derek Ramsay noong March 2021.

Pero nilinaw ni Ellen na si John Lloyd ay nananatiling "present father" sa anak nilang si Elias.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app on Google Play or App Store and enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ogie Diaz on past convo with John Lloyd Cruz and Ellen Adarna: "Bumaling ako kay John Lloyd. 'Oy, Lloydie! Si Elena pala gusto magkaanak kahit walang asawa.' Ayun na. Kaya nung nag-taping kami sa Baguio, hala, sobrang sweet na nung dalawa. The rest is history."
PHOTO/S: @ogie_diaz Instagram / @maria.elena.adarna Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results