DJ Loonyo on being tagged as babaero: "Ganun ako dati, pero iba ngayon."

by Rachelle Siazon
May 2, 2021
DJ Loonyo on learning from his past mistakes: "Yung pagiging babaero, that's before. Never ko ikakahiya because I've learned a lot."
PHOTO/S: DJ Loonyo Facebook

Tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si DJ Loonyo kung ano ang misconception sa kanya ng publiko na nais niyang klaruhin ngayon.

Pero diretsahang sinabi ni DJ Loonyo na aminado siya sa mga batikos sa kanya sa social media tulad ng pagtawag sa kanya na "babaero."

Si DJ Loonyo, aka Rhemuel Lunio, ay 25 taong gulang.

Prangkang sabi ni DJ Loonyo, "Totoo din naman yung sinasabi nila minsan, e. Hindi ko naman dine-deny, e. Like, sasabihin nila, 'babaero.' Okay, pinagdaanan ko naman yun dati."

Pero nagtanda na raw siya sa mga pagkakamali niya noon sa pakikipagrelasyon.

Paliwanag ng dancer-choreographer: "Yung pagiging babaero, that's before. Never ko ikakahiya because I've learned a lot.

"Na-filter ko din yung sarili ko. Na-filter ko din yung mga taong yun sa, alam mo yun, sa love na aspeto ng buhay.

"Ang sa akin lang, niyayakap ko kung anuman ang binabato nila sa akin.

"Hindi ako yung parang, 'Hindi ako ganun.'"

Continue reading below ↓

Pero umaasa si DJ Loonyo na mabigyan pa rin siya ng pagkakataong patunayang nag-mature na siya pagdating sa pag-ibig.

Tungkol pa rin sa pagiging babaero, sabi niya: "Ganun ako dati, pero iba ngayon.

"Yung sinasabi ko sa mga tao, sana bigyan niyo ako ng chance.

"My goal is to be better and better. I don't want to be the same person. Yun ang parati kong goal."

Noong April 26, eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph si DJ Loonyo nang ilunsad ang "Dance Under The Sun," ang kanyang first single bilang recording artist ng Universal Records.

DJ LOONYO IS ALREADY TAKEN

Nakangiting inamin ni DJ Loonyo sa PEP.ph na "in a relationship" siya ngayon.

Pero nais daw niyang manatiling pribado ang sweet moments nila ng kanyang kasintahan kaya hindi niya ito ipinu-post sa social media.

Lahad niya: "Last year nag-start. Pero in this aspect, gusto ko siya low-key. Kapag maraming nakakaalam, madaming nangingialam.

Continue reading below ↓

"Kung meron part sa buhay ko na gusto ko iano, it's the privacy of that one.

"Kasi, you know, social media nowadays is really cruel. Sobrang wild lang."

Kaya hangga't maaari ay ayaw na raw niyang idetalye ang tungkol sa kanyang love life.

lesson from past issues

Sinagot din ni DJ Loonyo na isa sa mga matinding pinagdaanan niya ay nang ulanin siya ng batikos matapos siyang makapagbitiw ng misinformation tungkol sa usapin ng mass testing noong June 2020.

Inako noon ni DJ Loonyo ang kanyang pagkakamali, at hanggang ngayon ay dala raw niya ang aral na natutunan sa kontrobersiyang iyon.

Sabi niya sa PEP.ph: "Well, especially pinakamalaking isyu na nangyari sa akin, yung mass testing issue.

"Nung niyakap ko yun nang sobra, naintindihan ko na you have to be very responsible with your words and decisions.

"Dati kasi dala ko yung wala akong pakialam kung anong sasabihin nila. Pero dahil nandiyan ka, kailangan mo talaga ingatan yung sasabihin mo.

Continue reading below ↓

"So, dun ako talaga, 'Okay, bago magsalita, magri-research ako."

Nakatanggap daw siya noon ng maraming masasakit na salita mula sa netizens.

Ani DJ Loonyo, "Pag sinasabi ng tao na 'bobo.' Dun lang ako parang, 'Wait lang. Ano ba sukatan ng bobo?'

"Pero hindi naman na ako na-offend. Kasi yun ang opinyon nila."

Watch first part of PEP Exclusives with DJ Loonyo here:

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
DJ Loonyo on learning from his past mistakes: "Yung pagiging babaero, that's before. Never ko ikakahiya because I've learned a lot."
PHOTO/S: DJ Loonyo Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results